Day 12: Secret

54 9 0
                                    


Tahimik silang nakaupo at nagsusulat. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Sari-saring libro ang na sa paligid na pwedeng gawan ng idea. Nagkalat din ang mga crumpled paper sa sahig.

Ganon ang ginagawa nila ng ilang oras hanggang sa sinabi ni Mang Lupe na umalis na.

"Sige tapusin niyo na yan sa labas. Simula ngayon hindi niyo na ipapasa sa box ang mga nasulat niyo. Magpapapasa lang ako sa day eighteen." Direderetsong sabi ni Mang Lupe.

"Ayon, oh."

"Salamat!"

"Sa wakas."

"Sige alis na. Alis." Sabi ni Mang Lupe.


"Madaling madali si Mang Lupe ngayon." Sabi ni Zoe.

"Oo nga." Sabi ni Marlowe.

"Pati rin kahapon. Napapansin ko na hindi siya gaanong nagsasalita. Hindi gaya ng dati." Sagot ni Hettie.

"Hi girls." Sabi ni Caroline saka kumindat.

Nagkatinginan naman si Marlowe at Hettie. Lihim na napairap si Hettie.

Naglakad si Marlowe papuntang living room. Nakasalubong niya si Zoe at Calvin na magkasama, nagkatinginan silang tatlo at ngumiti si Marlowe sa kanila.

Hindi niya nakita ang konting pagtango at pagngiti sa kanya ni Zoe.


"Mar." Tawag sa kanya ni Isla. Lumingon siya para harapin ang kaibigan.

"Bakit?" Tanong niya.

"Wala lang. Na miss lang kita kausap. Tara... usap tayo." Sabi ni Isla sabay pakita ng pagkain na madalas nilang kinakain dati.

Tinanggap naman yun ni Marlowe.

Mga dalawang oras silang nagusap tungkol sa kung ano-ano. Mga happy memories nila noon highschool at mga kalokohan nila.

Pagkatapos kasi graduation hindi na sila gaanong naguusap. Marami ng nagbago—lumalayo na sila sa isa't isa.

"Naalala mo ba nung retreat natin? Parang ganito rin yun." Sabi ni Isla.

"Oo. Buong set up ng bahay parang sa retreat house natin. Idagdag mo na sa isang bus tayo nakasakay papunta dito. Parang bumalik tayo sa dati." Sagot ni Marlowe.

"True!" Sabi ni Isla saka tumawa.

"Pero sana hindi naman maulit yung dati 'di ba, Isla?" Seryosong tanong ni Marlowe.

Nagulat si Isla sa sinabi ni Marlowe. Hindi niya inaasahan na bigla niyang uungkatin yung nangyari dati. Ang dahilan kung bakit nagkahiwa-hiwalay silang magkakaibigan ay dahil sa kanya.

Nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan noon dahil sa selos ni Isla. Gusto kasi niya na siya lagi ang atensyon na nakukuha ni Marlowe ng walang kahirap hirap.

Mas matagal siya at alam niya sa sarili niya na mas maraming siyang alam. Pero ng dumating si Marlowe inangkin niya lahat ng na kay Isla. Si Marlowe na ang iniidolo ng lahat.

Kaya naisipan niyang kaibiganin si Marlowe para makahanap ng pwedeng pang sira sa kanya. Ngunit hindi siya nagtagumpay, na realize niya na masyadong mabait si Marlowe. Hindi niya na tinuloy dahil mas gusto niya na siyang maging kaibigan.

Tumawa si Isla kay Marlowe. "Oo." Sabi niya.

"Good. Kasi uunahan na kita. Ngayon pa lang sasabihin ko na, na walang namamagitan sa aming dalawa." Sabi ni Marlowe.

Nalatulala si Isla.

"Kung yun man ang pinag-seselosan mo." Dagdag niya.

"Akala ko ba okay na? Grabe ka naman sakin Is. Hinayaan ko lahat ng mga sinasabi nila tungkol sayo kasi alam kong mabuti kang tao. Nagbingi-bingihan ako sa mga sinasabi mk tungkol sa akin pero hindi ko kayang palampasin na pati si Zoe idadamay mo." Sabi ni Marlowe.

"Ako ang nauna sa kanya, Marlowe. Pero anong ginawa mo..."—

"Hindi ko naman siya gusto. Talaga ba Isla? All this time siya lang pala ang dahilan." Sabini Marlowe.

"Hi-ndi mo siya gusto?" Tanong ni Isla.

Bago siya umalis hinawakan ni Isla ang kamay niya. "I'm sorry. Dahil lagi akong nandito para maki share ng spotlight sayo. Lagi akong nandito sunod ng sunod sayo." Sabi ni Isla.

"Marlowe patawarin mo ako please. Hindi ko sinasadya. Bigyan mo ulit ako ng chance please, nakikiusap ako." Pagmamakaawa ni Isla.

"Sawa na ako. Kung ikaw ang laging humihingi ng tawad, ako naman ngayon. I'm sorry Isla." Sabi ni Marlowe.

"Please!"

Huminga ng malalim si Marlowe. "Sige."

"Sige? Okay na?" Tanong ni Isla.

"Oo. Okay lang."  Sagot ni Marlowe.

Napatingin si Marlowe sa kanya saka yinakap. "Gaya nga ng lagi kong sinasabi: okay lang." Sabi ni Marlowe.

"Save mo na lang yang words mo sa susunod." Sabi ni Marlowe bago biya bitiwan si Isla.

Alam naman kasi niya na mauulit at mauulit lang ang ginagawa ni Isla. Magkabati sila, magaaway ng saglit, hindi magpapansinan ng matagal at magkakabati ulit. Paulit-ulit yang nangyayari noon.

Wala siyang magawa. Naging parte na ng buhay niya si Isla kahit away bati sila, natitiis namna nila ang ugali ng isa't isa.



"Yo." Bati ni Zoe.

"Yo." Gaya ni Marlowe. Binigay niya ang isang libro kay Zoe. Hinarap niya ang likod ng book, binaliktad niya ng konti ang kamay niya para itago ang thumb niya.

"Saan ba yun?" Pasimpleng tanong ni Zoe kahit alam naman niya.

Page four.

Pumunta siya sa four at nakita na may papel.

Okay na ako kay Isla. Nakausap ko na rin siya kanina at sinabi niya na susunod siya sa akin.

Kailangan lang natin na exact date kung kailan tatakas dito at  sagot nila Caroline at Livvy. Yung dalawang yun na halos walang pakialam kundi ang sarili at kasikatan.

Kumuha ng papel si Zoe saka nagsulat sinadya niyang patingin tingin sa libro para mah mukha na may kinokopya siya.

Good.

Sabi sakin ni Casper ayaw raw ni Caroline.

Hindi ko naman alam kay Calvin kung anong sabi ni Livvy lalo na siya ang top one ngayon, mataas ang chance na aayaw siya sa pagtakas natin. Iisipin niya na insecure tayo sa kanya, lalo ka na. Dahil nataasan ka niya.

Nagulat nga ako na napapayag mo si Isla pero inaasahan ko na rin kahit naman papaano may natitirang memories pa tayo—kayo pala. Since wala naman siyang ibang ginawa noon kundi i left out ako sa groupo.

"Yan yung mga nagustuhan kong lines." Sabi ni Zoe kay Marlowe. Nagpasalamat naman si Marlowe bago kinuha yung papel.

I never thought that we will help each other. Malinaw naman yung sinabi sa akin noon ni Isla tungkol sa invitation na kailangang mag compete.      Itong twenty days ay hindi lang tungkol sa mga natututunan. Tungkol ito sa kung paano naman ito gagamitin kaya kami nabibigyan ng mga exercise.       At ngayon hindi kapani-paniwala na gagamitin namin ito laban sa kanya. Sabi ni Marlowe sa sarili.

Siguro nga may mga bagay na alam natin sa sarili na hindi natin kayang ipakita sa iba.

Hindi nila alam na may nanonood pala sa taas nila.

Hindi sa monitor kundi mula sa butas ng ilaw. Nandoon ang isang taong na naka dapa.

Bumangon siya sandali saka naglakad papunta sa secret attic, pagkatapos niya sumilip kina Marlowe at Zoe. Rinig ang heels niya sa bawat pagtapak niya sa hagdan, dahan dahan niyang binuksan ang pintuan.

Maraming nakasabit na kung ano-ano. Paint, wig, make-up mga dolls na nakakatakot ang itsura, pictures, sirang speaker, sirang upuan at lamesa. Kahit nakapikit siyang maglakad sa buong attic hindi siya magkakamali o mauuntog dahil kabisado niya na ang buong lugar.

Pumunta siya sa dulo para tignan ang dalawang pinaka paborito niyang manika.

END OF DAY 12.

Note: Bakit four? Bakit nga ba.

20 Daysजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें