Day 13: Escape

34 7 0
                                    

"Sis sorry pero I'm out." Sabi ni Caroline kay Livvy.

"You're out?" Tanong ni Livvy. Nakataas ang kilay niya na nanaray kay Caroline.

"Oo.  Sorry hindi ko na kaya.  Gabi-gabi akong hindi makatulog, laging may gumugulo sa akin." Sabi ni Caroline.

"Gumugulo? Na sa isip mo lang yan. Sanay tayo sa dilim dito, lahing may gumugulat sa atin na sounds at madalas patay sindi ang ilaw. Kaya anong sinasabi mong may gumugulo sayo?" Pasigaw na tanong ni Livvy.

"Oo okay lang yan kasi magkakasama naman tayo. Pero pag nasa kwarto na madalas akong nakakarinig ng iyak ng bata! Natatakot ako, na-" Huminga siya ng malalim. "Nakokonsensya ako." Sabi ni Caroline.

Tuwing nakakarinig siya ng iyak ng bata naalala niya ang batang iniwan niya noon.

Mahilig kasi silang mag camping ng buong pamilya niya. Parents niya kasama ang kapatid niyang lalaki.

Isang gabi gumising siya at naisipan niyang maglakad lakad.

Madilim ang paligid  at galing lang sa flashlight niya ang ilaw. Hindi siya natatakot maligaw dahil sigurado siya na alam naman niya ang daan pabalik.

Puro malalaking puno ang nadadaanan niya. Mga dahon na nahuhulog at may nga bato na nagkalat sa kung saan saan.

Malamig ang paligid.

Amoy niya ang lupa na kakagaling lang sa basa. May mga patak ng tubig ang mga dahon na nadadaanan niya.

Nakarinig siya ng iyak ng sanggol. Habang naglakakad siya mas lumalakas ang iyak.

Nakita niya ang isang sanggol na naka tali ang kamay. Sa awa niya kinuha niya at yinakap.

Tinangka niyang itakas ang bata ng  makarinig siya ng putok ng baril. Sa sobrang gulat niya ay napatalon siya at nabitawan niya ang hawak.

Napamura siya sa gulat saka humingi ng tawad sa sanggol.

Bago niya pa mapulot ang sanggol naka rinig siya ng hakbang na papalapit sa kanya. Tinakpan niya ang  bunganga ng bata para hindi siya makagawa ng ingay.

Naiiyak silang dalawa sa takot.

-

"Seryoso? Past is past! Sigurado naman ako na nakalimutan na yun ng lahat. At saka hindi mo naman kasalanan na iwanan ang baby na kakakita mo pa lang." Sumbat ni Livvy.

Hindi makapaniwala si Caroline. "How dare you! Hindi ko ako kilala. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Oo matagal na yun pero tuwing nandito ako—mag isa sa kwarto. Lagi kong naaalala.     What if—"

"Paanong hindi mo maalala? Hindi ba tungkol naman sa baby na sinaniban ang story mo at alam kong base yun sa  nangyari sayo!   Kaya wag mo akong ma how dare you diyan. Akala mo kung sino—" Galit na sabi ni Livvy.

"What if scripted lahat ng nandito, alam nila lahat ang tungkol sa atin alam kong napapansin niyo yun, to the point na tinatakot na tayo gamit ang mga nakaraa—" Pagtuloy ni Caroline sa sinabi niya bago siya inunahan ni Livvy.

Ngayon niya lang napansin na nakatingin pala sa kanya halos lahat ng participants.

"Ano?" Galit na tanong ni Caroline sa mga nakanood sa kanila.

Kumalma si Livvy. "What I'm trying to say is subukan mo lang intindihin mga nangyayari. Sure naman ako na lahat may explanation, 'di ba?" Tanong ni Livvy.

20 DaysWhere stories live. Discover now