Chapter 30

1.4K 45 0
                                    

[LWTCB: Be my Girlfriend]

Denzerie Ramirez Pov

Pagkapasok namin ay agad akong napahiwalay sa kanila at pumunta sa canteen para kumain at makapagbasa.

Nang maka-order ako nang pagkain ay nagsimula na akong basahin ang librong gustong ipabasa sakin ni Raven.

Dahil naisauli ko na din naman ang lahat nang libro nila kaninang umaga. Halata ang gulat nila pero nginitian ko lang sila.

Naisip ko na panahon na din para tuparin ang pangako ko sa kanila...

Na pagkatapos maayos lahat nang problema ay ibabalik ko na sa kanila lahat nang libro.

Sa kalagitnaan nang pagbabasa ko ay may biglang nagsalita.

"What a coincidence." Napatingin ako sa kanya sandali at napabalik sa binabasa ko.

"Kinakausap pa kita." Sambit niya at kinuha ang librong binabasa ko kaya napabalik ako sa bag ko at kumuha nang panibagong libro tsaka ito binasa.

"Ahh ganon?" Iritang boses niya tsaka biglang hinawakan ang anit ko. "Wag kang magmagaling porket pinili ka ni King. Actually, pinaglalaruan ka lang din naman niya. Kaya kung ako sa 'yo lulubayan ko na siya." Pero nagbabasa parin ako at hindi ininda ang sabunot niya.

"Nakikinig ka ba sakin?!" Sabay diin niya sa anit ko at kuha sa libro ko....

Akmang sasampalin niya ako nang may humawak nang kamay niya. "That's enough Shierra." Kasabay nang marahan niyang pagbaba sa kamay ni Shierra.

"Ano bang meron siya na wala ako?" Ang drama nang babaeng ito...

"Shut up Shierra, just leave." Napataray sakin si Shierra at itinapon ang libro ko sa malayo at umalis. Pagkaalis niya ay unti-unting lumuhod si King at inayos ang buhok ko.

Pagkatapos ay kinuha niya ang libro ko at ibinigay sakin tsaka ako nginitian.

"Hala sila ba ni King?!"

"Wag kang maingay."

Napatawa nang bahagya si King. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin kaya tumango ako.

"BES KINIKILIG AKO!!!"

"Wag mo naman akong sabunutan."

Ako naman ang natawa.

"Ikaw ba pag sinabunutan ko Di ka masasaktan?" Tanong ko. "Masasaktan." Sagot niya.

"So anong sagot ko?" Tanong ko. "Masasaktan." Sagot niya.

"Biruin mo nagbabasa ako dito bigla akong sasabunutan. Pagsabihan mo nga 'yang ex mo. Ilugar kamo ugali niya." Napahawak naman siya sa dibdib niya at umaray.

"Natamaan ako." Sabay tawa niya.

"Bagay talaga kayo kamo." Sambit ko sabay irap sa kanya. "Mas bagay tayo." Sabay tawa niya kaya hinampas ko siya nang libro.

"Ano?" Napatingin naman kami kay Zhairon na nasa likod ni King.

Napatayo si King at nagtaas nang dalawang kamay. "Hands up." Nakatawang sambit ni King.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon