Chapter 31

1.2K 49 4
                                    

[LWTCB: Changes]

King Alvarez Pov

Katahimikan ang namuo saming dalawa.

"Pag-isipan mo." Ngiti ko kay Rie at hinimas ang ulo niya. Kita ko naman ang pagtango niya.

"Sige na mauuna na ako." Sambit ko kay Denzerie at lumakad na pababa nang rooftop.

Nang makababa ako nang hagdan ay dumiretso na ako sa kabilang building para pumasok sa ikaapat na subject.

Nasa second floor na ako nang bigla kong makita si Zhairon na ikinanlaki nang mata ko.

At agad din akong napatigil.

"Yo." Bati ko sa kanya. "Stay away from her." Bungad niya na ikinatawa ko nang bahagya.

"Hindi ko alam pero nagquit din siya sa Ms. Easthigh at alam kong may kinalaman ka doon."

He's taking this too seriously I can't take it!

"How can I do possibly do that?Kung sasali man siya she got my support and also she's my friend for goddamn sake!" Sabay tawa ko.

Bumaba siya nang dalawang hakbang bago ako tinaliman nang tingin.

"Kaibigan?" Seryosong tanong niya sabay ngisi. "O ka-ibigan?" Napangisi na ako.

"Naalala ko pa kayong magkakapatid sabay-sabay kayong naglalakad na libro lang ang hawak. Pero ngayon.... mukhang nag-iiba lahat nang panlasa niyo Is it because of her?" Bumaba siya nang isang hakbang.

"As long as I have her. I don't need anything else." Sambit niya. "Talaga?" Napaisip ako nang isang kalokohan.

Masubukan nga.

"Paano kung sabihin ko sa 'yong mas gusto niya ako kesa sayo?" Humakbang siya papunta sakin habang unti-unting inilalapit ang kamay niya sa mukha ko na ikinahawak ko sa bakal.

"Oye, Zhairon!" Napatigil siya kaya nanlaki ang mata ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Lei.

"Wala lang." Kalmado at nakangiting sambit ni Zhairon.

Hindi kaya....
Susubukan niya akong ihulog?

"Oye, andito ka pala Hari." Sabay ngisi ni Lei kaya napatingin ako sa kanya.

Kailan pa sila natutong ngumisi?

"Hindi ko parin makakalimutan yung ginawa nang kutong lupa mong kaibigan sa 'kin." Sambit niya.

"Bakit hindi ka lumaban?" Nakita ko ang pagbaba ni Zhairon na nakangisi sakin kaya kumunot ang mata ko.

"Dahil mahina ako noon." Sambit niya tsaka bahagyang tumingin sakin. "Pero asahan mong papatulan ko na kayo ngayon." Humakbang siya papunta sakin at nabigla ako nang hinigit niya ang kwelyo ko.

"Subukan mong lumapit kay Denzerie asahan mong hindi ka na aabutan nang araw kinakabukasan." Napabitaw siya sakin.

"Lei?!!!!" Kumalma ang mukha nito at napangiti nang makita niya ang isang babae. "Rica." Ngiti niya.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now