Chapter 3

3.9K 118 5
                                    

[LWTCB: Peryahan]

Denzerie Ramirez Pov

Kinaumagahan ay nagising nalang ako sa kama. Teka.....

Shit... Nakakahiya....

Nakatulog ako nang ganon kahaba?

Isang katok ang bumungad sa pinto ko kaya humigab ako at tsaka umayos. Kumuha din ako ng dalawang libro para maisauli na.

"Hindi ka pa naliligo? Malelate na tayo." Ani Allister. Ako din ba kailangang pumasok? Parang wala naman atang nasabi sakin ang mama nila...

Tumingin siya sa libro kaya binigay ko na sa kanya ang dalawang libro.

"Bakit dalawa?" Tanong niya. "Simbahan tsaka 'yong sa Park." Sambit ko na ikinatango niya. Did he forgot it already? Kung mas pamilyar lang ako sa lugar na ito. Limang lugar kada araw ang gagawin ko.

"By the way, Ako ang nagbuhat sayo kahapon. It takes 3 movies so 6 hours na 'yon 'di ka pa nagigising kaya naisip ko na buhatin ka. Don't get me wrong, Ayoko lang kasing ginagawa mong unan 'yong balikat ko." Talagang nakakahiya....

"I'm sorry, Ang BORING kasi ng movies niyo." Straightforward ko nang sambit habang nakangiti. It's better to be a straightforward person right? Well frankly saying, alam kong ang rahas ng bibig ko sa parteng 'yon.

"Nagdownload si Raven ng mga movies so we can watch after." Sambit niya sakin. Don't tell me it's always a fucking Astronomy -.-

"Teka, bakit ako kasama sa pagpasok niyo?" Bigla kong tanong. "Inienroll ka ni mom sa Easthigh." Kala ko ba assistant lang ako? Bodyguard nadin ba ako?

"Bantayan mo daw kami." What?! SO BODYGUARD NGA?!

"Hindi ko alam kung anong gagawin mo pero," Ngumiti siya sakin. "I'm really looking forward in this day to be with you." Tinakpan niya ang pisnge ko at tsaka ito hinalikan.

"Maghanda kana. We'll wait for you. Sa cafeteria na tayo kakain." Pangalawa....

Una sa noo ngayon sa pisngi. Napangiti ako. Ang gentleman nila. Boys nowadays are all fuckboy a siguro sila ang pinakanaiiba.

Mabilis akong naghanda at nag-ayos. Sinuot ko kung ano ang una kong nakita. Isang Pulang Blouse na tinack-in sa Isang puting palda tsaka ako nagsuot ng mahabang medyas na hanggang tuhod at nagsuot ako ng tsinelas.

Habang inaayos ko ang buhok ko ay may kumatok sa pintuan. "Rie." Tawag nito kaya binuksan ko ang pinto.

Tinignan nito ang ayos ko mula taas pababa. "Seriously?" Sabay tawa niya na ikinataas ng kilay ko.

Pagsasaraduhan ko na sana si Raven ng pintuan pero may binigay siyang isang Black high-cut na rubber shoes. "Wear this." Sambit niya.

Inalis ko ang tsinelas ko at sinukat ang highcut. "It perfectly fits your outfit, Rie." Ngiti niya sakin. Perfect? BLACK SHOES ARE THE BEST YOU OLD-FASHIONED KID!

"Salamat." Ngiti ko. Naglugay nalang ako at sabay na kaming bumaba. Napatingin sakin ang magkaakbayan na sina Lance at Lei habang napangiti si Allister at Zhairon.

"And the winner is....." Nagdrumroll ang magkambal. "DENZERIE RAMIREZ!" Tawa nilang dalawa sabay apir.

"Ito lang nabunot ko sa cabinet." Tugon ko. "Galing," Sabay palakpak ni Allister. Is that a kind of teasing methods? Tsk.

"We're going to be late." Sambit ni Zhairon. Lahat sila ay nakasalamin na bumagay sa suot nila.

Nerd outfit fits them... But does it mean na binubully sila?

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now