Chapter 39

33 2 0
                                    

Dawn's POV

MARAHAN kong idinilat ang aking mga mata mula sa pagkakatulog. Pakiramdam ko ay yon na ang pinakamahaba kong tulog simula nang ipinanganak ako. Dama ko ang bigat ng aking ulo, pati na ng katawan. Maski ang paglingon ay para bang napakahirap gawin. Sinubukan kong igalaw ang labi ko, mahirap man na ibuka ang aking bibig ay nagagawa ko naman.

Dumapo ang mata ko sa napakalaking lalaki na nasa pinto. Rousse?! Bahagya kong inangat ang aking ulo at sinubukang bumangon. Doon ko naman nakuha ang atensyon nilang lahat.

"Dawn!" Agad na umalalay sa akin si Martin na kanina pang hawak ang kamay ko. Napatitig lamang ako sa kaniya at kumapit sa pag-alalay niya upang tuluyang makaupo.

"Jayden Dawn, are you okay?" Narinig ko naman ang malamig na tinig ni Dozen na nasa gilid ng kama ko, nakatayo at walang emosyon ang mata.

"Kinda," mahinang sambit ko, pabulong at hinang hina. Kinda, huh? Ulul, Dawnysus. Bumaling naman ako kay Rousse na seryosong nakatayo sa pinto. "Rousse," makapangyarihang banggit ko.

Yumuko bilang paggalang si Rousse, yon lamang ang pwede niyang gawin dahil hindi niya ako pwedeng tawagin sa pangalan ko o sa Oyabun man lang sa harap ng mga hindi naman talaga ako kilala.

"What is he? A bodyguard? You got Dirky, right?" Medyo nalilitong tanong sa akin ni Trez habang nakatitig kay Rousse.

"He's... hmm... well more like, can do a lot.." paliwanag ni Doz.

"Where's Maxima and Dirky?" tanong ko at tinignan ang bawat sulok ng malaking kwarto.

"Maxima walked out. She cannot accept that her ex is here," sagot muli ni Doz.

"And Dirky went to the cafeteria to buy us some food," si Martin naman ang nagsalita. Bumaling ako sa kaniya at malamig na tumingin. Hindi ako sumagot. "I'm sorry about last night..." mabagal, sinsero, may lambing at nanunuyong sambit niya sa mga mata ko.

"Let's go outside," Trez insisted. Marahil naramdaman nito na kailangan naming mag-usap ni Martin.

"We can't leave her-"

"Doz. Let's give them some privacy. We'll be outside," putol ni Trez sa kapatid.

Bumuntong hininga si Doz at tumingin sa akin, na parang nagtatanong kung magiging okay ba ako.

"I'll be fine, Doz.." sambit ko upang magkaroon siya ng kasiguraduhan.

Tumango lamang si Doz at tinapik sa balikat si Rousse. Muli, yumuko ulit ito upang magbigay galang sa akin. Napapikit ako sa inis dahil tila hindi nila ako magawang tratuhin nang normal.

"Bakit siya yumuyuko ng gano'n? Ano mo siya?" Nagtataka namang tanong nitong nasa gilid ko.

"He is just like that," pagtapos ko sa kaniyang tanong. Baka madagdagan pa e. Makulit ang isang 'to.

"Okay.." tugon ni Martin. Muli ay tumitig siya sa mata ko. "I'm really sorry about last night. Alam kong napaka-insensitive ko at hindi kita inisip."

Seryoso ko lang siyang tinitigan. Walang sagot-sagot at pinanood ko kung paano kumibot ang mga labi niya na parang hindi malaman ang sasabihin. Ang gwapo.

"Wala ka bang sasabihin bago ako atakihin sa puso rito?" Pero muhkang maikli ang pasensya nito at nagrereklamo. Naroroon na naman ang kunot niyang noo, nanggigil na labi sa tuwing magsasalita. Sa kahit anong reaksyon o emosyon ay napakagwapo niya pa ring tignan.

"Bakit ka ba gumaganon sa akin kagabi?" diretsong tanong ko. "Ano bang problema mo sa akin at ginanon mo ako?" dagdag ko pa.

"Sa totoo lang..." nagkamot siya ng batok at nag-iwas ng tingin. "N-Nagseselos ako.. k-kay Doz. H-Hndi ko maamin, hindi ko alam... p-pero... pero yon ang sigurado... a-ako," napakabagal at utal-utal niyang pagpapatuloy!

Bigla ay sumilip ang makulit kong ngisi, hindi ko pinahalata at nagtago sa pagiging seryoso. Nagseselos ka palang kumag ka ha.

"Ewan ko kung.. k-kailan nagsimula. O k-kailan ako nakaramdam ng.. n-ng ganito..." doon lamang siya nag-angat ng tingin sa akin matapos sabihin 'yon.

"Hmm..." hindi ako nagsalita at tinagilid ang ulo upang pag-aralan pa ang muhka niya. Bigla ay tumitig siya sa aking nang napakaseryoso.

"I think... I-I.." hindi niya maituloy ang sinasabi!

Bigla ay nakaramdam ako ng excitement at tinaas ang kilay ko.

"I-I..."

"You.. what?" tanong ko, nag-aabang.

"I... like you, Dawn."

At doon natigil ang pag-ikot ng mundo. Nakaramdam ako ng kabog sa aking dibdib at tila may mga paru-parong nasa tyan ko. Tila akong nasa alapaap nang marinig yon... kaunti nalang ay bibigay ako.

"I think I like you. Very much, Dawn... or whoever you are..." pagpapatuloy niya sa pag-amin niya sa akin. Hinawakan niya pa ang kamay ko at hinalikan 'yon.

Nakagat ko ang labi ko at nagpigil ng ngiti. Wala akong maisip kundi si Martin lang at ang mga sinabi niya... parang nabarahan ng kung ano ang utak ko at di yata gumagana ngayon. Para akong teenager na napansin ng hinahangaan niyang lalaki.

"I like you, too..." pag-amin ko rin sa aking nararamdaman. Oo, gusto kitang punyeta ka.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt