Chapter 32

1.2K 42 5
                                    

[LWTCB: The 5 fiancé]

Denzerie Ramirez Pov

Nakuha ko na ang sweldo ko at napangiti.

Kasabay nang paglakad ko ay ang pagtunog nang cellphone ko.

*Mrs. Contejo calling...*

Bakit kaya napatawag si Mrs. Contejo? Agad ko itong sinagot .

"Denzerie? Ija." Bungad ni Mrs. Contejo. "Bakit po?" Tanong ko.

"Uuwi kasi ako sa mansyon ngayong gabi. Pwede bang maghanda ka nang pagkain? Gusto kong masorpresa sila sa pagdating ko." Sambit ni Mrs. Contejo

"Makakaasa po kayo." Masaya kong sambit. "Salamat ija. Oo nga pala, natanggap mo na ba yung sweldo mo?" Tanong ni Mrs. Contejo.

"Opo. Maraming salamat po." Sambit ko. "Sige ija, magkita tayo mamaya." Sabay patay niya nang cellphone.

Inayos ko ang sarili ko at bumuntong hininga. A way to relieve my boredom...

Nang makauwi ako sa bahay ay wala parin ang Contejo. Nakapagtataka naman ata?

Dumiretso ako sa kwarto at nilapag ang bag ko bago nagbihis at nagtali nang buhok.

"Ano namang iluluto ko?" Bulong ko at napahawak sa pisnge ko.

Napangiti ako saglit. Alam ko na!

Bumaba ako at naghanap nang manok. Tamang-tama!

Nakangiti akong inihanda lahat nang dish na lulutuin ko. May silbi din pala ang pagiging mag-isa sa mansyon.

Sa kalagitnaan nang pagluluto ko ay nakarinig ako nang pagbukas nang pinto.

Ngayon palang sila nakauwi? Nagpunas ako nang kamay at sinalubong sila sa sala. Tahimik ang paligid at Wala ni isa ang nagsasalita.

"Anong problema niyo?" Ngiti ko. Napatingin sakin si Lei. "You should have told us." Kumunot ang noo ko.

"Ano namang sasabihin ko?" Tanong ko sabay balik sa kusina at pinatay ang kalan.

Bumalik ulit ako sa kanila at nakapamewang na tinignan sila.

"Dapat sinabi mo!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Lei. Ano bang sinasabi niya?

"Girlfriend ko na si Rica ngayon! I can't break up with her!" Kinabahan ako.

"Dapat sinabi mong ipapaarrange marriage kami Rie! Fuck this!" Sabay hawak sipa niya sa sofa na kinakaupuan ninaand Zhairon.

"Paano niyo----"

"King told us." Napayuko ako. "I'm sorry..." Napasabunot na si Lei.

Kasabay nito ang pagkatok sa pintuan. "Ako na." Sambit ni Raven.

Pagkabukas ni Raven nang pinto ay agad itong napaatras. Napatayo naman ang magkakapatid.

"Mama..." Sambit ni Zhairon.

"Wala man lang confetti?" Tawa ni Mrs. Contejo

"Tignan niyo kung sino pa mga kasama ko." Bumukas ang pinto. Nakita ko ang limang babae at limang magulang ang ang nandito.

Totoo nga...

Agad akong pumunta nang kusina at inihain lahat nang pagkain.

Nagtimpla din ako nang juice na sakto sa pag-upo nila.

Agad nakuha nang isang babae ang atensyon ko. Nakaupo siya sa harap ni Zhairon at nagkakatinginan sila.

Nakangiti kong isinalin ang juice sa mga baso. "Can we start?" Tanong nang mama nang Contejo.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon