Day 14: Traitor

38 6 0
                                    

"Ang init." Sabi ni Hettie.

"True. Kagabi pa pala nawalan ng kuryente. Hindi ko man lang napansin." Sabi ni Marlowe.

Nakaupo sila ngayon sa dining table para mag breakfast. Nakaupo na silang lahat ng magtinginan sina Hettie at Marlowe.

Dinaan na lang nila sa ngiti ang lungkot ng mapansin nila na wala na si Caroline.

Walang nagsalita sa kanila. Tuloy tuloy lang pagkain, iniiwasan ang tingin.

Tuloy pa ba? Or joke joke lang yung planong pagtakas?

Abot ni Casper. Nilakihan niya ang sulat niya para mabasa ng lahat. Nagpasalamat sila dahil na natiling tahimik si Livvy sa isang tabi.

Baka naman hindi matuloy tuloy kasi may isang ayaw naman talaga umalis at gusto lang tayo ilaglag.

Magulo ang sulat ni Hettie pero basa pa rin. Nilagay niya pasimple sa gitna para makita, pinagpasa pasahan nila at saka nila tinitigan ang isa't isa.

Agree ako Hettie. Kaya sa tingin ko mas mabuti muna kung wala tayong pagkakatiwalaan sa ngayon.   

Sulat ni Marlowe.

Tumango sila.

Si Livvy naman ay pangiti ngiti sa isang tabi habang nakatingin kay Zoe.

"Tulong!" Napalingon sila ng makarinig ng isang pamilyar ng boses.

Nagsitayuan sila at tumakbo papuntang swimming pool.

"Ashley!" Sigaw ni Livvy. Linapitan niya agad si Ashley na naka dress ng kulay pula, mahaba na lumampas pa sa paa niya. Naka braid ang buhok niya palikod at naka make up na para bang manika.

"G-uys kailangan niyo na uma-lis." Nanghihinang sabi niya. Humawak siya sa dibdib habang naluluhang tinitignan si Livvy na nakahawak sa kanya.

Hindi pantay ang pagtayo niya dahil naka heels ang kaliwang paa niya.

"Anong problema? Saan masakit?" Sunod sunod na tanong ni Hettie.

"Hindi siya makahinga." Sagot Ni Zoe.

"Sandali buhatin natin siya papunta sa bench." Suggest ni Calvin.

"A-kala ko tumakas ka?" Tanong nj Casper habang buhat buhat si Ashley sa paanan. Maingat nilang ibinaba si Ashley sa upuan.

"..lamat." Mahinang sabi niya. Kahit nakaayos siya halata sa mata niya na hindi biro ang pinagdaanan niya. Kita ang mga peklat, sugat at mga linya sa braso niya na tinakpan ng make up. Namumulang linya galing sa lubid, sinabi niya na tinali siya.

"May umatake, kinulong niya ako. Sabi niya alam ni Mang—" Natigil siya sandali. "Sinungaling ako. Oo nagkama-li pe-ro nag s-orr-y ako." Putol putol niyang kwento.

"Anong pagkakamali yun?" Tanong ni Zoe.

"Anong signs ang pinapakita sayo ni Mang Lupe?" Tanong ni Marlowe.

"Guys, shut up muna! Nahihi—" Hindi natuloy ni Livvy ang sinasabi niya ng biglang tinakpan ni Casper abg bibig niya.

"Hindi ako nag-bayad! Kada gabi may pinapaki-tang p—era. Pinaparandam yung utang ko." Sagot ni Ashley na nagpatuloy sa pagiiyak.

"Lagi akong tinatakot tuwing mag isa ako sa kwarto ko. Bigla na lang namamatay yung ilaw, may naririnig akong ingay at kung minsan pa bigka na lang may dadating na pera.   Alam kong mukha akong pera noon, pero matagala na yung tapos.  Pinapaalala lagi sakin yung mga nagawa ko noon kaya nilalayo ko yung sarili ko sainyo sa takot na baka iwasan niyo ako pag nalaman niyo yung tunay na ako." Mabilis na sabi niya para bang nag ra-rap siya gamit ang mahina niyang boses.

20 DaysWhere stories live. Discover now