Day 18: Stolen

49 3 0
                                    


Umiinom ng tubig si Casper ng marandaman niya na para bang may tumutingin sa kanya. Tumingin siya kaliwa, nakahinga siya ng maluwag ng mapansing wala naman. Pinakiramdaman niya sa kanan saka dahan dahang lumingon.

"Magsusumbong ako sa kapatid ko. Subukan mo... patay ka kay Calvin." Banta niya.

Bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Huli ka." Napatalon siya ng biglang may humawak sa likod niya.

"Gio!" Inis na sabi niya.

Tumawa lang ng tumawa si Gio. Napahawak siya sa buhok niya na kulay pula saka nagsalita.

Pilit iniintindi ni Casper ang mga sinasabi niya pero hindi niya magawa. Unti unting nanlalabo ang paningin niya hanggang sa naramdaman na lang niya ang malamig na tiles ng sahig sa likod niya.

"Sandali. Hihingi lang ako ng tulong." Sabi ni Gio. Nilapag niya sandali si Casper bago lumabas.

Patakbo siya sa living room ng nakarinig siya ng boses. "Anak." Boses ng isang babae.

Natigilan siya at hindi niya namalayan na may luha na nanggagaling sa mga mata niya.

"Hindi. Hindika totoo." Sabi ni Gio. Umiiling siya saka tinakpan ang tenga niya.

"T-aas." Paos na sabi ng matanda.

Dahan dahang tumingin sa taas si Gio. 

Hindi siya nakapagsalita ng makita niya ang isang pulang damit na maraming dugo.

Dahan dahang bumababa ang damit napapaatras siya sa bawat paglapit ng damit. 

Tumakbo siya papalayo habang nakatingin sa damit na nasa sahig na ngayon.

"Tricks." Sabi niya sa sarili. Tinignan niya ang nylon  ng mabuti.

Sakaka takbo niya hindi niya napansin na may naglalakad sa harapan niya. Lalaki na hawak na kahoy na ipapalo kay Gio.

Nagkauntugan sila ng lalaki. Hindi nakita ni Gio dahil tumatakbk siya habang nakalingon ang ulo niya kanina. Nanlaki ang mata niya saka umiwas sa paghampas ng lalaki.

Tatakbo, magtatago at dinidepensahan niya ang kada palo sa kanya.

"Tama na." Sabi niya. Nagulat siya dahil tumigil naman ang lalaki. Ginamit niya ng oras na yun para tumakas.

Tumakbo siya pataas papunta sa library. Madilim at sira-sira na ang mga gamit. Pumunta siya para iligtas ang libro na pinaghirapan niya.

Tiniis niya ang mga alikabok at na napupunta sa mata niya ang mahalaga ay mabawi niya yun, matapos para makaalis na siya.

Wala na siyang pakialam. Selfish kung, selfish ang importante ligtas niya. Nakita niya ang kayang gawin ni Mang Lupe kaya gagawin niya ang gusto nito.

...big project na kailangan nilang ipasa. Kailangan nilang magsulat ng isang horror story na may exorcism at  kailangang isama ang tula na ginawa nila noon sa mismong story. Gagawin nilang main theme ang tula pero hindi dapat mawala ang elements ng horror.

"Simple lang 'di ba?"

Nakaupo siya at nagkalkal. Napangiti siya ng makita niya ang gawa niya. Kinuha niya yun kasama ng kay Calvin at Casper na natitira sa box.

"Sabi ko na nga ba. May plano ang mga babae." Bulong niya.

Lumabas na siya sa library. Hindi niya napansin na ang lalaking humahabol sa kanya kanina ay nagtatago sa sulok. Hawak ng lalaki ang mga ibang papel ng mga babae.



Papunta sina Hettie at Marlowe sa dining table. Inaalalayan nila si Marlowe na nahihirapang makakilos. Sinisisi nila si Mang Lupe dahil wala man lang tumulong o nagbigay ng gamot para sa paa ni Marlowe.

Pagkatapos ng nangyari bigla na lang umalis si Mang Lupe. Kinwento nila Hettie na lumabas siya sa gate bago yun ini-lock.    May sinabi rin si Hettie na sila sila lang ang nakatira sa bahay. Ang buong team ng 20D kasama na si Mang Lupe mismo ay nakatira sa ibang bahay.

Nagulat sila sa nalaman.

Maraming tanong ang gusto nilang masagot pero sabi ni Hettie ang sinabi  ni Mang Lupe na:    

Tapusin niyo lang ang project. Simple lang naman ang hinihingi ko, hindi niyo pa magawa.

Makakaasa ang isa sainyo ng isang buong explanation sa kung ano ang nangyayari, pagkalabas ng bahay.

Sa ngayon gawin niyo muna yan at wag na kayo mag isip ng kung ano-ano. Wala rin naman kayo mararting. Mamatay lang kayo sa kakaisip.

Simula nun hindi na nila pinagusapan  ang mga nangyari. Halata naman na kahit anong gawin nila, wala na silang takas sa bahay.  Ang kailangan lang nila gawin ay matapos ang project.

Kung dati nagtutulungan sila. Ngayon ay parang lumayo na sila sa isa't isa. Wala silang ibang ginawa sa mga libre nilang oras kundi magsulat. Dinadagdagan nila ang storya na napasa nila.

Hindi nila alam may kumuha na pala ng kalahati ng story nila.

"Okay!" Sigaw ni Gio saka nag walkout papuntang swimming pool kung saan kagi silang nandoon kasama si Calvin.

"Guys. What if balik tayo sa library para mahanap yung kalahati?" Suggest ni Livvy.

"You go. Stay lang ako dito." Sabi agad ni Hettie.

"Kukunin ko lang yung akin. Kanya kanya 'to wag kang ano." Sabi ni Livvy.

"Hindi safe." Sabi ni Zoe

"True alam naman natin na hindi lang tayo ang tao rito. Baka mamaya may plano silang saktan tayo." Matamlay na sabi ni Marlowe.

"So paano natin ipapasa?" Nakapamewang na tanong ni Livvy.

"Ha! Edi utusan mo si Gio. Kunwari mabait kitang kita ko naman na galing siya sa library." Sabat ni Isla.

"Sige kalahati sa atin ang pupunta." Suggest ni Hettie.

-

"Wala naman." Sabi ni Livvy. Nakatingin siya sa box na puro blankong papel ang laman.

"May nagnakaw!" Sabi ni Isla.

"Imposible, eh nakuha naman ni Gio yung samin ng kapatid ko." Sagot ni Calvin.

"Sinasabi ko na nga ba! Yang Gio—"

"Nasunog kaya?" Tanong ni Isla.

"Hindi. Walang ka sira-sira yung amin." Sabi ni Calvin.

"So may kumuha nun bago nagkasunog at binalik niya bago binawi ni Gio yung mga gawa niyo." Sabi ni Livvy.

"Galing, ah." Napalingon sila ng biglang may nagsalita.

Lalaki na maayos ang porma. Mukhang mas matanda sakanila ng mga dalawa hanggang limang taon. Nakangiti siya na para bang may masamang balak, sa kaliwang kamay hawak hawak niya ang isang kahoy.

"Sa tingin mo matatalo mo kami?" Tanong ni Isla.

Nawala ang ngiti ng lalaki. Binitawan niya ang kahoy na hawak hawak at sinipa palayo

Sinundan nilang tatlo ang kahoy na napunta malapit sa bintana.

"Hi! I'm Flintorine and I want to make a deal." Sabi niya.

END OF DAY 18.

20 DaysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang