Ending

3K 58 8
                                    

"You look so gorgeous Rica. I'm sure maiinlove nanaman sayo si Lei." Sambit ko kay Rica habang inaayusan siya ng isang make-up artist.

"I can't believe na mauuna pa kayong ikasal kesa sakin." Sambit ni Zhairon na ngayon ay nakaupo at natatawa-tawa pa.

"Ikaw kasi, hindi pa will you marry me ang sinabi mo kay Denzerie." Napailing naman si Zhairon na ikinatawa ko nang bahagya.

"Hello hello!" Masiglang bati ni Diana. Ang mga Fiancé lang ang nandito pati si Xyrille at Zhairon dahil sina Allister, Raven, King, Moon, Ezren, at Lance ay nasa panig ni Lei.

"Ikakasal na si Ate Rica." Sambit ni Angela na kunwaring nagpupunas nang luha.

"Ikakasal ka rin balang araw." Ngiti ni Rica. "Mas magandang paunlarin mo muna 'yang relasyon mo kay Raven." Kita ko ang pagsimangot ni Angela.

"Si ate Denzerie lang naman yung bukambibig ni Raven." Sa sinabi niyang iyon ay naging mainit ang paligid at wala ni isa ang nagsalita. That kid...

Sa gitna nang pag-uusap ay nagpaalam muna ako. "Magccr lang ako." Binuksan ko ang pinto at pumunta na sa comfort room. Ramdam ko na kasi ang pagkalas nang make-up ko kaya kailangan ko nang ayusin ito dahil malapit na ang oras nang kasalan.

Saktong paglabas ko ay ang pagtama nang tingin namin ni King sa isa't-isa.

Tumikhim siya at nagsalita. "You look beautiful in white." Sa hindi sinasadya ay namula ako. It's just a damn single sentence yet... Why?

"Huh? Hindi naman... siguro..." naiilang na sambit ko. "Bagay talaga lahat nang damit sayo." Ngiti niya pa.

"Look who's talking ang gwapo mo kaya sa suot mo." Sambit ko. "Ang init kaya nang suot ko lalo na itong American coat ko."

"May kulang." Sambit ko tsaka inalis ang isang pin na pulang rosas na nakakabit sa damit ko. Ikinabit ko ito sa gilid nang kwelyo niya at ngumiti.

"Yan. Tapos na." Ang mga tingin na ibinibigay niya sakin ang nakakapagpakabog nang dibdib ko. Ano bang nangyayari?

"As a token of my appreciation." Nagulat ako nang bigla niyang hinalikan ang pisnge ko. "See you around Rie." Bulong niya tsaka umalis.

Napahawak ako sa mukha ko dahil sa nararamdaman kong init na dumadaloy dito. Bakit?

Nang makapasok ulit ako sa kwarto ay papaalis na sila. "Ang tagal mo naman!" Sambit ni Rica.

"Silly, nag-ayos ako." Hindi ko naman pwedeng sabihin na natagalan ako dahil kay King. Kahit hindi ka naman mag-ayos maganda ka parin sa paningin ni Zhairon." Sabay-sabay nila akong tinukso kaya napailing nalang ako.

"Stop teasing my girl. She's blushing too much." Pang-aasar ni Zhairon kaya hinampas ko siya. WHO'S BLUSHING?! UMILING AKO UMILING HINDI AKO NAMULA TANGNA.

"Aray hahahaha." Sabi ko na't baliw din itong lalaking ito kung minsan.

"Tara na Lovebirds." Sumunod naman kami kay Rica. Nang makalabas kami ay sumakay si Rica sa kotse.

Naisipan naming sumakay sa Limousine dahil marami-rami kami. "Ang gwapo niyo ngayon." Sambit ko.

"Ngayon lang?" Tanong ni Kuya Ezren. "Araw-araw akong gwapo." Napairap ako. Umiiral namaman ang kalakihan nang ulo niya. I shouldn't include him when I'm praising.

"Mas gwapo ako sayo." Sambit naman ni Moon. "Mas lamang ako nang isang daang paligo sayo." At nag-asaran nanaman ang kuya ko at ang half brother ko. Ano pa bang bago?

"Oo nga pala, wala ba kayong balak ikasal?" Tanong ko kay Moon at Xyrille.

"Ikakasal na kami next month." Sagot ni Xyrille.

"Ikaw Mr. Alvarez? Di ka ba kukuha nang girlfriend?" Nagtinginan kami kay King.

"May plano sana ako kaso may mahal nang iba ang babaeng iyon kaya nagparaya ako. Pero asahan niyang andito parin ako para sa kanya." Sagot niya. Napabuntong hininga nalang ako. Sino kaya ang babaeng 'yon? Is she numb?

"I feel something." Sabay tingin ni Allister kay Zhairon na ngayon ay nakatingin sa bintana at hindi kumikibo. "May problema ka ba?" Tanong ko pero nginitian niya lang ako at inilingan.

Lumipas ang ilang minuto at lumabas na kami nang limousine. Saktong pagbaba namin ay ang pagbaba ni Rica. Tumingin siya sa gawi namin kaya nagthumbs-up ako sa kanya.

"Tara na." Masaya akong kumapit sa braso ni Zhairon at sinundan si Rica sa paglalakad.

At nang makapunta na sa altar si Rica ay pumuwesto kaming tatlo nina King, ako, at si Zhairon.

Bago mag-umpisa ay may tinanong ang pari "Bago tayo mag-umpisa sa seremonya, may tumututol ba sa kasalanang ito?"

Walang nagsalita at tanging huni lang nang ibon ang maririnig ng lahat kaya nagsimula na ang seremonya. Napasandal ako sa balikat ni Zhairon habang napapangiti dahil nakikita kong masaya sina Lei at Rica.

"Will you, Leishin Zapanta Contejo take Rica Mae Elardo Samonte as your wedded wife?" Tanong ni Father.

"Don't have to ask that father because I will take her as my wedded wife." Buong pusong sambit ni Lei na ikinangiti ni Rica at nang pari. Will they stay strong until the end?

"Will you, Rica Mae Elardo Samonte take Leishin Zapanta Contejo as your wedded husband?" Ngumiti si Rica.

"I will Father." Ang ganda nilang tignan... parang isang magandang panaginip na ngayon ay nagkatotoo...

Nagbigayan sila nang singsing at nagpalitan nang pangako bago isuot ang singsing.

"And now, by the power given on me, I now pronounce you as Husband and Wife. You may now kiss the bride." Ngumiti si Lei at hinalikan nang direkta si Rica. "He fulfilled his promise." Dinig kong sambit ni Zhairon at pumalakpak.

Nakwento sakin ni Zhairon na may nahalikan na siyang babae pero hindi iyon sinasadya. At ang babaeng iyon ang kumuha nang unang halik niya. Kung pwede ko lang ipapatay ang babaeng iyon malamang ay ginawa ko na.

Masaya na kaming lumabas nang simbahan habang pumapalakpak. Unti-unti at nagkakaroon na ako nang magagandang ala-ala.

Pagkalabas namin ay masayang ngumiti si Rica habang inihagis ang bulaklak niya sa ere. Masaya akong pumapalakpak pero ilang saglit lang....

Napasinghap ang lahat at napatingin sakin.

Dahil ako ang nakasalo nang bulaklak. At sa hindi inaasahan ay bigla akong kinabahan.

"This is getting interesting." Sambit ni Allister na ngayon ay nakatingin sakin. Scratch that, saming tatlo.

Nakatingin ako kay Zhairon pero nakatingin si Zhairon kay King.

Natawa nalang ako dahil sa tinginan nang dalawa. They really like to stare at each other that much?

***

"Let the fun begin!" Sambit ni Lei at Umupo ito sa kinakaupuan namin. "Thanks for coming." Ngiti ni Lei.

"Congratulations." Bati ko. Hinawakan ni Lei ang ulo ko at hinimas. "Thank you Rie."

Ang gabi namin ay napuno nang tawanan. Bagama't nagkakapikunan si Zhairon at King pero lahat iyon ay nagiging tawanan sa huli.

Oo nga't nawala ko ang ala-ala ko pero alam kong mapupuno namin ito nang isang panibago at magagandang ala-ala

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now