Chapter 1

6.2K 170 8
                                    

[LWTCB: 152 Days]

Denzerie Ramirez Pov

Tahimik akong nakaupo sa sofa habang hinihintay ang magkakapatid. Ilang minuto pa at bumaba na silang lima at umupo.

Nakadekwatro ako habang may hawak na stick at marahan na pinapalo sa kaliwa kong kamay.

"Please start the introduction." Simula ko. Nagtinginan sila pero may naunang nagsalita. "I'm Zhairon Hanz Zapanta Contejo. First son. 17 years old." Pakilala ng pinakamatanda sa kanila. I have to admit that he has this powerful charisma and intelligence around him.

"I'm Lance."
"And I'm Lei. We're actually twins and 16 years of age." Napatango ako. Nakita ko na agad ang pagkakaiba ng itsura nila kaya nadalian nalang ako. But their voice is kind of similar so it'll be hard to distinguish if it's Lance or Lei. Luckily, they have different auras.

"Raven Zapanta Contejo. 14 years of age." Seryosong sambit ng batang nasa harapan ko.

And the last, ang nagbukas sakin ng pinto. "Allister Jed Zapanta Contejo. Second son. Seventeen...." Sambit niya habang hindi tumititig sakin na ikinabuntong hininga ko.

Mahilig palang gumawa nang bata si Mrs. Contejo....

I pushed myself to my true attitude and start to introduced myself. "I'm Denzerie Ramirez. 17 years old. Tatapatin ko na kayo. Pinadala ako dito ng mama niyo para turuan kayong mag-enjoy." At nagsitinginan sila sa akin na para bang naguguluhan. I can't blame them. Sino ba naman ang magtitiwala sa isang estrangherong katulad ko?

"But reading books are enjoying." Sabay na sambit sakin ng magkambal.

"That's your opinion." Sambit ko. "But from now on, Everytime I see you handling books, I'll be confiscating it." In this work, I need to fulfill my duties. I need to focus as much as possible.

"But why? It's the only thing that makes us happy. It gives us fantasies that can't exist in this world." Sagot ni Allister.

"Then why don't you try something new? Hindi sa lahat ng oras puro pantasya nasa isip niyo. Fantasies can also exist in reality if we just try." Sagot ko na ikinatahimik nila.

Hanggang sa may naisip akong idea. "Let's have a deal." Napatingin silang lima sakin.

"Isang libro katumbas ng isang Travel. Kung gaano kadami ang libro niyo. Ganon kadami ang saya at ang pupuntahang lugar. And at the end of the day, kapag naisauli na lahat ng libro niyo doon ko na kayo hahayaang magbasa ng magbasa ng ginagawa niyo at hindi ko na rin kayo papakialaman. But it depends on our situation. Pwedeng magbago ang rules ko. Kung may emergency ibabalik ko agad. Ano sa tingin niyo?" Napaisip sila at nagsitanguan. Alam kong kakaunti lang ang oras na gagamitin ko sa lugar na ito. Yet I need to do this task. Hindi ako pwedeng magback-out. I choose this path after all...

"Anong benefits naman makukuha namin?" Tanong ni Allister sakin.

"Your mother would be pleased." Nagtinginan sila sa isa't-isa. Although it's not that convincing pero sana gumana.

"That's fine for me." Nagtinginan ang lahat ng magsalita si Zhairon.

"If that's fine for Zhairon then why not? Let's try it." Ani Lance and Lei.

"It's dangerous outside." Kontra ni Raven. "I'm sorry, but I'm not in. I will not join." I look at Allister na sumesenyas kay Raven. It seems like their having this connection that I THEY ONLY UNDERSTAND.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now