Chapter 61

45 3 0
                                    

JIYURI DAWNYSUS' POV

HINDI MAALIS sa utak ko ang pira-pirasong katawan ng mga pinatay ko. Maging ang mga ulo nila ay hindi ko maalis ang hitsura sa utak ko. Nakadilat silang namatay sa mga kamay ko. Maging ang mga taga-silbi at tauhan ay hindi makatingin sa akin habang papaakyat ako ng opisina. Ganoon ako nakakatakot tignan. Na maging ang batiin ako ay hindi nila magawa.

Napabuntong hininga ako sa ilalim ng shower. Ang malamig na tubig na tumatama sa muhka ko ang nagpapagising sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero hindi ko pinagsisisihan 'yon. Ang pagtorture sa kanila ay isang karangalan para sa akin.

Siguro nga dahil nasa dugo namin 'yon. Pagkawalan ng awa at pagiging madugo sa pagpatay. I killed them brutally... in front of many people.

Lahat ng mafia leaders kanina ay walang naging reaksyon pero pagkatapos kong pugutan ang lima na 'yon ay bumahid ang takot sa kanilang mga muhka. Kung dati ay kaya nilang magsalita o magsuggest, ngayon hindi na. Maski ang batiin din ako ay hindi nila magawa, ang tangi na lang nila ginagawa ay yumuko sa akin nang sobrang baba. Ang ibig sabihin ay nirerespeto nila ako nang sobra pa sa dapat.

Bigla na namang pumasok ko si Martin. Kamusta na kaya siya? Iniisip niya rin kaya ako? Pagak akong natawa. Hindi ka niya kilala, paano kang maalala? Ulul.

Kumirot na namang ang dibdib ko at talagang nasasaktan ako. Parang may sumasakal sa leeg ko at parang babagsak na agad ang luha ko. Mariin akong napapikit. Ang mga tingin ni Martin na nagtataka at nagtatanong na para bang hindi niya ako minahal.

Naglalaban ang puso't isip ko. Alam kong hindi kasalanan ni Martin ang nangyari sa kaniya. Pero ang puso ko ay nanunumbat at nagagalit. Ang isip ko naman ay paulit-ulit na sinasabing hindi niya rin ginusto ang nangyari.

Nagsabon at kinuskos ko talaga nang mabuti ang balat ko. Lahat ng bahid ng dugo ay inaalis ko. Para talaga akong naligo sa dugo dahil umaagos 'yon mula sa katawan ko pababa sa dulo ng daliri ko, hanggang sa sahig ng banyo. Tinapos ko ang pagshower at nagpunas ng katawan saka mabilis na nagbihis.

Hindi na rin ako nagulat nang makita ko si Maxim na nakaupo sa sofa. Nakasandal siya roon at nakatingala sa kisame. Alam kong kanina pa ako sinusundan pero masyado akong galit para pagtuonan siya ng pansin.

"Babalik ka na sa hospital?" tanong niya sa akin, hindi inaalis ang pagkakatingala pero nasisiguro kong naramdaman niya lang ako.

"Hindi," malamig na sagot ko at tinapon sa katapat na sofa ang twalya ko.

Ang opisina ko sa building na 'to ay malaki. Para 'yong sala ng mansion ni Lady Shi. Hindi ko 'to nagagamit pero hindi ako magtataka kung bakit malinis ito. Si Lady Shi ba naman ang nanay ko na napakaarte sa mga kagamitan sa pamamahay.

Pagkatapos ng sagot ko na 'yon, doon lang nag-angat ng tingin sa akin. Nagugulat ang mga mata niya at napangiwi ako. Pabagsak akong umupo sa sofa na kaharap niya.

"Bakit?" tanong niya, bakas pa rin ang gulat.

Hindi pa ako handang harapin siya ulit. "Ayaw ko lang," malamig kong sagot.

"Hindi ikaw ang Jiyuri na kilala ko," hindi makapaniwalang aniya.

Pagak akong natawa. "Magkaiba si Jiyuri at ang pinakamataas. Ang kaharap mo ngayon ay 'yong walang awang Yakuza."

Pagkatapos niyon ay pinikit ko ang mata ko at tumingala sa kisame. Gusto kong matawa dahil ginto ang presyo ng kisameng tinitignan ko. Bawat gamit yata na pag-aari ko ay napakamahal o kaya naman ay gawa sa ginto.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora