Day 8: Past

90 6 0
                                    


"Okay ka lang Marlowe?" Tanong ni Hettie. Napansin niya na simula nung nag katabi sila Marlowe at Caroline, lagi siyang may malalim n iniisip. Hindi siya gaano nag sasalita at madalas lang siyang pangiti-ngiti.

Ngayon niya lang nakitang ganito ang kaibigan. At kahit alam niya na hindi siya magsasabi ng totoo, gusto niya pa ring itanong para iparating kay Marlowe na handa siyang makinig.

Pagdating naman kay Marlowe, hindi siya yung tipo na mahilig magkwento sa iba. Siya ang madalas na nakikinig at kung mag ku-kwento naman siya—iilan lang.

Akala niya na maloloko niya ang iba na ayos lang siya pero hindi pala.

"Hindi ko alam ang dapat kong isagot diyan, Hettie." Natatawang sabi ni Marlowe.

Playing safe. Wala siyang balak sagutin yun.

"Ayos lang." Tumawa rin si Hettie. "Bakit kaya may mga tao na pinagkakalat yung problema nila?" Tanong ni Hettie.

"Para sa attention?" Diretsong sagot ni Marlowe. "Para malaman nila kung sino yung may pake sa kanila. Kung sino yung magtatanong kung okay ka lang ba, magpaparamdam na magiging ayos lang ang lahat—pero ang totoo wala namang siyang nagagawa." Sabi niya.

"Sa tingin ko kahit simpleng salita, malaki ang matutulong nun sa taong nangangailangan." Pag defend ni Hettie. Ngayon nakita niya na hindi dependent si Marlowe sa ibang tao. Sinasarili niya yung pino-problema niya. Hindi gaya ng dati.

"Siguro nga." Sabi ni Marlowe.

Nagulat si Hettie ng biglang nagtanong si Marlowe. "Sa tingin mo, bakit may nga taong tinutulak palayo  ang taong nandiyan para sa kanila?" Tanong ni Marlowe habang nakatingin ng deretso sa mata ni Hettie.   

  Alam niya na para sa kanya ang unang tanong ni Hettie kahit binaliktad niya yun. Kaya binalik niya ang tanong na tungkol din sa sarili niya.

"Kasi hindi sila sanay na may taong nandiyan para sa kanila. O hindi nila nakikita na may taong nandoon para sa kanya." Dahan dahang sabi ni Hettie. "May iba naman na ayaw nila kasi natatakot na baka masanay sila at saka sila iiwan. Takot ma-  attach."

"True." Sabi ni Marlowe. "Pero hindi lang naman ata yan ang dahilan." Dagdag niya.

"Oo. Baka naman kasi may nagpapaalala sa kanya, kaya ganon. Something from the past is haunting that person forcing her to do something like that." Sagot ni Hettie. Nakaramdam siya ng tuyo sa lalamunan niya at napatingin siya sa kamay niya na nagsisimulang mamawis.

Seryoso? Ako dapat ang magtatanong pero ako 'tong nawawalan ng maisasagot. Sabi ni Hettie sa sarili.

"I see." Sabi ni Marlowe. "Is something bothering you?" Tanong ni Marlowe.

Tumawa si Hettie. "Ako dapat ang magtanong niyan." Sabi niya.

Got you. Sabi ni Hettie sa isip niya.

Napangiti si Marlowe.

Pero hindi lahat ng ngiti iisa ang gustong ipahiwatig.  Ngiti niya ay may halong gulat, at pag hanga kay Hettie.

Alam niyang alam ni Hettie na hindi siya magsasalita, kaya nagtanong siya para ang magiging sagot niya ay pagbabasehan ni Hettie.

Akala niya ayos na ang lahat dahil nagawa niyang makatanong kay Hettie, at mas maganda pa ay in-elaborate niya pa ang sagot. Kung padamihan ng information na makukuha sa iba, lamang si Marlowe dahil dinagdagan ni Hettie ang sagot niya.

Ang naging mali lang niya ay ang pagtatanong ulit na agad namang nabalik sa kanya.

Ang malala pa ay yun pa ang tanong na iniiwasan niya.





20 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon