Day 17: I'm the best

33 4 0
                                    

"Flintorine! Nawawala ang mga papel na kinuha ko." Sabi ni Lionelle.

"Tigilan ko nga ako." Sagot ni Flintorine.

"Argh." Sigaw ni Lionelle na napairap.

Ginaya naman siya ni Flintorine.

"Oh noes." Sabi ni Flint. Habang nakatapat sa monitor.

Nakaita niya sa camera ang isang lalaki. "Si Mang Lupe!" Turo niya napatingin naman si Lionelle.

"Si Mang Lupe!" Gaya naman ni Lionelle. "Sa tingin mo siya ba talaga yan? My gosh Flint." Sabi ni Lionelle.

"Oh edi wow." Sagot sa kanya ng kapatid.

"Hindi ka na natuto! Ilang beses ka ng nagkakamali." Sabat sakanya ni Lionelle.

"Aba. Kung umasta ka akala mo isa ka sa mga uhaw sa kayamanan na nasa baba. Kailangan ko maging perfect. Kailangan kaawaan nila ako. Kailangan favorite nila ako. 'Di ba?" Tanong sakanya  ni Flint.

"Hi—"

"Kasi ano? Bumait ka lang naman nung nalaman mo na hindi ko totoong nalason si Mang Lupe.  Nagiging plastic ka na rin kasi alam mong pati tayo na nag mo-monitor ay nakikita niya." Tuloy tuloy na sabi ni Flint.

"Hindi naman tayo kasama sa results in the first place! Kaya anong pinupunto mo?" Depensa ni Lionelle.

"Yan. Yan nga ang lagi kong sinasabi sayo. At ang punto? Gusto ko lang malaman kung gusto ko pa ba ituloy ang plano, para sayo naman yung ginagawa natin." Sagot ni Flintorine.

"Ang pagpatay sa isang inosenteng matanda, paglason sa isang tao, paggulo sa mga participants, paggamit ng isang tao para pagtakpan, pag trap sa kanila sa library para mapilitan silang tumalon at magmukhang tumatakas?" Mahinang tanong ni Lionelle.

Hindi na lang siya pinansin ni Flintorine.

'Nagsalita ang mabait. Parang hindi niya kinuha sina Ashley at Quinn. Kinulong sa attic, binihisan para magmukhang manika na pinaglalaruan niya lang. Ang kapal din ng mukha na isisi sa mg nagawa naman ang pagsaksak ni Ashley sa sarili niya—hindi naman ako ang kumausap sa kanya.'  Sabi ni Flintorine sa sarili.

Hindi na siya nakatiis sa galit niya kaya minabuti na lang niyang umalis. Baka may masabi pa siyang hindi maganda.

Lumingon siya kay Lionelle na nakatalikod mula sa kanya. Nakayuko at nakaupo sa isang upuan, harapan niya ang mga monitor.

'Maayos na ang plano nila dahil may nagpakita para pigilan ang mga participants sa baba. Paniguradong mababawas ang points nila.' Sabi ni Flint sa sarili bago kumendeng-kendeng palabas.

Kahit ba-bakla si Flintorine maayos at maganda ang pangangatawan niya. Nahilig siya sa action movies noon kaya nagsumikap siya sa larangan ng martial arts.

Napairap na lang siya bago niya sinarado ang pinto. Hindi niya alam na ang nakayuko niyang kapatid ay kanina pa nagpipigil ng ngiti.

-

Flashback: Retreat House

"Napapayag ko na siya." Sabi ni Zoe.

"Nice, nice. Kailan daw niya gagawin?" Tanong ni Marlowe.

"Mamaya. After ng misa." Sabat ni Isla.

"Sige. Sasabihin ko lang silang lahat. Para smooth ang presentation." Sabi ni Zoe.

-

"Hawakan niyo kamay saka paa." Sigaw ng kaklase.

Natigil sa pagwawala si Lionelle ng napatakan siya ng holy water sa mata. Natatawa niyang pinatirik ang mata niya saka nagsisisigaw ulit.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Anna Aleicamana— adviser nila. Na sa kaliwa niya si Casper na takot na takot.

"Maam sinasapian!" Sigaw nila.

Napatigil saglit si Lionelle hindi niya inakala na may magsusumbong. Ang usapan lang kasi sa kanila ay walang makakarating sa mga matatanda. Hindi niya tuloy alam kung itutuloy niya pa o hindi.

Pinalaki niya ang mata niya saka tumawa ng paulit ulit. Yung tawa na may masamang tingin at ngiti. Natatawa siya sa mga itsura ng kaklase niya.

Kung akala ng lahat na titigil siya dahil may nagsumbong, nagkakamali sila. Unimpisahan ito ni Lionelle at siya rin mismo ang tatapos.

Plano kasi nila pagtulungan si Marlowe. Para sa kanila masyadong mabait at matalino si Marlowe—masyadong perfect. Kaya pinlano nila na takutin si Marlowe at taguan sa retreat house.

Kaso nalaman ni Lionelle na ang joke ay nasa kanya. Siya yung sayang saya sa plano na matalo ang rank one nila, siya pala yung planong taguan.   Nalaman niya dahil narinig niya nag usapan nina Zoe, Isla at Marlowe.  

I'm the best.

Alam nita yun sa sarili niya. Kaya hindi siya nagpatalo.

Pumikit siya ng matagal.

Pinakiramdaman niya ang paligid. Na  unti-unting lumalamig at nawawala ang mga boses ng mga tao.  Ngumiti siya habang nakatingin sa taas.

Hinayaan niya ang katawan niyang tumaas.

-

"I'm the best." Paulit ulit niyang sinasabi.

Alam niya na prinoprotektahan lang siya ni Flintorine. Ang hindi alam ni Flintorine ay ginagamit lang siya. At kapag may ginawa siyang hindi maganda, hindi magdadalawang isip si Lionelle sa tanggalin siya sa mundo.

Naiinis siya. Dahil parang naulit lang noon ang mga nangyari. Ang dating retreat house noon ang siyang tinitirahan nila ngayon. Parehas na parehas ang set up, may mga walang kaalam-alam, mga maarte, mga maloloko at isang perfect perfect na masarap sapakin na si Marlowe.

Ang pinagkaibahan lang ngayon ay hindi na dasal ang ginagawa nila sa bahay kundi sulat. Sulat nila ang basehan kung sino ang karapatdapat na maging number one. At gaya ng dati, si Marlowe na naman ang nasa taas.

Naiingit siya sa buong concept ni Marlowe. Sinong magaakala na ang nangyari noon ang pinagkuhaan niya ng idea? Oo pwedeng common idea lang yun dahil halos lahat sila magkakakilala noon. Pero sa gawa ni Marlowe nilagyan niya ng twist—o sa madaling salita: binaliktad niya ang mga nangyari.

Si Lionelle ang pinalabas niyang masama at ginamit naman niya ang mga kaibigan niya bilang character.  Na mas lalong kinainis ni Lionelle, alam niya dahil minsan niyang nabasa ang draft ni Marlowe.

Nirevise pa yun ni Marlowe at mas lalo niyang ginalingan. Gusto na lang masuka ni Lionelle sa kaartihan ni Marlowe.

Inis na inis na siya.

"Hmp!" Napatingin si Lionelle sa salamin. Pinagmasdan niya ang mukha niya, hindi niya matatanggi ang ganda niya na hindi kumukupas.

Madalas siyang tumitingin sa salamin at tinatanong ang sarili kung anong nangyari sa kanya.

her eye is blazing

burning walls that she once built

changing completely


END OF DAY 17.

20 DaysWhere stories live. Discover now