Day 20: Finale

47 4 0
                                    


"Will you stop following me?" Inis na tanong ni Livvy kay Isla.

"I have to make sure that Marlowe is fine." Bulong ni Isla. "Alam mo ako lang ata yung tao na hindi ka kayang patayin." Sabi ni Isla.

"Wow, ah. Should I say thank you?" Sarcastic na sabi ni Livvy.

"No. Kasi pwedeng magbago yung isip ko lalo na kapag nagkaharap harapan na tayo nila Flintorine." Sagot ni Isla.

"May plano ka ba?" Bulong ni Livvy.

Napangiti si Isla. "Planong patayin ka? Meron." Sagot niya.

Napairap na lang si Livvy.

Wala na siyang magagawa. Kung ayaw magpakita ni Marlowe sa kanya, panigurado siya ang mamamatay. Kahit hindi niya sabihin, nagpapasalamat siya kay Isla dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin siya pinapatay.

Gusto lang naman niya maging number one. Buong buhay niya wala siyang pwesto kundi pangalawa. Lagi siyang kino-compare noon, kinakaawaan at ayaw niyang nangyayari yun.

Sa sobra niyang paghahangad na makataas, nakakalimutan niya ng mahalin ang sarili niya.

Napaisip siya ulit.

Kaya ko ba talagang patayin si Marlowe?

"Nakita niyo ba si Marlowe?" Bungad na tanong ni Gio.

Walang sumagot ni isa sa kanila.

"Hindi ko naman siya papatayin." Sabi niya. "Look. May galing na namang papel sa taas sinasabi na kailangan nating pumunta sa room twelve." Sabi niya sabay pakita ng papel.

Crumpled ang paper. Masyadong madumi at maraming sulat-sulat. Basa ang word na dead, at iba pang letters sa gilid papel. May numbers pa na 00:00.

Kitang kita ang sulat sa gitna gamit ang pulang marker.

Particpants go to room twelve. ASAP.
-Mang Lupe

"Sure?" Tanong ni Livvy.

Tumango si Gio

"Sa room twelve naka assign si Mar. Baka nandoon siya." Sabi ni Isla.

Kung tinitigan lang sana nila ng mabuti. Makikita nila ang tunay na mensahe ni Mang Lupe.

PROJECT: Deadline (00:00) today

-

23: 30

"Tatakas ka na lang ba palagi, Marlowe?" Tanong ni Flint. Naka cross legs siya at nakaupo malapit sa salamin ni Marlowe.

Naguguluhan si Marlowe.

Tumahimik sandali si Flint.

"Hindi ko gets. Pumasok ka nga rito. Tatawagin ko na lang yung mga natira." Biglang sumbat ni Flintorine.

Bago naglakad palabas ng pintuan.

Gumapang si Marlowe papunta sa ilalim ng kama niya. Ang lugar na lagi niyang pinagtataguan. Lalo na kahapon ng maraming pwedeng mag patayan, tiniis niya hirap at gutom niya. Hinayaan niyang matakot siya ng magisa, umiiyak siya ng tahimik. At sobra ang kaba niya lalo na ng pumasol si Gio sa kwarto niya, alam niya na balak na siya nitong patayin buti na lang at hindi naisipan ni Gio na tumingin sa ilalim ng kama.

Nagtataka si Marlowe kung may naghahanap ba sa kanya dahil pakiramdam niya wala.

"Nag enjoy ka naman?" Tanong ng isang babae.

20 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon