Chapter 18

1.7K 57 0
                                    

[LWTCB: Damn it]

Denzerie Ramirez Pov

Napatahimik ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Sorry." Sambit niya. Ano daw? "Sorry, obviously I'm just tired. Malakas din trip ko ngayon. What I mean is gusto kita bilang kaibigan."

Anong? Ang gulo nang taong ito.

"Don't get me wrong I only see you as my sister Rie. Hindi lang ako sanay na makita kang wala sa wisyo."

"Teka, anong ginagawa niyo dito?" Napatingin ako sa likod ko. "Rie, Bakit nakapaa ka?" Agad akong pinuntahan ni Raven.

"Napakapangbahay ka din." Ani Lance. "Nakita ko lang siya and honestly pauwi na din ako." Sagot Ni Moon.

"Mauna na ako." Sambit niya. Nagkatinginan kami bago niya ako nilagpasan. What's with that look?

"Anong trip mo at nakapaa ka lang?" Tanong sakin Ni Lei. "Nakasando ka pa. Pano kung lamigin ka dito?" Ani Zhairon at tinakluban ako ng polo niya.

"Umuwi na tayo." Dagdag niya pa. Lahat kami ay naglakad papauwi at nang makapasok na kami sa bahay ay kanya-kanya silang upo.

"Namiss kong gumala." Sambit Ni Allister. Napayuko ako. "126 books pa naman diba? Mahaba-haba pa." Ani Lei.

"San tayo pupunta?" Napakagat ako ng labi. "Rie?" Napatingin ako kay Zhairon. "Kanina ka pa tahimik."

"Listen Rie, kaya ko ginagawa ito kasi gusto kita. I like you Rie. I FUCKING LIKE YOU!"

"Sorry, obviously I'm just tired. Malakas din trip ko ngayon. What I mean is gusto kita bilang kaibigan."

What's with his words?

"Hey, what's the matter?" Napabalik ako sa wisyo ng magsalita si Raven.

"Wala Lang ito.... gusto niyo gumala tayo bukas? Punta tayo sa Butterfly sanctuary magpicnic tayo." Ngiti ko.

"Game ako!" Mabilis na sagot ni Lei. "Sure Wala namang pasok bukas." Ani Lance

"Sure." Sagot Ni Raven.

"Sige ba." Sambit Ni Allister. "Kaya matulog na tayo!" Sambit ko at nag-unat.

"Goodnight!" Sambit ko at pumanhik papuntang kwarto. Pagkabukas ko ng kwarto ay napahiga ako sa kama.

Napapikit ako. "Kaibigan..." Mahina kong sambit.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng katok sa pintuan.

"Rie?" Tinignan ko ang pinto tsaka tumayo at Binuksan ito. "Zhairon gabi na Bakit nandito ka?" Nakangiting tanong ko.

"Can I buy your time for a while?" Napakunot ang noo ko. "Sige pero..." Hindi na ako nakakibo dahil hinawakan niya ang kamay ko.

"Let's walk."

Nang makaalis kami sa mansyon ay panay tingin lang ako sa mga ilaw hanggang nahinto kami sa park.

Umupo ako sa bench habang siya bumili ng juice. Pagkabalik niya ay binigay niya sakin ang mango juice. Ininom ko ito at napangiti.

"So tell me what's the matter?"

"Wala namang problema." Sagot ko sa kanya.

"Ibahin moko Rie. You can't lie to me." Sabay inom niya ng Sprite.

"Ano namang sasabihin ko?" Tanong ko. "Bakit ka nakapaa ka kanina?" Napatahimik ako.

"Bakit kasama mo si Moon?" Tinignan ko siya at napakagat ng labi. "Sabihin mo nga Pasakit ba ako?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"What? Of course not." Sagot niya. "Napakasama ko bang tao? I feel so guilty towards King." Napangiti siya at hinawakan ang ulo ko.

"Hindi ka masama. Nagkataon lang na may sense of justice ka. That's actually great. Naappreciate yun panigurao Ni Lei." Sambit niya.

"Pero kasi...." Hindi ko natuloy dahil nag-aalangan akong magsalita...

"Listen Rie, Wala kang kasalanan. Kung nagiguilty ka sa nangyari isipin mo si King. Siya yung nangahas na hamunin ka. Therefore, it's not your fault." Ngumiti siya.

Sa sobrang down ko ay napayakap ako sa kanya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. "Thank you Zhairon..." Sambit ko.

"I can be your knight at your darkest days Rie. Just call my fucking name." Napangiti ako.

Ito pala yung pakiramdam na may nag-aalala sayo....

"Rie?" Napakalas sakin si Zhairon. Napatingin ako kay Moon na ngayon ay nakatayo sa harapan namin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya. "No, Bakit nagyayakapan kayo dito?" Napatingin ako sa kanya.

"She feel so down and she need SOMEONE WHO WILL COMFORT HER." Sambit ni Zhairon.

Tumango si Moon. "So you're telling me that I can't comfort her?" Ngumiti si Zhairon.

"Wala akong sinabi." Sambit ni Zhairon.

"Kaibigan ko si Rie since we were young And she knows how much I care for her ngayon niyo lang siya nakilala." Sambit Ni Moon.

"So you're going to open it up?" Napatahimik si Moon pero ilang minuto pa at nagsalita na siya.

"Gumagabi na, you two should head back. Mauuna na ako Rie." Tinignan muna Ni Moon si Zhairon na parang may kuryenteng namumuo sa tinginan nila bago siya umalis.

"Tara?" Ngiti sakin Ni Zhairon tsaka hinawakan ang kamay ko bago kami bumalik sa mansyon.

Nang makapasok kami ay hinatid niya ako hanggang kwarto. "Goodnight..." Namumulang sambit ko.

"Sweetest Dreams Rie." Ngiti Ni Zhairon at tinakpan ang noo ko tsaka hinalikan.

"I hoped you dream of me." Ngiti niya at umalis.

Nang makahiga ako sa kama ay bumuntong hininga ako.

Damn it Moon....

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now