Chapter 40

1.4K 46 0
                                    

[LWTCB: Decision]

Denzerie Ramirez Pov

Lumipas ang isang buwan pagkatapos nang Gala madaming nangyari sa isang buwan tulad nang pagkakaintindihan namin ni Zhairon, pagsira nang kontrata para sa kasal nila ni Kathleen, Pag celebrate ng birthday ni Raven, engagement ni Rica at Lei, pagsali ni Allister sa Basketball at ang Pag kaexpelled ni Kathleen sa school kaya lumipat na sila nang ibang lugar.

At isang buwan na ang nakalilipas hindi ko parin magawang sabihin ang nararamdaman ko.

Bakit humihina ang loob ko? Ano bang ikinakatakot ko?

"Watch your steps." Napatingin ako sa umalalay saking umakyat. It's King.

Teka..

"Anong ginagawa mo sa building na ito?" Tanong ko. "Ikaw ang dapat kong tanungin. Nasa kabila ang building mo." Napatingin ako sa kabilang building at nahiya.

Ano bang nangyayari....

"Ayos ka Lang ba?" Tanong niya sakin. Napabuntong hininga ako. "Hindi parin ako nakakapagconfess..." Sambit ko.

"Hindi mo naman kailangang magmadali." Sambit niya sakin.

"Hinay-hinay lang." Dagdag pa niya. "Parang may pumipigil saking sabihin yung nararamdaman ko hindi ko alam kung ano... Sinasabi nang isip ko na sabihin ko pero iba yung ginagalaw nang katawan ko."

"Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o dahil ba ito sa aalis ako..." Napatingin siya sakin. "San ka naman pupunta?"

"Italy." Sambit ko sa kanya. "Sinasama ako ni Kuya Ezren sa Italy para doon na manuluyan. Dahil na din yun sa nangyayari sakin dito ngayon."

"Kailan ka aalis?" Tanong niya sakin. "Bukas..." Sambit ko. "Gusto kong sabihin sa kanila na aalis ako pero hindi ko magawa... Siguro Ayos na din na hindi nila malaman..." Mapait kong ngiti.

"Paano si Zhairon?"

"Hindi mo ba sasabihin sa kanya?"

Nginitian ko si King. "Aayain ko si Zhairon sa park ngayon susulitin ko na itong araw na ito bago ako umalis." Sambit ko.

"Mag-iingat ka." Ngiti niya sakin tsaka niya hinalikan ang labi ko na ikinanlaki nang labi ko.

Sa hindi malamang dahilan namula ako. Sa unang pagkakataon ninakaw niya ang unang halik ko...

"PARA SAAN 'YON?!" Namumula kong sambit pero nagulat ako nang ngumiti ito sakin. Inaasar niya ba ako?!

"Kung sakali mang lokohin ka ni Zhairon tandaan mo na nandito lang ako lagi para sa 'yo Rie. Ayoko nang makagulo sa nararamdaman mo pero gusto kong malaman mo na mahal kita..." Huli niyang sambit bago tuluyang umakyat sa hagdanan.

Gusto...
Niya ako?

Kailan pa? Bakit hindi ko nahahalata? Ganon na ba ako kamanhid?

Napabuntong hininga ako at bumalik na sa building. Isang subject nalang din at uwian na...

Pagkapasok ko ay isinara ko ang pinto at umupo na sa upuan. Paano ko naman aayain si Zhairon?

Nang matapos ang subject ko ay napatayo ako.

Lalapitan ko sana si Zhairon nang kausapin siya ni Allister kaya napaatras ako. Napatingin siya sakin at nginitian ako pero agad akong napalakad.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now