Chapter 7

2.4K 75 0
                                    

[LWTCB: Books]

Denzerie Ramirez Pov

Inayos ko ang sarili ko tsaka binuksan ang ilaw at nagsalita.

"GISING NA!" Sigaw ko sabay palakpak. Nakita ko ang biglang pag-upo ni Lance dahilan para mahulog si Lei.

Nakita ko din ang pag-upo ni Zhairon, Raven at Allister. "Ang sakit sa ulo." Sabay pikit ni Lance at Allister.

"Kilos na. Aalis na tayo." Sambit ko at napatingin sa relo. "1:34am." Sambit ko. "BILIS. KILOS!" Agad silang tumayo at nag-ayos.

Ilang minuto lang at nakalabas na kami ng kwarto. Binigay ni Zhairon ang susi sa service area. "Thank you Ma'am and Sir. Please Come again." Sambit naman ng Babae.

Nang makalabas kami ng hotel ay humigab silang lahat.

At nang makapunta na kami sa kotse ay binilisan nila ang pagpasok at lahat sila ay kanya-kanyang yakap ng bag. What a cute little lost puppies.

Sa gitna ng biyahe ay pinipilit kong gisingin ang sarili ko kahit na inaantok din ako. Hindi ako nakatulog ng gano'n kahaba.

At sa ilang oras na biyahe ay nakarating na kami sa bahay. Nagising sila at nagsiunat.

"Andito na tayo agad?" Ani Lei na kinusot ang mata. "Anong oras na?" Tanong ni Allister sabay kamot sa batok. Napatingin ako sa relo ko.

"4:23am sambit ko." Pumunta na kami sa bahay at kanya-kanyang dala ng bag.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba ako para magtimpla ng hot choco. Ang sama ng timpla ng tiyan ko... Pumunta ako sa garden habang humihigab na ininom ang hot choco.

Napabuntong hininga ako pagkatapos kong maubos ito. "Tired?" Tanong ni Raven sakin.

"Inaantok ako." Sambit ko. "Then rest." Sambit niya sabay higit sakin.

Nang makapunta kaming garden ay umupo kami sa may rest house. "Lay in my shoulders and take a rest." Ani Raven.

"Huh? Edi doon nalang ako sa kwarto." Sambit ko. "Tsk." Hinawakan niya ang ulo ko at marahang inihiga sa balikat niya.

"Take a Rest Rie. Gigisingin nalang kita mamaya. Alam kong pagod ka din naman. We have enough sleep and you're the only one who never sleeps." Sambit niya sakin kaya ipinikit ko ang mata ko.

"Rie." Binuksan ko ang mata ko ng may dumamping malamig na kamay sa pisnge ko.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni Allister. "Puyat si Denzerie." Sagot ni Raven. "Dapat sa kwarto ka natulog." Seryosong sambit ni Allister.

"Ako ang nagpumilit sa kanya." Ani Raven. Tinignan ako ni Allister tsaka tumabi.

"Pagod din naman ako." Sambit niya at sumandal sa balikat ko.

"Pas---" Pinigil ni Lance si Lei at tinignan kami. "Whoa..." Ani Lei.

"Mauna na akong pumasok." Sambit ni Lance.  "Hey," Sabay sunod ni Lei Kay Lance.

"Mag-ayos na kayo." Ani Allister sabay bitbit ng bag niya. "Tara na." Yaya sakin ni Raven tsaka hinawakan ang kamay ko papasok nang mansion leaving Allister alone.

Pagkapasok namin ay saktong pagkabukas ni Zhairon ng pinto. He looks at Raven at dumako papunta sakin at sa kamay namin.

"Raven." Sambit nito. "What?" Tanong ni Raven.

"Mauuna na ako." Sambit ko at kumalas sa hawak ni Raven.

Ilang minuto din akong nanatili sa kwarto at parang wala na akong balak pumasok.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now