Epilogue

56 4 4
                                    

"Bigyan niyo band aid. Masakit sa kamay yun." Sabi ng assistant niya.

"Ito po maam. Congrats po." Sabi ng babae na nag abot sakanya ng band aid.

"Salamat."

Katatapos lang ng booksigning event niya. Maraming dumating at nag pa picture sa kanya. Halos napuno ang buong venue ng mga taong iniidolo siya.

Maraming stock ng mga libro  na sinulat niya noon. Pwede pang gawan ng tower kapag pinagsama sama. Nag libro na yun ang pinipirmahan niya kanina at ang pamagat:

20 Days

Masaya siya sa nakikita.

Matagal niya na itong pinaghirapan at pinagisipan ng mabuti, bago pa siya napilitang sumama sa 20D.

Proud siya sa naging bunga ng paghihirap niya. Gabi-gabing pagbababad sa laptop niya para magsulat, minsanang pagkain at pagpahinga at pati buhay niya sa labas ng bahay ay pansamanthala niyang kinalimutan habang sinusulat niya ang 20 Days.

Pakiramdam niya ang mga nangyari sa librong sinulat niya ay nagkatotoo. Minsan naiisip niya na kaya tinatangkilik ng mga readers niya ang libro ay dahil pakiramdam nila ang mga characters ay totoo, kahit pa ang mga editor at designer niya yun ang comment.

Tungkol kasi sa isang writing workshop ang 20D kung saan may labing tatlong manunulat ang tumira sa iisang bahay.

"Miss M! Pwede pong mag pa pic?" Singit ng isang fan niya.

"Sorry pero tapos na-" Pigil ng assistant niya sa babaeng nagtanong.

Napatingin siya.

"Wag. Okay lang." Pagpipigil ni Marlowe.

"Halika." Tawag niya sa babae.

Tinitigan niya ng mabuti ang babae. Hindi niya alam pero mukha siyang pamilyar. Inaalala niya kung saan niya nakita pero hindi niya kaya. Marami na kasi siyang nakikitang mukha araw-araw. Lalo na ngayong sikat siya bilang isang magaling na writer at pagkatapos ng ilang buwan ay mapapalabas ang kwentong sinulat niya.

Si Marlowe Miller ang tinanghal na star sa 20D.

Mabilis siyang bumangon at hinampas ang ulo niya sa naisip. Naiiyak siya sa dami ng iniisip at nararamdaman niya. Halo-halo ang lahat. Pakiramdam niya malapit na siyang mabaliw.

Umupo siya sa upuan at kinuha ang notebook niya.

Kahit hindi niya aminin halata sa itsura niya na takot na takot na siya sa mga nangyayari. Pakiramdam niya lahat ng sinusulat niya ay nagkaka- totoo.

Hindi niya pinasa ang manuscript niya noong araw na binigay ng resulta dahil nakaramdam siya sa sinabi ni Mang Lupe.

Mababawi niyo ulit yan sa day 18, three days from now. Kaya alalahanin niyo.

Simula nun patago niyang tinatapos ang gawa niya at pinasa niya noong day 17. Hindi naman siya gaanong nahirapan dahil kampante siya na mabilis niya itong matatapos.

Kaya kahit masakit ang buong katawan niya mula sa pagkakahulog, lumaban siya.  Dahil yun lang ang alam niyang oras na hindi nila inaakala ng lahat na makakapag pasa siya.

Pumunta siya ng patago sa pinto ng library saka nilapag niya sa harapan ang manuscript. Tumingin siya sa camera at kumaway kaway para mapansin siya.

Nasagot naman lahat ng paghihirap niya dahil may dumating na lalaking naka mask ang tumanggap ng manuscript niya. Kahit tapos na siya sa project, kailangan niya pa ring manatili sa loob ng bahay. Kaya simula nun kampante na si Marlowe.

Naligtas siya sa ikaw 20th day.

Malabo ang mga nangyari noon at ang tanging naalala niya lang ang pagkasabog ng isang lugar at pagsugod sa kanya sa hospital.

Pag gising na lang niya ay na sa tabi niya na ang mama niya habang yakap yakap siya. Saka dumating ang isang lalaki na nagpakilalang ML, na may hawak na mga papel, isa siyang  manager ng isang publishing company at kinukuha si Marlowe dahil sa gawa niya.

Nagkasundo sila sa ospital at may pinirmahan siyang kontrata.

Pagkatapos nun tuloy-tuloy na ang biyayang natatanggap niya.

"Miss M?" Tawag sa kanya ng babae.

"Ah sorry." Sabi niya. Nilabas ng babae ang phone niya at saka sila nag selfie.

Pagkatapos nun may kinuhang camera ang babae saka tinapat sa kanila.

"Hi guys! Welcome back to my youtube channel. Marlowe is with me. Yay!" Sabi ng babae habang kumakaway sa camera.

Nagulat silang dalawa. Nagaalalang nakatingin ang assistant ni Marlowe sa kanya.

Konti lang kasi ang nakakaalam ng tunay na pangalan ni Marlowe.

Parte ng kontrata ang hindi pagkalat ng totoong pangalan niya. Kaya sa loob ng limang taon, MM ang ginagamit niyang pangalan.

Pagkatapos kumuha ng clip ng babae. Binalik niya ang camera sa bag niya bago nagpaalam kay Marlowe.

"What's your name?" Tanong ni Marlowe.

Nalungkot ang babae. "I'm Caroline." Sabi niya.

"Hindi mo na ba ako natatandaan?" Tanong niya.

Hindi nakapagsalita si Marlowe. Para bang nalunok niya ang dila niya at nawala lahat ng salitang natutunan niya.

Mas lalo pa siyang natahimik sa mga susunod na sinabi ni Caroline.

Tumawa si Caroline.

"Chill. Ikaw naman, parang wala tayong pinagsamahan. Siya nga pala, ito invitation para sa wedding party ko." Sabi niya.

Napatingin si Marlowe sa isang puting invitation. Pula ang kulay ng font na may sulat na numerong:

20

"Isn't simple?"


END OF EPILOGUE.


Note:

Yay!

Thank you very much.

Stay tuned para sa message part.

IV hearts you all.

20 DaysWhere stories live. Discover now