Day 5: Favortism

71 5 3
                                    

Pagkatalo. Ang pinaka ayaw ni Livvy Dawson.

Bata pa lang siya lagi na siyang kino-compare sa iba. Laging sinasabi na mas magaling si ganito, si ganyan. Na dapat gayahin mo siya kasi sa tingin ng lahat yun ang maganda.

Ginawa naman niya lahat ng sinasabi ng iba. Nanguna siya sa lahat, sa ganda, talino, pagsayaw, pagkanta, at sa pagsusulat. Kahit mahirap nung umpisa pinilit niyang gawin ang mga bagay na ayaw niya para lang sa dalawang tao.

"Dapat sa susunod ikaw na ang makikita ko diyan."

"Galingan mo pa."

"Walang wala ka kila Marlowe at Zoe."

"Nagpabaya na naman."

Ang mama at papa niya.

Wala siyang ibang ginawa kundi ipakita na karapatdapat siya. Ngunit lahat ng iyun ay hindi nila napapansin kasi ang atensyon nila ay nasa kapatid niya.

Dalawa lang sila. At sa tingin ni Livvy ay mas magaling siya dahil kaya niyang gawin ang lahat. Hindi kagaya ng kapatid niya na mahina.

Livvy Dawson
5

Hindi niya masabi ang nararamdaman niya ngayon.

Para siyang apoy na kumakalat sa buong building. Habang tumatagal mas lalo siyang nagiinit sa galit at kumakalat.

Iniwas niya ang mukha niya ng maramdaman niya ang pagtulo ng luha niya.

Nagpabaya na naman.

Hindi niya na kaya.

Pagod na siya.

Tumingin siya sa salamin. Inaalala niya ang ginawa kagabi.

'Buong gabi siyang magisa sa kwarto niya. Hindi siya sumabay kumain gaya nung nakaraan. Mas gusto niyang maiwang mag isa at ramdamin ang mga nangyari.

Kasalanan naman niya ang lahat. Yan ang paulit ulit niyang sinasabi.

"Buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagkababa ng pagkatao ko. Nakakainis." Sabi niya habang nakabaon sa mukha niya ang unan na yakap-yakap.

Umiyak siya ng umiyak hanggang sa hindi na siya makahinga sa sipon. Nahihirapan siya dahil barado ang ilong niya at bunganga ang gamit niya para makakuha ng hangin.

Natigilan siya saglit. Tahimik niyang pinunasan ang luha niya, hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.

Patuloy ang pagiyak at paghinga.

Nanlaki ang mga mata ni Livvy. Hindi siya ang gumagawa ng ingay na yun.

Dahan dahan siyang lumingon pero walang ibang tao. Mga unan at headboard lang ng kama ang nakita niya.

Palibalik ulit siya sa kanina niyang direksyon pero tumigil siya ng may maalala. Madalas kasi nagpapakita kapag hindi mo inaasahan. Gaya ng pagtingin mo sa kaliwa, wala pero pagbalik mo saka siya lalabas.

Kahit wala siya sa mga horror movie, nararamdaman niya na baka mangyari ito.

Hindi niya tinuloy at sa halip ay tumingin siya sa gitna.

Pumikit siya. Makalipas ng ilang segundo unti unti siyang humarap.

Nakahinga siya ng maluwag ng wala namang kahit ano o kahit na sinong nagpakita sa kanya.

Tumigil na ang pagiyak at paghinga na naririnig niya kanina.

Natawa siya sa sarili. Tinatakot niya lang ang sarili niya at siya lang naman ang gumagawa ng ingay at pagiyak na kinakatakutan niya.

"Ikaw lang talaga ang gumagawa ng kinakatakutan mo." Sabi niya sa sarili.

Tumawa ulit siya saka tumingin sa paligid. Maayos ang buong kwarto niya.

Papikit niyang binagsak ang katawan niya sa kama. Napagod siya sa kakaiyak at gusto niya ng makatulog. Saglit niyang binuksan ang mata niya para tumingin ulit at sa pagkakataon na ito hindi na niya magawang makatawa. Naiyak siya sa takot at gulat. Hindi siya makagalaw sa pinagkakahigaan niya at wala na siyang ibang nagawa kundi sumigaw.'

Binuksan niya ang drawer at binasa ulit ang ginawa niya kagabi. Isa 'to sa mga plano niyang isulat para sa outline na pinagawa sa kanila noon tungkol sa exorcism. Malakas ang kutob niya na ang big project nila ay tungkol sa outline na yun.'

Kinuha niya ang isa pang papel na kulay black at gold ang design.

Binasa niya ulit kagabi ang invitation.

To: Livvy Dawson

You have been invited to attend the 20D Writing Workshop—together with the King of Shadow and the lady in Red.

When: August 20, 2018
Where: The Garden of Rojo, Retreat House.

Special offer:

All things needed are provided by the owner of the house.
-Foods, drinks, clothes and other toiletries.

Writing lessons
-writing exercises, structure, real life ideas, prompts, poetry, literature and many more.

Special effects
-sound effects, tricks, props making, make up tutorial, and editing.

If you are lucky in your project, have the viewers like your charcater. You can be a star.
-Your book will be published, have a movie, the company will make you famous, and they will organized everything for you.

This is once in a lifetime.

Guidelines:
1. You must stay there until the 20th day.
2. You must never say any information written in this invitation.
3. You must be aware of your surroundings.
4. You must be honest.
5. You must answer everything.

Note:
-Payment is around 5,250-8,000. Depends on your skill and perseverance. You must pay the minimum amount to the Lady in Red.
-You will be fetch by a black van with a driver wearing gold rings.
-When you met him say: Shadow and Red. (to confirm your invitation)

Dala-dala ang invitation, umupo siya sa kama. Tinignan niya ng mabuti ang ceiling, puti ito na may mga marka na pula. Mayroon ding gasgas ang na parang kinalmot ng isang halimaw. Alam niyang design yun ng bahay pero hindi niya mapigilang mamangha.

Tinaas niya ang invitation.

If you are lucky in your project, have the viewers like your charcater. You can be a star.

Hindi siya lucky at alam niyang hindi siya magugustuhan ng mga viewers sa ngayon.

Hindi alam ng lahat na umaarte lang pala siya. Sinadya ni Livvy na sumama sa mga babae na hindi makakabuti sa kanya, ipamumukha niya na nadamay lang siya sa lahat. Binago niya ang sarili, papanalita, kilos para magmukhang isa siya sa mga babaeng kasama niya ngayon. Tiniis niyang makipag-plastikan sa kanila at inalam lahat ng makakasira sa mga kasama niya ngayon.

Then she will reveal herself as a victim. Na wala siyang kasalanan sa lahat. Magmamakaawa siya para makuha ang simpatya ng mga tao at viewers, lalo na si Mang Lupe.

At pagdating naman sa project, day one pa lang ay nakaisip na siya. Ang kailangan niya lang gawin ay maayos ito ng mabuti.

Magandang drama.

Ngunit namomoroblema siya ngayon dahil sa siya ang may pinakamababang results at ang kaaway niya ang pinaka mataas. Ngayon niya napatunayan na nagbabase si Mang Lupe sa ugali nila.

Napapikit si Livvy at nagisip.

Lahat ng ito pinlano niya noong una pa lang.

Gagawin niya ang lahat para maging star.

Gagawin niya ang lahat para talunin si Marlowe.

In a world of drama
life's our stage
cover yourself with mascara
so that you can be save

END OF DAY 5

20 DaysHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin