Chapter 11

1.9K 68 2
                                    

[LWTCB: Surprise]

Denzerie Ramirez Pov

"Nabalitaan niyo ba?"

"Sinapak daw nung isang estudyante si Lei."

"Oo nga, kawawa naman siya."

"Balita ko nagpapagaling daw sa clinic si Lei kasama nung mga kapatid niya."

Ilang minuto Ang lumipas at usap-usapan na ang pagbugbog Kay Lei.

"Hula ko babae dahilan non."

Napatigil ako. "Hindi naman siguro." Dinig kong sambit ng isa.

"Ang Alam ko may gusto yung babae kay Lei Tapos yung lalaking nagkakagusto doon sa babae sinapak si Lei."

"Kung ako 'yon hahayaan ko nalang siyang sumaya Kay Lei."

"Oo nga ehh."

At hindi tumigil ang usapan. "Hey," Napatingin ako kay Kuya.

"May gagawin pako Kuya." Sambit ko. "Sure." Sagot niya.

Umalis ako at pumunta ng kabilang building kung nasaan ang room nila Lei. "Woah." Sambit ng mga estudyante habang lumalakad ako.

Kumatok ako sa room kung saan Ang kwarto ni Lei at Lance. "Excuse me," Sambit ko. "If you didn't mind, Sino po yung bumugbog kay Lei?" Tanong ko.

"Kung ako sayo hindi na ako makikialam." Sambit ng babaeng kaharap ko. "Yeah, kung ako sayo tahimik nalang ako." Sambit pa ng isang babae.

"Bakit gagantihan mo kami?" Napatingin ako sa likod. Nang tignan ko ito ay tinaasan ko ito ng kilay.

"Oo." Maikli kong sagot. Tumawa Ang Tatlong lalaking kupal na nasa harapan ko.

"Girl, if I were you tatakbo na ako." Sambit ng babae. "Kung ako sayo, mananahimik ako." Sambit ko sa babae at tinignan siya kaya napaiwas ito ng tingin.

"May balak kang magscandal dito?" Tanong ng isang matangkad na lalaki na mukhang TUKMOL.

"Bakit hindi ba scandal yung ginawa mo?" Tanong ko.

"I just have my revenge. Naiinis ako kay Lei." Sambit niya sabay ngisi. "Hindi ka kasi gwapo kaya hindi ikaw ang pinili ng babae. MAS DAIG NG LALAKING MATALINO AT MAY RESPETO ANG LALAKING GWAPO PERO MANLOLOKO ." Nawala ang ngisi sa labi nito.

Napaamang ang bibig niya. "Ulitin mo nga." Sambit niya sakin. Mukhang manununtok na ito kaya napabuntong hininga ako.

"Let me rephrase it... PANGET KA." Sabay ngisi ko. "Pag ikaw pinatulan k---"

"Mas mabuti ang gawa kesa dada." Pagpapatuloy ko na ikinainis niya. Pilit siyang pinapakalma ng dalawa niya pang kasama. "Hindi man lang kayo naawa kay Lei. Pinatulan niyo ehh tatlo kayo. Mga kupal." Bukambibig ko.

"Ano?!" Sambit ng isa pa. "Kupal kako kayo." Pag-uulit ko.

"Nagtitimpi lang ako sayo." Sambit ng lalaki. "Pasalamat ka may respeto ako sa babae." Natawa ako. Siya? May respeto? Sa Babae? Ehh wala nga siya no'n. Is he fucking kidding me?

"Wala naman akong balak na labanan kayo kung mababaw lang ang ginawa niyo Kay Lei....."
Pinatunog ko ang kamay ko at ngumiti ng nakaasar.

"Kaso, nasa clinic siya ngayon at dahil yo'n sa ginawa niyo." Ngiti ko.

"Gaganti ka? Fine. Ladies first." My eyes widened for a second. "Siguraduhin niyong hindi niyo ito pagsisisihan." Seryoso kong sambit.

Nilapitan ko ang isang lalaki at tinapatan ng CALIBRE 45.

"Anon---" Nanlalaki ang mga mata ng estudyante at hindi makapaniwala sa hawak ko.

"Baki----" Hanggang sa tinapat ko ito sa ulo niya. "Sigurado kang ako ang mauuna o KAYO MUNA?" Seryoso at nakakatakot kong sambit na umeecho sa buong hallway.

"Sino ka---"

"Ako ang dapat mong KATAKUTAN sa lahat ng estudyanteng nandito. AKO ANG BATAS DITO AT IKAW ANG PASLIT SA TERITORYO KO." Sambit ko.

"Meron kayong tatlong segundo para tumakbo."

Sinimulan kong magbilang mula sa una. "Isa..."

"Dalawa..."

Kinasa ko ang baril na hawak ko. Pero bago pa ako makatatlo ay tumakbo ang tatlong lalaki sa harapan ko.

Tinago ko ang baril ko. "Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga CONTEJO. Naiintindihan niyo ba?" Malamig kong sambit.

"Dahil kung anong ginawa niyo sa kanila... 'Yon din ang gagawin ko sa inyo. I will show no mercy MOTHERFUCKERS." Dagdag ko tsaka umalis sa building na iyon.

Pagkababa ko ay saktong pagkasalubong ko sa magkakapatid na Contejo maliban kay Lei.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni  Lance. "Ako? Wala naglibot-libot lang ako." Ngiti ko.

"Ang daming building ng school na ito. Napakalawak." Dagdag ko.

"Kala ko---"

"Kala mo Ano?" Tanong ko sabay ngisi.

"Wala. Kukunin ko yung bag ni Lei. Sama ka?" Tanong niya. "Sure." Sagot ko.

Umakyat ulit kami ng hagdan. "Uuwi pala tayo. Kailangan magpahinga ni Lei. Napuruhan yung braso niya."

"Masakit 'yon." Sambit ko. "Kaya nga magpapahinga."

"Dito kalang." Sambit niya. Walang kumikibo ni isa at wala ding makatitig sakin ng diretso kaya napangisi ako.

Nang makuha ni Lance ang bag ay sinabayan ko na siya pababa ng hagdan.

"Nakakapanibago." Sambit niya. "Bakit?" Tanong ko. "Wala." Sagot niya.

Nang makababa kami ay dumiretso kami ng clinic. May benda ang braso ni Lei pati na ang dibdib kaya napatingin  ako sa kanya.

"Wag mokong titigan." Sambit niya kaya umiwas ako.

Inalalayan nila si Lei hanggang sa makita kami ni Ate Lee. "Ingatan niyo yan. Medyo hindi pa magaling ang mga tama sa kanya." Tumango sila at ako pinuntahan ko siya.

"Ate Lee," Sambit ko. "Salamat." Ngiti ko. "Nakita ko ang ginawa mo kanina Rie." Natawa naman ako.

"Di naman 'yon totoo Ate Lee." Sambit ko. "Alin? Yung magkasama kayo ni Lance?" Napatahimik ako. Akala ko...

"Oo nga magkasama nga kami. Diyan ka na Ate Lee." Sabay kaway ko sa kanya.

"Ingat!" Sambit niya.

Kinuha ko muna ang bag ko tsaka na kami tuluyang umalis.

"Nagpaalam ba kayo?" Tanong ko na hindi nila sinagot.

"Bitawan niyo na ako... Kaya ko na." Ani Lei.

"Tumigil ka." Sambit naman ni Zhairon. Napatingin ito sakin. "Rie, kaya ko na kaya, diba?" Kita ko ang hiya sa bawat salitang binibitawan niya.

Hanggang sa makauwi kami.

Inilapag na siya sa kwarto at inihiga.

"Magpahinga ka na." Sambit ni Zhairon at umalis na sila. Aalis na sana ako ng may humigit sa kamay ko.

"Lei..." Banggit ko sa pangalan niya.
"Pwede bang dito ka muna?" Sambit niya.

"Sure a thing." Sabay upo ko sa kama niya. "Ayokong isipin mo na mahina ako..." Sambit niya sakin.

"Hindi ako nag-iisip ng gano'ng bagay." Napangiti naman siya at napatakip ng mga mata.

"Rie," Bigkas niya sa pangalan ko. "Wag kang aalis sa tabi ko."

"Sana hanggang paggising ko nandito ka padin."

"Ayokong mawala ka sa paningin ko." Sambit niya.

"Sige lang. Hindi naman ako aalis. Andito lang ako." Ngiti ko tsaka ko hinawakan ang buhok niya at hinimas.

Pagkatulog niya ay unti-unting lumungkot ang mukha ko at tumitig sa kanya.

Dito lang ako hanggang sa dumating ang araw na mamalayan niyong...

Hindi niyo na ako kailangan...

Living With The Contejo Brothers [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant