Chapter 45

1.6K 51 2
                                    

[LWTCB: Suspect]

Zhairon Contejo's Pov

Nasabi na namin ang dapat malaman ni Denzerie. Mula sa tunay naming mga pangalan hanggang sa pinakadulo nang buhay ni Denzerie. Madami din akong nalaman tungkol sa kanya at madami din siyang nalaman tungkol sakin.

Limang araw ang nakalilipas ay nadischarge na siya sa hospital binayaran ang dapat bayaran tsaka lang kami nakaalis.

Habang naglalakad kami ay napapangiti ako dahil magkahawak ang kamay namin na hindi ko nagagawa sa kanya noon. Sa tingin ko ay mas palangiti ang Denzerie ngayon kesa ang Denzerie noon na kapag ngumiti ay may halong sakit na nararamdaman.

Mas nagustuhan ko ngayon ang katangian ni Denzerie. Kumulit na siya na aakalain mong hindi nanggaling sa hospital.

"Hindi parin humihilom yung sugat sa likod ko." Nakanguso niyang sambit kaya nacutan ako sa kanya. Para na siyang batang bagong panganak lang.

"Maganda ka parin naman." Ngiti ko sa kanya kaya nginitian niya ako. Para akong nabuhayan sa mga ngiti niya...

"I love you Zhai." Napatakip ako nang bibig. Ito nanaman siya pinagtitripan nanaman niya ako.

"You're blushing." Asar niya sakin. "No I'm not." Sagot ko naman at tumikhim.

Napansin ko ang laging pang-aasar niya sakin na medyo nagugustuhan ko. At dahil dito mas lalo ko pa siyang nagugustuhan....

"Te Amo Milady." Napakunot ang noo niya. "Anong ibig sabihin non?" Tanong niya sakin. "It means I love you."

"Magiilove you na ngalang ibang lenggwahe pa." Sambit niya at umirap na ikinatuwa ko. Siya lang ba ang marunong mang-asar?

"Sakit sa mata." Napatingin ako kay King na nasa gilid namin. "I'll kiss your eyes then," Nanlaki ang mata ko nang hinalikan ni Rie ang mata ni King.

What the....
Fuck...

"Parang masakit din yung panga ko." Isa pang halik ang natanggap niya kay Rie. "Teka namaga ata yung lab—" Hinila ko na si Denzerie pabalik sakin.

"Tsansing ka na sa Girlfriend ko." Sambit ko na ikinatawa niya. "Anong tsansing doon hindi naman niya ako hinipuan?" Kita mo ang kaseryosohan sa mukha ni Denzerie kaya mas lalong humagalapak sa tawa si King.

Tumigil din ito kalaunan. "Denzerie, you shouldn't kissed someone lalo na sa harap nang boyfriend mo. Kung ako siguro 'yon sinapak ko na yung lalaki." Nanlaki naman ang mata ni Rie at agad na nagsorry sakin na parang ang laki nang atraso niya.

Nginitian ko siya tsaka hinimas ang buhok niya. "Bilisan niyo kakain na tayo." Napatingin kami sa mama ni Rie na pumasok sa isang restaurant.

Pagkapasok namin ay umupo na kami at umorder nang makakain. "Rie, try this sabi nila masarap ito." Napatingin ako nang mapatingin si Rie kay King ay nagkalapit ang mukha nila.

Agad namang umiwas si King dahil sa pagtingin ko sa kanya. Kung nakakapatay lang ang tingin patay na siguro ang lalaking ito.

"Oo nga." Ngiti ni Rie tsaka tumingin sakin. "May problema ka ba?" Tanong niya pero ngumiti ako at umiling.

Umorder na kami nang pagkain at makalipas ang tatlumpong minuto ay inihain na ang pagkain kaya kumain na kami.

Sa kalagitnaan nang pagnguya namin ay nagsalita ang mama ko. "So, kailan niyo balak ikasal?" Bigla akong nabulunan kaya kinuha ko ang tubig sa gilid ko at ininom.

"Ayos kalang?" Nag-aalalang tanong ni Rie napalunok ako bago tumingin kay mama.

"Napakabata pa namin para ikasal. Girlfriend ko lang si Rie hindi ko siya asawa." Sambit ko.

"Tagal mo kasing kumilos mauunahan ka ng mga kapatid mo ohh." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama.

"Magpapakasal na sina Lei at Rica next week." Kumakain naman ng taimtim ang dalawa at hindi nagsasalita.

"Napakaaga naman niyan Ma?!" Pagmamaktol ko. "Anong maaga? Legal naman sila parehas na din silang magseseventeen." Inosenteng wika ni mama.

Natawa naman si King. "Kung ako sayo magpoproposed ako nang Will you marry me instead of can you be my girlfriend." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni King.

Hindi ko alam pero ang pagiging closed niya kay Rie ang nagpapakulo nang dugo ko.

Ganito pala ang ibig sabihin nang pagseselos.

"Wag ka ngang magbiro nang ganyan sa harap ng boyfriend ko." Napatingin ako kay Rie na ngayon ay umiinom nang juice.

"I'm just teasing him." Sambit ni King at kumain na. Nang makatapos kami nang pagkain ay nagring ang isang cellphone. "Excuse me," Sambit ng mama ni Rie at umalis sandali.

Pagkaalis nito ay ang pagsulyap-sulyap ko kay Rie. Napapansin ko din ang pagtingin ni King kaya kinalabit ko ito.

Napatayo kaming dalawa at inexcuse ang isa't-isa. Nagpunta naman kami sa labas nang restaurant.

"Bakit?" Bungad niya sakin. "Know your fucking limits." Kalmado kong banggit.

"What are you talking about?" Kunot noo niyang tanong. "Boyfriend niya na ako King. I guess you should know your place." Sagot ko.

"I can't promised that Zhairon. Hindi madaling maalis ang nararamdaman ko para kay Rie sana maintindihan mo 'yon. Dahil kung nagseselos ka MAS NAGSESELOS AKO."

"Alam mo ba yung salitang pagpaparaya? Madali ko lang 'yan gawin sa ibang babae pero iba kay Rie. Mahirap sa loob kong palayain siya lalo na't makasarili din ako."

"Pero nagawa ko 'yon dahil mahal ka niya." Hindi ako nakapagsalita. "Ilugar mo din yang pagseselos mo Zhai dahil minsan mo nang nasaktan si Denzerie. Kung sakaling masaktan mo ulit siya babawiin ko na siya sa 'yo."

"Hindi na 'yon mangyayari." Sagot ko.

"Wag mong sisirain ang tiwala ko." Huling sambit niya bago bumalik sa loob.

This jealousy is killing me...

Nagpahangin lang ako saglit at naisipan ko nang bumalik. Pagkaupo ko ay nakapagbayad na sa bill ang papa ni Rie at tama naman itong pagbalik nang mama ni Rie.

"We're all going right now. Ezren yung van bilis." Napatingin kami kay Mrs. Ramirez.

"Bakit ma?" Tanong ni Denzerie.

"Hawak na nang mga pulis ang suspect."

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now