Chapter 32

48 2 0
                                    

Dawn's POV

INABOT KAMI ng umaga sa pag-uusap sa mga bagay-bagay. Sa totoo lang ay magaan siyang kausap. Hindi ka niya pipiliting magsabi o magkwento dahil sa pananalita niya ay mapapakwento ka talaga.

Tinitigan ko si Dozen na natutulog sa sofa habang ako'y nasa lapag. Napakakinis ng lalaking ito. Kung wala akong asawa ay siya ang gugustuhin ko.

Napatitig ako sa wall clock. Mag-a-alas otso na na pala ng umaga. Wala akong naitulog dahil hindi ako nakainom ng gamot. Hindi ko rin naman alam na uumagahin pala ako dahil napalalim ang inuman namin kagabi. Kaya ayon, hindi rin ako nakapagdala ng gamot.

Tumayo na ako at niyugyog ang balikat niya. "Hey, Doz... wake up," aniko at mas niyugyog pa siya at bahagyang tinatapik ang pisngi. "It's almost eight in the morning. Get up. Magsho-shower na ako."

"Just g-go..." he groaned and yawned. "Take a bath and I'll go n-next..." then he woke up.

This guy is such a cutie.

"Okay, just get up now." I said but he's like a deaf! "Doz!"

"Yes! Right! My goodness!" Angal niya at tuluyan nang bumangon nung sinigawan ko.

Agad akong pumasok sa bathroom at mabilis na naligo. Laging malinis at kompleto ang bawat bathroom sa mansion na 'to dahil madalas ay sabay kami ng oras sa pagligo ng mga pinsan ko.

Pagkatapos ko ay agad akong naghanap ng bathrobe. Pero laking gulat ko nang walang natagpuang bathrobe sa bathroom!

Shit! Baka nasa labas!

"Doz! Kuha mo nga ako ng bathrobe diyan sa cabinet malapit sa hagdan!"

"Ano?!"

"Kuha mo ako ng bathrobe!!"

"Ano ako? Utusan mo?!"

"Kukunin mo o tatarakan kita ng kutsilyo?!"

"Kukunin ko!"

Napailing na lang ako at hinintay siyang ihatid sa akin ang bathrobe.

"Nakasabit sa pinto ng bathroom! Bwiset!" sigaw ni Doz na narinig kong malapit lang sa pinto ko.

"Thanks!"

"Utang yan!"

"What?!"

"Wala!!"

Oh, diba? Ang kulit niya kausap.

Nilugay ko lang ang basa kong buhok at sinuot ang bathrobe saka lumabas. At dahil may katangkaran ako, hanggang hita ko lang ang bathrobe na gamit ko dahil isa to sa maliliit na bathrobe namin.

Nahinto sa akin ang mata ni Doz at nakita ko ang paglunok niya. Nakita ko rin maging ang pagtingin niya sa kabuuan ko. Mula ulo hanggang paa. Pumungay ang mga mata niya at napakagat sa labi nito hanggang mamula.

Tuloy ay naiwas ko ang tingin ko at tumalikod sa kaniya. "Pumunta ka na ng bathroom. Kailangan na nating umalis pagkatapos." Sinikap kong huwag mautal!

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now