Prologue

164 9 2
                                    

Kanina pa siya papalit-palit ng pwesto sa higaan. Haharap siya sa kanan, kaliwa, at sa taas pero hanggang ngayon hindi pa rin siya makatulog. Tinakpan niya ang mukha niya ng unan sa inis. Tatlong oras na siyang ganito.

"Kahit ngayon lang please. Hayaan mo naman akong matulog." Nangigigil na sabi ni Marlowe.

Hindi niya alam kung natatakot ba siya dahil siya lang ang mag isa sa kwarto niya o hindi siya sanay sa lugar na tinitirihan nila ngayon. Pero para sa kanya mas maniniwala siya sa pangalawa dahil sanay na sanay na siya sa mga kakatakutan.

Baka naman nakokonsensya ka na?

Mabilis siyang bumangon at hinampas ang ulo niya sa naisip. Naiiyak siya sa dami ng iniisip at nararamdaman niya. Halo-halo ang lahat. Pakiramdam niya malapit na siyang mabaliw.

Umupo siya sa upuan at kinuha ang notebook niya.

Kahit hindi niya aminin halata sa itsura niya na takot na takot na siya sa mga nangyayari. Pakiramdam niya lahat ng sinusulat niya ay nagkaka- totoo.


'Anong alaala ang gusto mong ibaon sa limot?

Maraming magsasabi na gusto nila kalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanila. Gaya ng pagkamatay ng minamahal nila sa buhay, mawalan ng kaibigan o bagay na importante para sa kanila.

Ngunit para kay Isla hindi masasakit na alaala ang gusto niyang kalimutan. Gusto niyang kalimutan ang nangyari noong high school sila, sa retreat house na pinuntahan nila at sa taong nagawan nila ng masama.

Hanggang ngayon naalala niya pa rin ang mga nangyari noon. Hindi siya mabilis makalimot gaya ng iba niyang kaklase noon. Na pagkatapos ng lahat,  umarte sila na parang walang nangyari.

Paano ba sila nakakatulog gabi-gabi kung alam nilang may ginawa silang masama?

Hindi ba-'


Hindi natuloy ni Marlowe ang pagbabasa ng biglang namatay ang ilaw. Sa isang iglap nabalot ang buong kwarto niya ng kadiliman.

Muntik siyang mapatalon sa gulat pero buti na lang at napigilan niya ang sarili niya.

"Hindi ako takot!" Sigaw niya, yakap yakap ang sarili.

Nakakabulag ang kadiliman. Kahit anong bukas niya ng mata wala siyang nakikita kahit isang maliit na liwanag.

Kinagat niya ang labi niya ng marinig niya ang dahan dahang pagbukas ng pintuan. Umiling iling siya at gusto niyang bawiin ang sinabi niya kanina.

Pinakiramdaman niya ang paligid. Pinakalma niya ang sarili para maayos na gumana ang utak niya.

Katahimikan at kadiliman.

Pumikit siya at nakinig ng mabuti. Nagsimula na naman siyang kabahan ng makarinig siya ng hakbang na papalapit sa kanya.

Hindi siya gumalaw. Kasi ang madalas na gumagalaw at nagmamadali ang siyang unang namamatay.

Kailangan niyang magmukhang matatag kasi mas nagugustuhan niya kapagnakikita ka niyang natatakot.

Mas okay na sumunod at makipaglaro sa demonyo. Kung sinwerte baka magkakaroon ka pa ng konting chance na mabuhay.

Kaya huminga ng malalim si Marlowe bago nagsalita.

"Makakaalis ako rito at tatapusin ko ang 20 days. Tandaan mo yan."


END OF PROLOGUE

20 DaysWhere stories live. Discover now