Chapter 51

35 2 0
                                    

JIYURI DAWNYSUS' POV

NILUSOB kami ng mga tauhan ni Shi, agad din namang sumaklolo ang mga tauhan ni Lady Shi. Nakakatawang ama-anak-apo ang labanang ito. Ako na yata ang may pinakawirdong pamilya.

Walang alinlangan akong sumuntok, sumapak, sumipa, manadyak, sumaksak, bumaril... at pumatay. Walang emosyon ko silang binabalian ng leeg at mahusay na nakikipaglaban.

It's because I'm born to be here. I'm born to kill. I'm born to be on top. I'm born to be the highest...and I must kill Shi first to be in peace.

"I have no mercy for you," nakangiwing sambit ko sa lolo kong nakatayo sa mismong tapat ko, ilang metro ang layo sa akin.

"You don't deserve to be on top, Jiyuri..." humalakhak siya. Ang pangit mo. "You're full of emotions. And if you're full of emotions, you have no room in Y-Org," nakangising dagdag niya.

How old is he again? Probably... seventy? Seventy-five? And he's here. Being an old fucking asshole who thinks he can rule the whole world.

"A real leader knows how to control emotions and everything, Shi," nakangising sambit ko at pinaglaruan ang kutsilyong hawak ko. "And you have no room, because you cannot even control me."

Doon nagbago ang hitsura niya. Napalitan ng galit ang mga ngisi niya. Napalitan ng matalim na tingin ang prenteng mga mata niya kanina.

"How fucking dare you?" nanggigigil niyang tanong. "Attack her!" muli niyang inutusan ang mga alagad niyang kasingpangit niya.

Ngumisi ako at muling nakipagbakbakan.

"Aish! These assholes keep on choking me! They're not even hot!" dismayadong sigaw ni Jai habang may nakasakal niyang lalaki.

Tumatawa akong hinagisan ng kutsilyo ang lalaking nasa leeg niya. "Give it back to me."

"Why did you kill him?!" asar na tanong ni Jai at pahagis ding binalik sa akin ang kutsilyo na hinatak niya mula sa leeg ng lalaking nakasakal sa kaniya.

"He's choking you?" patanong na pagrarason ko at nakipagsuntukan.

Yeah. We are talking between the war.

"It doesn't mean I'm not enjoying it! Argh!" sigaw muli niya sa akin at dismayadong nakipagbarilan.

"Hoe!" asar ko sa kaniya at hinarap ang isang lalaki na sumapak sa akin! "Puta ka? Hindi mo ba ko kilala?!" inis kong tanong kahit hindi naman niya ito maiintindihan!

Mga tanga. Hindi kayo marunong magtagalog!

"Hey!" sigaw ni Jai, halatang pagod na ang kaniyang boses.

Isang oras na kaming nakikipaglaban at hindi pa sila nauubos. Marami ng katawan ang nasa sahig pero marami pa ring sumusugod. Minsan ay tigsampu pa kami ni Jai, madalas ay sabay-sabay silang umaatake.

"Ano!" sigaw ko sa gitna ng pakikipaglaban.

"Maghahagis sila ng bomba!"

"Ha?!"

"Maghahagis sila ng bomba!"

"Pake ko!"

"Tangnaka!"

Tumatawa akong yumuko upang kuhanin ang mga baril na nasa katawan ng mga bagsak na. Mabilis ko silang pinagbabaril at nagmamadaling maubos sila.

Napabuntong hininga ako nang makita kong ang dumi na ng outfit ko. Ang mahal ng leather shoes ko...

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now