Chapter 38

34 2 0
                                    

Maxim's POV

"OKAY naman na siya..." ani ng doktor. Napangiwi ako at bumaling sa aking Oyabun. "Naalis na naman ang mga bubog sa braso niya, mabuti at hindi gano'n kalalim ang mga sugat niya..."

"Kailan siya pwedeng lumabas?" singit ko agad. Napalingon sila sa akin at tila takang taka sa tanong ko kung ba't gusto ko na agad lumabas si Dawnysus sa hospital.

"Hindi namin masabi... kailangan niyang mabantayan dito at-"

"Kailan siya makakaalis dito?" walang emosyon kong tanong sa doktor.

"Pasensya na, miss. Artista si Jayden Dawn at hindi sya pwede basta-bastang lumabas, lalo na at nakausap ko ang manager ng BRB..." mahaba ang pasensyang tugon ng doktor sa akin. Bumaling siya sa mga kabanda ni Dawnysus at tumango sa mga ito. "Just call me if you need me..."

"Thanks, doc..." sabi nila sa doktor.

Napabaling naman ako kay Dirk na kakapasok lang ng kwarto. Seryoso ang muhka niya at tumango sa akin. "Watashi wa sudeni kanojo to hanashimashita." (I already talked to her.)

"Hoy, ayan na naman kayo sa ibang lenggwahe!" saway sa amin ni Quizon.

Hindi naman ako nagpatinag doon at nanatiling nakatingin kay Dirk.

"Kanojo wa yoku kunren sa reta shinja to 10-ki no herikoputā o okuru to itta." (she said she'll send well-trained followers and ten helicopters.) seryosong sabi ni Dirk at saka pa lang ako nakahinga nang malalim.

"Bakit ba parang kanina ka pa balisa?" naiintrigang tanong ni Zetteki. "At bakit kayo nagsasalita ng ibang lenggwahe?"

"Zetteki," nananaway ang tinig ni Trez.

"No, for real. Kasi kasama namin kayo sa bahay pero hindi naman namin kayo kilala," seryosong sambit ni Zetteki at nakatitig sa mata ko.

"Bakit? Kating kati ka malaman?" walang emosyon kong tanong.

"Zetteki, Maxima," pumapagitna na sa amin si Jozya.

"Pwede bang manahimik nalang tayo lahat para makapagpahinga si Jayden Dawn?" nakikiusap na tinig ni Martin. Tulala lang siyang nakatitig kay Dawnysus na walang malay sa kaniyang hinihigaan.

Tsk. Dahil sayo kaya nagkaganyan yan, ang lakas mong makiusap.

Tumikhim ako at bumuntong hininga. Tinitigan ko nang diretso si Zetteki, kalmado ngunit walang emosyon. "Importante at higit pa sa mahalaga si Dawn sa amin." Seryoso ang tinig ko.

"Makishimu! Soko ni ikanaide kudasai..." (Maxim! Don't even go there.) sinasaway ako ngunit kalmado ang tinig ni Dirk. "Tigilan niyo na nga ang isa't isa."

"Anyway, bumili na kayo ng food." utos ni Trez.

"Ba't hindi ikaw? May paa't kamay ka naman?" nagsusungit na tinig naman ni Quizon.

"Psh, pag ako ang bumili, sarili ko lang bibilhan ko..." nakangiwing sagot ni Trez.

"Ya! Tara na nga!" hila ni Jozya kay Quizon.

Tinatamad na tumayo si Quizon sa kinauupuan tsaka sumunod sa lakad ni Jozya. Patikhim namang sumunod si Zetteki na tinapunan ako ng tingin bago lumabas nang tuluyan. I clenched my jaw and looked down. Bakit ba natiis ng Highest Oyabun ang mga 'to?

Nang makaalis ang tatlong kumag ay lumingon si Trez kay Martin. "Alam kong hindi ako dapat mangialam pero ano bang nangyari kagabi?"

Lumingon pabalik si Martin at bumuntong hininga. "I told her some words... that did hurt her, I think..." pabulong ngunit sapat na marinig namin. Tumitig sya kay Dawnysus at hinawakan ang kamay.

"I'm sure you're aware she's taking medicines time to time, right? Because she needs it..." Trez said seriously. Tama siya. May iniinom na gamot si Dawnysus upang mapakalma ang sarili. At sa palagay ko ay natrigger 'yon kagabi.

'Dahil sa punyetang Martin na 'to.' Napangiwi ako saka humalukipkip.

"Yeah..." tangong sabi ni Martin.

Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa niyon ang isa sa triplets ng Mendrez. Si Doz. Napailing nalang ako nang pumasok ito nang tuloy-tuloy, wala man lang bati sa kahit sino at dumiretso kay Dawn. Haba ng hair amputa.

"Karera wa subete koko ni imasu. Subete ga kaiketsu shimashita. Kare wa keikaku ga areba sore o nashitogemasen." (They're all here now. Everything's settled. Shi won't make it if he has plans.) dire-diretsong sabi ni Doz at nanlaki pareho ang mata namin ni Dirk.

"Anata wa nihongo o hanasu hōhō o shitte imasu ka?" "You know how to speak Japanese?) tanong ni Dirk at hindi naman tumitinging tumango si Doz.

"Mm, why are you here, Doz?" tanong ni Trez.

Martin clenched his jaw as he made an eye contact with Doz. Doz ignored him. Bumaling naman ito sa kakambal niyang si Trez.

"How is she? Kailan siya makakalabas?" malamig na tanong ni Doz imbes na sagutin ang tanong nito.

Napabuntong hininga na lamang si Trez at umiling.

"Bakit ba pinapalabas niyo agad si Jayden Dawn, e hindi pa nga siya okay?" naiiritang tanong naman ni Martin.

"Martin," nananaway na naman ang tinig ni Trez at muhkang pagod na sa iringan.

"She can't stay here," ako ang sumagot. "A woman like her can't stay here, Martin."

"Anong sabi ng doktor, Trez?" tanong ni Doz sa kakambal.

"She's fine. Pero hindi siya muna pinapalabas ng doktor. Faye talked to the doctor that's why..." sagot naman ni Trez.

"Nga pala, may papasok dito mamaya, Maxim.. Maxima, I mean." baling ni Doz sa akin. Ngumunot ang noo ko. "It's her orders..." kabit-balikat niyang sabi. Yeah. It's Lady Shi's orders.

After that, someone knocked. Sumenyas naman ako kay Dirk na siya ang magbukas. Niluwa naman 'yon ng isang napakalaki ang katawan, matikad kung maglakad at napakasiga tumayo.

At muhkang kilala ko pa.

"Rousse...?" nagugulat kong reaksyon. It's my fucking ex!

"Maxim.. Maxima.." ngisi nito sa akin.

"Ang pangit mo." sabi ko lamang at tumalikod.

"Oh, ba't parang bitter kayo?" tumatawang tanong ni Dirk.

"Gago ka?" asar na mura ko kay Dirk.

"Ex?" tanong ni Trez kay Dirk na ikinatango ni Dirk.

"Wag nyo akong pag-usapang nang naririnig ko!" asar na sigaw ko.

"Wag ka ngang maingay, Maxima..." saway naman ni Martin.

"Psh," si Doz na nauurat sa pagiging protective ni Martin.

'Nag-agawan pa nga.'

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now