Chapter 13

56 3 0
                                    

"NGAYON ang libing ni Director Yef," bungad ni Faye kay Dawn na kakapasok lang sa condo.

"Nasaan si Trez?" tanong ni Dawn. Kasunod naman sa pagpasok nito sina Maxim at Dirk.

"Sino ang mga 'to?" tanong naman ni Faye. "Jayden-"

"Nasaan si Trez?" mariing tanong niya.

Nangunot ang noo ni Faye sa kaniya. "Jayden, what's wrong with you?" nagtatakang tanong nito.

Bumuntong hininga si Dawn at ngumiti nang peke tulad ng ngiti ni Jayden. "Sinabi na ba ni Trez sayo na lilipat tayo ng condo?"

"Oo, sinabi na niya. Nag-aayos na sila ng gamit. Pero..." nilingon niya ang dalawang kasama ni Dawn. "Sino 'tong mga 'to? Bakit mo dinala rito?"

"This is Maxima and Dirky Fontana, Maxima will be my personal driver and Dirky will be my personal bodyguard," pagdadahilan ni Dawn.

Napairap si Dirk at wala na namang emosyon si Maxim. Come on, guys. Sundin niyo nalang. Tss.

"Oh. Okay. Hinahanda na yung condo, we'll go there in one hour. Susunduin ko na rin si Martin-"

"Bakit?" agad niyang tanong.

"Duh? The management signed the papers. He is the song reviser and writer of B.R.B. Now, buh-bye!" maarteng sabi nito at pak na pak na tumalikod saka lumabas.

Dawn sighed. I have to act like I didn't see him in Japan.

"Nandito ka na pala," si Trez na nilabas ang gamit mula sa kwarto. "Nag-aayos na yung tatlo."

"I'm done!" Jozya said.

"Same here," Zetteki said.

"Oo, ako rin— woah! What a beautiful lady! And who's this guy? Bakit naka-black kayo pare-parehas?" sunod-sunod na tanong ni Quizon na hindi pa man tuluyang nakakalabas ng pinto ng kwarto ay kung ano-ano na ang sinabi.

-.-

"This is Maxima Fontana, my personal driver. And this is Dirky Fontana, my personal bodyguard," ulit ni Dawn sa sinabi niya kanina.

"It sounds really corny," bulong ni Dirk na siya lang ang nakakarinig.

"Shut up," Dawn hissed.

Matiim naman siyang tinignan ni Trez, naninimbang ang tingin na para bang may ginawa siyang mali.

"What?" tanong niya kay Trez.

"Wala," sagot nito pero alam niyang meron.

"Maxima and Dirky, come with me." Utos ni Dawn at nagsimulang maglakad patungong kwarto niya.

Tahimik ang mga ito habang naglalakad kasunod niya. At nang makapasok sa kwarto ay agad niyang sinara ang pinto saka hinarap ang mga ito.

"You're not allowed to call me by my real name-"

"We know that," walang emosyong sabi ni Maxim pero wala sa kaniya ang paningin nito kundi naroon sa mga gamot na nakakalat sa kwarto niya. "But those medicines..."

Lumapit na roon si Dirk bago niya pa mapigilan kaya naman napabuntong hininga siya nang i-angat ni Dirk ang ilan doon.

"Anti-depressants? Sleeping pills? Pills for anxiety attacks? What the fuck?" hindi makapaniwalang lumingon ito sa kanila.

Dawn sighed.

"At nagpapanggap ka pang si Jayden Dawn. Why? Is she related to you, Highest Oyabun? Is she dead?" sunod-sunod na tanong ni Maxim. "You had a bad dream and it's always about Jayden. Kahit noong nasa Japan pa tayo at minsan lang kita makitang matulog. Kapag nakikita kita ay madalas nananaginip ka and you always end up shouting Jayden's name. Dahil ba wala ang gamot mo? I'm not blind, Oyabun. We're not blind."

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now