Day 10: Make-up

50 7 0
                                    




"Hindi excuse ang problema niyo para hindi kayo makagawa ng task." Sabi ni Mang Lupe.

Nakayuko sila. Nahihiya dahil alam nila na may pagkukulang sila. Para bang sinusubok sila ng tadhana at malaman kung kaya ba nilang pagsabayin ang mga responsibilidad.

Gusto ni Mang Lupe na turuan sila ng time management.

Kailangan kasi araw-araw silang magsusulat para sa novel nila. Maraming elements ang kailangan at mukhang mahihirapan silang ipag-connect lahat ng ideas. Lalo na nanggagaling sa tula na sinulat nila ng libre at outline na binigay noong nakaraang araw.

"Kung ayaw niyo sumunod, ayos lang naman. Hindi naman ako ang mapapahamak, hindi naman ako magiging mababa." Sabi ni Mang Lupe.

Binigyan sila ng dalawang oras para ituloy ang mga sinusulat nila.

Walang nagsasalita at halos lahat sila may hawak na papel at lapis. Hindi sila pwedeng gumamit ng computer. Kaya kahit masakit sa kamay tinitiis nila.

Tuloy-tuloy ang pagsusulat nila hanggang sa mag break time.

Sandali silang kumain ng snacks.

Nakikiramdam sila sa isa't isa. Walang nagsasalita.

Simula nung umalis si Quinn hindi na nila siya nakita sa bahay. Sinubukan nilang tanungin si Mang Lupe pero wala siyang binibigay na maayos na sagot.

Patagal ng patagal lumalayo ang loob nila sa isa't isa. Hindi kagaya nung mga unang araw na masaya at walang problema.

Nakatingin si Marlowe kay Gio na nasa sulok. Nagbago ang ugali niya hindi na siya ganun ka sigla gaya ng dati. Hindi na siya madalas nakikipag biruan kila Casper at Calvin.

May hinala si Marlowe na baka nasaktan siya sa pagkawala ni Aling Leonora. Siya kasi ang isa sa mga laging kausap ni Aling Leonora, lalo na kapag nagpapadala siya ng prutas. Nandoon si Gio para tumulong.

Nagsalita si Gio. "Anong balak niyo pagkatapos ng twenty days?" Tumingin siya sa mga kasama niya.

"Oo nga, 'no?" Sabi ni Casper.

"Actually walang wala na ako nung oras na nakuha ko yung invitation. Para bang nagising ako ng isang araw na nawalan na ng gana sa pagsusulat. Yung mga bagay na gusto kong gawin, hindi ko magawa. Nakakainis kasi hindi na ako gaya ng dati. Kaya nung nakita ko ang invitation, sabi ko sa sarili ko: I will take the shot." Sabi ni Hettie.

"Siguro pagkatapos nito babalik ulit ako sa pagsusulat gaya ng dati. Kahit ganito dito, aaminin ko na marami akong natutunan. Dagdag ni Hettie.

"Oh. Relate ako sayo Hettie. May mga bagay talaga na gusto mong tigilan pero hindi mo magawa. Mapapagod, oo. Magsasawa, oo. Pero hindi ako dapat susuko." Sabi ni Livvy.

"Tama." Sabi ni Calvin.

"Tuloy tuloy lang hanggang sa marating mo yung goal mo." Sabi ni Livvy habang nakatingin kay Marlowe.

"Parehas pala tayo na wala bago makuha yung invitation. Nung dumating sa akin yun ang saya saya ko kasi sawakas may matutuluyan akong bahay." Sabi ni Caroline. Tumawa siya para sabihing ayos lang siya. "Puro kasi problema sa bahay simula nung dumating siya." Bulong niya.

"Hala." Sabi ni Casper.

"Ikaw?" Tanong ni Caroline para maiba ang usapan.

"Para makabawi." Maikling sagot ni Casper.

Nagkatinginan sina Calvin at Casper.

"Alam niyo maganda 'to." Sabi ni Marlowe. "Yung nagshe-share tayo ng experience. Dito natin mas nakikilala at naiintindihan ang isa't isa." Sabi niya.

20 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon