Chapter 25

1.5K 49 0
                                    

[LWTCB: Unexpected]

Denzerie Ramirez Pov

Maaga akong nagising at naghanda para sa eskwela. Pagkababa ko ay nakita ko ang mga Contejo sa baba. Lahat sila ay nakangiti kaya nagtaka ako.

"Anong meron?" Tanong ko. Kumunot ang noo nila at sabay-sabay na tumingin sa isa't-isa.

"Rie, hindi mo ba alam kung anong meron ngayon?" Tanong ni Raven. Napaisip ako pero walang pumapasok sa isip ko.

"Ano bang meron?" Tanong ko. Napailing si Zhairon at kinuha ang kamay ko. "Tara na." Sambit niya habang inaalalayan ako sa pagbaba.

"Jerk." Sabay hawak ni Raven sa ulo niya. Ano ba talagang meron?

"Saan mo gustong mag-agahan?" Tanong ni Allister. "Ano? Bakit? Ano ba talagang meron?" Tanong ko. Pero wala ata silang balak sabihin kaya napabusangot ako.

"Sa Resto nalang tayo. We still have 1 hour and 34 minutes." Sambit ni Lance. Agad nila akong hinigit kaya mas lalo akong nawirduhan.

Sinara nila ang gate at lumakad na kami pero sa gitna nang paglalakad ay kanya-kanya silang ngiti. Ano ba talagang....

"Talagang wala kang naalala?" Tanong ni Zhairon. "O kahit natatandaan kung anong meron ngayon?" Tanong naman Ni Lance.

"Are you just playing or something?" Tanong ni Raven kaya sinagot ko siya. "Kung ako lang, talagang wala akong alam." Sambit ko.

"Mas mabuti na sigurong wala kang alam." Ngiti sakin ni Lei. Nang makapunta kami sa restaurant ay umorder kami nang pagkain at kumain.

Nang matapos kami ay agad na kaming pumasok. Tahimik ang buong hallway at tanging huni lang nang ibon ang maririnig mo.

"Anong meron?" Nagtataka ko na talagang tanong. May problema ba?

Pagkabukas nang classroom ay nagbabasa lahat nang libro. Teka... may quiz ba ngayon?

Ang iba ay tumitingin sakin at ang Iba ay ngumingiti. What the hell is going on seriously?

"Ok Class--- Ohh..." Tumingin sakin si Ma'am Gutierrez at nginitian ako kaya ganun din ang ginawa ko.

"Since ako, ang pinakamaganda niyong guro ay maglileave dahil sa panganganak I would like you all to meet my substitute ang pinakabatang teacher si Ms. Belle." Pumasok ang isang guro na tingin ko ay nasa edad 20 palang.

"Goodmorning Students I'm Ms. Belle Alvarez." Napatingin ito kay Ciel at ngumiti. "I would like you all to focus on your studies." Kita ko ang pag facepalm ni Ciel sa mukha niya.

Sandaling kumunot ang noo ko at nagkaroon nang ideya. Tinignan ko si Ciel at nagsalita. "Is that...." tumango naman siya.

"It's King sister and also my cousin." Sambit niya. "Thank you Ms. Belle maari kanang magmatyag kung paano ako magturo." Napaupo si Ms. Alvarez sa may dulo at nakangiti.

NAPAKALAYO NILA NUNG KUPAL NA 'YON! HOW COME NA MAGKAPATID SILA? SHE LOOKS SO NICE BUT KING? WHAT THE HELL IS GOIN' ON?!

Pagkatapos ng klase ay tumayo si Ms. Belle. Marahan ko itong pinagmamasdan habang lumalagpas Ito sa amin. She's quite beautiful....

Nang makaalis ito ay agad na dumukdok ang Mukha ni Ciel sa armchair. "I'm dead." Sambit niya tsaka inuntog-untog ang sarili niya.

"Ayos kalang?" Natatawa kong tanong. "No," Agad nitong sambit. "Bakit?" Tanong ko ulit.

"She's a demon...." Sambit ni Ciel. "Lagi niya akong pinapahiya... Shes merciless.... Mas malala pa yungis trip niya kesa kay King. She's a bitch how come na naging teacher siya? This is bad... THIS IS TOTALLY BAD.... Makikita niya lahat nang pambababae ko dito.... Makikita niya lahat nang mga babaeng umaaligid sakin.... Mawawalan ako nang girlfriend Pag nagkataon..." Sa sobrang kaba niya ay natawa nalang ako.

Living With The Contejo Brothers [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें