Day 2: First encounter

96 7 0
                                    


Maaga pa lang ay nakahanda na sila ng makakain. Nagtipon tipon na sila sa dining area at sabay sabay na nagdasal. Si Isla ang nag lead ng prayer.

"Amen." Sabi ng lahat.

Kumakain sila ng biglang dumating si Leonora. Nakaayos ang buhok niya at nakapula na naman siya na dress. May bitbit na mga prutas at isang payong na kulay pula.

Saglit silang natigilan bago nila binati si Leonora.

"Magandang umaga po Aling Leonora."

"Ayos lang ba kayo? Ito mga prutas na binili ko. Pagkatapos niyo kumain dumiretso kayo sa library, bahala kayo maghanap kung saan 'yon." Sabi niya.

"Sige paalam. Dadalaw ako mamaya. Tuwing tanghalian, hapunan at sa gabi." At saka siya umalis.

"Ganun na lang?" Natatawang sabi ni Gio—ang tumulong kay Marlowe kahapon.  Isa siya sa mga makukulit. At kakulay ng buhok niya ang damit ni Leonora. Na ang laging pang asar ng kambal sa kanya.

"Ang sama mo naman sa mama mo Gio." Sabi ni Calvin. Ngumuso naman si Casper at umarte na naaawa.

"Mama ka diyan?" Sigaw ni Gio. Nag echo ang boses niya sa buong dining room.

Tawang tawa sina Calvin at Casper. Sabay nag apir. Kambal ang dalawa at sobrang magkamukha, ang pinagkaibahan lang ay may salamin na suot si Calvin.

Kawawang Gio. Hanggang ngayon siya pa rin ang target ng dalawang kambal.

Kung gaano kasaya ang mga lalaki, ibang iba naman sa mga babae. Seryoso silang naguusap tungkol sa lugar na 'to.

"Hindi ko alam pero kinikilabutan talaga ako sa bahay na 'to." Sabi ni Ashley.

"Oo lalo na kay Aling Leonora. Gosh. Akala ko halimaw yung kumakatok kagabi siya lang pala. Nangko-collect ng payment. Like hello? Gabing gabi na po." Pag sa-sangayon ni Hettie.

Hindi kagaya ni Ashley na simple manamit si Hettie ay may pagka kikay. Umagang umaga naayos na siya ng buhok at may makeup na. Naka pink siya na shorts at black na tshirt.

Napatingin si Marlowe sa kanila. At nag tanong. "Kagabi siya nag collect? So lahat kayo nakapagbigay na?"

Sabay-sabay silang tumango.

"Marlowe right?" Tanong ni Hettie. Tumango naman si Marlowe.

"So hindi siya kumatok sa room mo kagabi?" Tanong niya ulit.

"Oo. Na sa room twelve nga pala ako. Baka nakalimutan niya lang kasi malayo. Bigay ko na lang mamaya." Sabi ni Marlowe.

Inisip niya kung sinadya ba yun ni Leonora o nakalimutan lang talaga siya daanan.

Iba-iba ang kwarto nila pero malapit si Marlowe sa dalawa niyang kaibigan. Room ten si Isla at nine si Zoe. Kanina pa siya pa tingin-tingin kay Zoe na hanggang ngayon ay nanahimik sa tabi niya.

Napatingin siya kay Gio na nakatingin sa kanya. Nang makita siya ni Gio bigla na lang siyang  kumindat. Umiwas agad si Marlowe para itago ang ngiti niya.

Hindi niya alam na kanina pa pala siya tinitignan nang apat na babae sa dulo ng lamesa. Kasama na sa kanila si Isla Torres.

Pagkatapos nila kumain nag volunteer ang mga lalaki na maghugas ng plato. Kahit may pagka maloko sila alam nila kung kailan dapat mag seryoso lalo na sa gawaing bahay.

Sama-sama nilang nilibot ang buong bahay. Nakakalito dahil halos parehas  ang mga pintuan at ang designs. Ang may pintuan lang sa loob ng bahay ay ang mga kwarto. May thirteen na kwarto, anim sa kaliwa at kanan at ang isa ay nasa dulo.

20 DaysWhere stories live. Discover now