Chapter 60

65 5 0
                                    


Warning: BRUTALITY and KILLINGS. Please do not read this if you're not ready to know what will happen. It can trigger something, so please.

**

JIYURI DAWNYSUS' POV


DALI-DALING bumaba ako ng chopper. Hindi na rin ako nakapagpaalam sa hospital na nagpark ako sa rooftop nila. Maski ang mga guards doon ay hindi ko pinansin. Walang nakakapigil sa akin sinuman.

"Ma'am, hindi niyo ho magugustuhan kapag ni-report namin kayo—"


"Hindi mo rin magugustuhang makilala ako," malamig at mariin kong hinarap ang guard na naroroon.

"Ma'am, pasensya na po pero hindi po talaga pwede magpark nang walang pahintulot—"

"Kaya 'kong bilhin ang buong hospital na 'to at kaya ko ring pasabugin kung gugustuhin ko." Sinabi ko yon nang walang emosyon at matiim siyang tinignan. "Kung ako sa'yo, paraanin mo ako dahil kapag namatay ang asawa ko sa hospital na 'to ay mamamatay din kayo." Ngumisi ako pagkatapos kong sabihin yon.

Nabakasan ng takot at pangamba ang guard na 'yon at walang ano-ano'y pinapasok kami sa elevator.

"Thanks," bahagyang umangat ang gilid ng labi ko. "Tatandaan ko ang muhka mo at sinisiguro kong mataas ang sweldong makukuha mo."

Nagliwanag ang muhka ng guard na yon. "T-Talaga po?"

"Oo, mabait ako sa taong ginagawan ako ng pabor," sabi ko at pinindot na ang elevator. Nginisihan ko pa ang guard na 'yon bago tuluyang sumara ang elevator.

Nag-iigting ang panga kong nag-aabang na magbukas ang elevator na 'yon. Napuputol na ang pisi at umiiksi ang pasensya ko, gusto ko na agad marating ang kwarto ng asawa ko.

"Oyabun," tawag ni Rousse. "Nasa dungeon na ang lalaking natitira sa kanila."

Hinarap ko siya. "Nasaan ang iba?"

"Patay na."

Mas lalong nag-igting ang panga ko at umusbong ang inis ko. "Bakit isa lang ang tinira?!"

"Hindi napigilan ni Maxim," may paggalang nitong sagot.

Napapikit ako sa inis at nagtiim-bagang na lang. Malaman ko lang na ayos na si Martin, papatayin ko ang lahat ng may kinalaman sa ginawa sa kaniya.

Tumunog ang elevator at bago pa man ito tuluyang magbukas, lumabas na ako at mabilis na naglakad. Hindi ko na hinintay pa si Rousse at dumiretso sa information station.

"Ricco Martin Yao Alvarez," mabilis kong sabi.

"Ah, ma'am—"

"Ayaw ko ng tanong. Hanapin mo ang pangalang sinasabi ko," malamig kong sabi.

Dahil sa nagdidilim kong hitsura, nagkukumahog na ang babae sa paghahanap ng record. Talagang nauubos na ang pasensya ko pero nanatili akong kalmado.

"Room 303 po–"

Hindi ko pinatapos ang nurse na naroroon at umalis na agad. Nakasunod sa akin si Rousse at hindi nagsasalita para hindi mag-init lalo ang ulo ko. Mabilis ko lang nahanap yon at walang alinlangang pumasok sa kwartong 'yon.

Nakaupo sa isang mahabang upuan sila Maxim, Dirk, Jayden, Jireo, mga magulang ni Martin, pati ang ina ko. Napatingin ako sa hospital bed, naroon ang asawa ko na panay pasa at sugat ang muhka. May benda ang ulo pati na rin ang leeg ay naka-supporter. Mas umusbong ang galit at inis ko sa aking dibdib. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko at heto na naman ako, gustong ilabas ito.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now