Day 6: Effects

54 6 2
                                    

Hindi sila ganon ka ingay habang kumakain ng lunch sa dining area. Kung dati maraming boses ang naririnig na naguusap, ngayon ay mga lalaki na lang. Nagaasaran na naman sina Gio, Calvin at Casper.

Ang ibang babae naman ay tahimik at nakikiramdam, wala ni isa sa kanila ang gustong magsimula ng mapaguusapan.

Napansin yun ni Mang Lupe kaya mula sa taas ay kumuha siya ng ballpen at papel na ihahagis niya ulit sa baba.

Napapanood niya lahat ng nangyayari. Pinili niyang manahimik para tignan ang mga participants niya. Patas ang pagbigay niya ng grado kaya alam niyang walang pwedeng mag tanong sa naging resulta. Hindi niya matatanggi na magaling talaga si Marlowe, palakaibigan at magalang lalo na kay Aling Leonora.

Hindi kagaya ng ibang participants na walang ibang ginagawa kundi tawanan at gawing joke lahat ng sinasabi ni Aling Leonora.

Hindi lang sa gawa nagbabase si Mang Lupe. Tinitignan niya ang kilos na pinapakita ng mga participants.

Pagkatapos niya magsulat ay nilukot niya ang papel at saka tinapon papuntang dining area. May butas ang buong bahay na hindi halata. Doon niya balak itapon ang mga papel at para may komunikasyon siya sa mga participants.

Napatingin si Livvy sa taas at nakita niya ang mabilis na pagtaas ng ilaw at pagbaba nito may papel na sumama. Nahulog ang papel at gumulong malapit sa pwesto niya.

Kinuha niya 'to at binuksan.

May problema ba kayo ngayon participants?

Humihingi ako ng tawad sa kawalan ng signal dito. Wag kayong magalala at gagawin ko yan ng paraan.

—Mang Lupe.

"Guys tignan niyo." Inabot ni Livvy ang sulat at binasa nila.

"Omo. Saan yan galing, sis?" Tanong ni Hettie.

"Nahulog galing sa taas." Sabi ni Livvy.

"So nakikita niya lahat ng ginagawa natin." Sabi ni Marlowe.

"Oo! Alam niyo ba hinagisan din kami ng papel ni Mang Lupe para sabihin na ayaw niya ako maging ka tropa." Pagmamayabang ni Casper.

"Sad life, Casper." Sabi ni Gio.

"Kahit naman ako ayaw kita maging ka tropa." Sabi ni Calvin sa kapatid.

Napatingin si Gio sa lamesa nila. Napansin niya na wala na ang prutas na galing kay Aling Leonora noon. Hindi na rin gaano dumadalaw si Aling Leonora sa kanila kaya nagaalala si Gio sakanya dahil matanda at mukhang mahina.

Aminado siya na masama siya kay Aling Leonora dahil sa paglait, pangaasar at panggagaya niya sa matanda pero hindi niya maiwasan na hanapin ang presensya ng matanda.

"Maraming Salamat, iho." Seryosong sabi ni Aling Leonora.

Naalala niya kung paano niya tinutulungan ang matanda sa mga pagbubuhat ng prutas. Mga oras na nararamdaman niya na may silbi siya dahil pakiramdam niya umaasa sa kanya si Aling Leonora.

Pakiramdam kasi ni Gio na wala siyang pakinabang. Hindi man ganon kasaya ang buhay niya ngayon, nagpapasalamat siya dahil kahit paano ay may taong matatawag niyang magulang -na kumupkop sa kanya.

"Hindi na maganda 'to." Bulong ni Quinn.

Pagkatapos nila kumain ay agad silang pumunta sa library. Hindi na sila naliito ngayon sa pasikot-sikot ng buong bahay dahil may nadiskubre silang guide para hindi sila malito. Madalas madilim ang bahay at ang mga ilaw ay nanggagaling sa mga kwarto, kaya pagdating sa hallway madilim.

20 DaysWhere stories live. Discover now