Chapter 17

1.6K 72 0
                                    

[LWTCB: Like?]

Denzerie Ramirez Pov

At dahil nalaman ng nakatataas Ang nangyari sa parking area. Nasuspinde ako ng 1 buwan.

At magbabayad ako sa hospital ng sampung libo.....

"Xyrille?" Napalunok ako habang kinakausap ko sa telepono si Xyrille. "Bakit?" Malambing na tono niya.

"Ano kasi...."

"Ano?" Tanong niya.

"Nasuspinde ako ng isang buwan...."

"Huh? Bakit? Anong nangyari? Nasan ka?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Xyrille, Ano pwede bang... pwede bang makahingi ng pera? Kahit one thousand lang? May kailangan kasi akong bayaran sa hospital na sampung libo..... Napuruhan ko kasi yung nakaaway ko kahapon...." Sambit ko.

"WHAT?! ANO BANG PINAGGAGAGAWA MO RIE?! SAN KA KUKUHA NG TEN THOUSAND PESOS?!" Pasigaw na tanong niya.

"Mayabang yung mga lalaki na 'yun.... Kaya Bagay Lang sa kanila yung nangyari." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"KAHIT NA! EDI SANA NIREPORT MO NALANG DENZERIE? ANO BA?" Ramdam ko ang irita sa boses niya.

"Tulungan mo naman ako please?" Pagpapaamo ko sa kanya. "Andyan si Moon Bakit hindi ka sa kanya magpatulong? Siya Lang naman yung may pera." Sambit Ni Xyrille.

"Nahihiya ako sa tao kaya please Xyrille?" Paglalambing ko.

"Nako DENZERIE." Sambit niya. "Gagawin ko lahat promise Basta tulungan mo ako."

"Malalagot ka sa Papa tsaka Mama mo Pag nalaman nila ito." Sambit niya.

"Kaya nga humihingi akong tulong."

"Pano yung magkakapatid na Contejo bakit hindi ka magpatulong sa kanila? Diba sabi mo gusto mong maging independent kaya ka umalis? Tapos hihingi ka ng tulong sakin?" Mahaba niyang litanya.

"Makakaabala lang ako." Sambit ko. "Bakit sa tingin mo hindi ba ako naaabala?" Biglang may kumirot sa dibdib ko.

Matagal akong hindi nakasagot hanggang sa magsalita siya.

"Rie? Rie biro lang 'yun!" Sabay tawa niya. Hindi ko alam pero ang laking abala ko nga....

"Hindi, Ayos Lang yun tama ka sorry nakaabala pa ako sayo Xyrille...."

"Rie? Rie!---" Pero pinatayan ko na siya ng cellphone. Napahiga ako sa kama hanggang lamunin ako ng kalungkutan.

Kung hindi ko ginawa Ang bagay na iyon hindi Sana ako nasuspinde....

Binuksan ko ang cellphone ko at pumunta sa facebook. Tinignan ko ang notification ko.

*Xiangfei mentioned you in a comment*

Tinignan ko ito at nakita ko ang video. Tinignan ko ang uploader Pero walang nakalagay na pangalan.

"King Alvarez: shutdown" Pagbabasa ko sa caption. Madami din ang comments kaya unti-unti kong binasa.

"Weak pala si King."

"That girl is strong."

"One punch Hahahahaha"

"Wag tayong maging konsintidor. Mali parin yung ginawa nung babae na yan. Matapang lang yan pag may kasama sabunutan ko yan ehh." Teka namumukhaan ko itong babae na ito....

Shierra Collins....

Ito yung nasa kabilang building... Madami naman ang nagreply sa comment niya.

"Pero hinamon ni King si Rie."
-Allister

"Sabunutan mo nang sabunutan din kita!"
-Abigail

"Don't touch her Bitch."
-Raven

"It's not her fault."
-Lei

"Daming pumoprotekta sa babaeng 'yan huh?"
-Shierra

"Sinaktan niya yung boyfriend ko!"
-Shierra

So boyfriend niya si King?

"Ikaw na sunod."
-Moon

"Bitch is a Karma Denzerie."
-Shierra

"Lahat ng ginawa mo babalik sayo."
-Shierra

Nilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng Cabinet ko tsaka tumayo.

Lumabas ako nang mansyon hanggang sa...

"Rie, come here..." Bigla akong nawala sa wisyo at sinundan ang boses.

"You'll be fine princess just follow my voice..." Pa....

"Denzerie umuwi na tayo..." Namimiss ko na sila....

Habang pinakikinggan ko ang boses nila ay Mas lalo akong naeengganyong sumama.

"Denzerie?" Kaninong boses 'yun?

"Wag mo silang papakinggan Denzerie Kay Papa ka Lang makinig...." Papa....

"DENZERIE!" Isang alog Ang nakapagpabalik sakin.

"Anong ginagawa mo?!" Moon?

"Magpapakamatay ka ba?!" Iritang tanong Ni Moon. "What are you doing here?! Nasan na yung mga kasama mo?!" Kasabay nito ang pagyakap niya sakin.

Teka...

"Nawawala ka na ba sa katinuan?! Wala ka pang tsinelas nakapangbahay ka pa! Mukha kang pulubi sa daan!" Sumbat niya.

Nang kumalas siya ay napakagat ako ng labi. "Saan ako kukuha ng 10k?" Sambit ko.

"Hey," Sambit niya kaya napatingin ako. "Andito ako para tulungan ka. Hindi puro ikaw andito din ako. Wala ka bang balak na puntahan ako?"

"Nakakahiy---"

"Fuck it Rie! Bakit mahihiya ka? Andito lang ako ohh naghihintay sayo!"

"Ayokong maabala ka Moon..."

"Hindi ka nakakaabala sakin maliwanag ba?" Sambit niya.

"Ikaw talaga laging makakapitan ko..." Ngiti ko. "Ang laking tulong na nang ginagawa mo sakin simula nung bata tayo."

"Listen Rie, kaya ko ginagawa ito kasi gusto kita. I like you Rie. I FUCKING LIKE YOU!"

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now