Chapter 33

1.2K 42 2
                                    

[LWTCB: Photoshoot]

Denzerie Ramirez Pov

"Rie?" Napamulat ako sa isang katok sa pintuan ko. "Rie, wake up." Dagdag pa nito kaya napaupo ako.

Napaunat ako tsaka ako tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad naman sakin si Zhairon.

"Tara na, breakfast is ready." Ngiti niya. "Oo nga pala, para sa 'yo." Napatingin ako sa box.

"Mamaya mo na buksan. Nakalimutan ko 'yang ibigay noong birthday mo." Ngiti niya sakin.

Ngumiti ako. "Salamat." Sambit ko sa kanya.

"Teka, asan ka kagabi?" Lumunok ako. "Inantok ako kaya nakatulog ako." Sabay tawa ko.

"Sige na, maghahanda pa ako." Kasabay nang malakas na sarado ko nang pinto.

"I want you to know your limits."

"Lalo na't isa kalang DAKILANG YAYA."

Ang babaeng 'yon....

Pasalamat siya at hindi ko siya pinatulan kahit gusto ko nang ilampaso ang mukha niya sa sahig.

Gusto niya nang away? Edi ibigay. Pagbibigyan ko ang tukong babaeng 'yon.

Ilang minuto pa at natapos na ako sa paghahanda kaya bumaba na ako.

At gaya nang nakagawian kumain muna kami bago pumasok. Sinara nila ang gate at naglakad na kami.

Pagkaabot namin sa gate ay nakita ko si Kathleen.

"Hey." Ngiti niya. "I was standing here like forever." Dagdag pa niya.

"Kanina pa kaya ako naghihintay." Sabay kapit niya kay Zhairon. "May photoshoot ngayon Zhairon ahh." Sambit ni Kathleen.

"Nakalimutan ko." Sambit din ni Allister.

"Tara na!" Sambit ni Allister at tumakbo. "This day is the worst day." Ani Lance at inaya na si Lei.

"See ya." Sambit nila sakin. Nauna na rin si Raven pagkatapos.

"Zhairon? Hindi ba tayo papasok? May photoshoot baka malate tayo." Aya ni Kathleen.

"Pero kasabay ko si Rie." Tinignan ako ni Kathleen.

"Rie?" Hinawakan ako nito sa kamay. "Gusto mo sumama?" Pekeng ngiti niya.

"Ayoko." Pekeng ngiti ko din. "Kayo nalang dalawa." Ngiti ko. "Bakit naman? Hindi mo ba susuportahan yung Contejo?"

"Rie, join us. Madali lang ito Tsaka isa pa walang klase dahil sa practice at Photoshoot." Ani Zhairon.

"Sige na please?" Puppy eyes ni Kathleen sakin. Umirap ako sa hangin. "Sige na, tara na." Sambit ko sa kanila at pumasok na kami.

Nang makapunta kami nang gym ay dalawa silang pumila.

Nginitian ako ni Zhairon kaya tumango lang ako.

Nakita ko sila Lance at Lei na nakasalang kaya sila muna ang tinignan ko.

Sinasadya ba talaga na kapartner nila lahat nang fiancé nila?

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now