Day 19: Showdown

35 4 0
                                    

"Hi! I'm Flintorine and I want to make a deal."

"Sino ka?"

"Ako ang...  twelfth participant dito sa 20D." Proud niyang sabi.

"Gulat kayo?" Tanong ni Flintorine.

Tumawa siya ng malakas saka lumapit.

"Wag! Subukan mo." Pagbabanta ni Calvin.

Sumeryoso ang mukha niya at humawak sa likod. Nilabas niya ang isang baril at tinutok sa tatlo.  "Subukan ko?" Tanong niya.

Walang nakapagsalita.

"Subukan ko?" Ulit ni Flintorine.

"H-indi." Sagot ni Casper.

"Sige. Magkakaroon tayo ng deal." Sabi ni Flint.

Kinuha niya ang isang maduming upuan at saka umupo. "Simple lang. One life, one project. Ibabalik ko sainyo ang kinuha ko kapag may nagtanggal ka ng isang participant." Sabi ni Flintorine.

"At para sayo naman Calvin. Since na sayo naman ang project mas mapapadali ang buhay mo. Wala kang kailangang gawin. Kailangan mo lang mag stay. Amazing right?" Dagdag ni Flintorine.

"No." Sabi ni Isla.

"No—? Aw. Why?" Malungkot na tanong ni Flint.

"Hindi ako mamatay tao." Sabi ni Isla.

"Eh kung sasabihin kong mamamatay ka, hindi ka ba papatay?" Balik sakanya ni Flintorine. Napangiti si Flintorine sa magulo niyang tanong.

"What do you mean?" Tanong ni Livvy.

"Hindi ba malinaw na isa lang ang matitira sa atin?" Tanong ni Flint.

'Makakaasa ang isa sainyo ng isang buong explanation sa kung ano ang nangyayari, pagkalabas ng bahay.'

"So hihintayin mong maubos kami bago mo kami papatayin?" Tanong ni Livvy.

"I like you! Witty ka." Tuwang tuwang sabi ni Flint.

Habang naguusap sila ni Livvy dahan-dahang kumikilos si Calvin. Tinutulungan naman siya ni Isla.

"So kung ikaw ang pang twelve, sino ang pang thirteen?" Tanong ni Livvy para patagalin ang paguusap. Napatingin si Livvy kay Calvin na may hawak ng panghampas sa likod niya.

Lumawak ang ngiti ni Flint. "You're good. Its a yes for me!" Sabi ni Flint saka tumawa. Iniwasan ang tanong ni Livvy.

"Wag na tayong mag pasikot-sikot. Patayan na lang." Naiinip na sabi ni Flintorine. Inayos niya ang buhok niya saka ginalaw-galaw ang nguso niya. Biglaang ngingiti tapos sisimangot at pagkatapos may pa-pout pa siya.

Sinong magaakala na manghahamon ng patayan ang isang lalaking maarte?

"Ano Calvin at Isla, tapos na ba kayo?" Biglaang tanong ni Flint.

Nagulat sila dahil akala nila hindi yun napansin ni Flint.

"Madali naman akong kausap. Siguraduhin niyo lang na pagkatapos nito, makikipag deal na kayo sa akin." Sabi ni Flint bago niya tinanggal ang bala ng baril niya saka tinapon papalabas.

Pinatunog niya ang daliri niya habang unti unting tumayo sa upuan. Tinuro niya si Calvin na para bang nanghahamon. Kahit pa nakaka bahala ang sitwasyon ngayon, hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Flintorine.

Mabilis na sumugod si Calvin saka hinampas ang kahoy.

Hindi tumama dahil na depensahan agad ni Flint gamit ang kaliwang kamay niya. Binaliktad ni Flint ang kahoy at hindi yun napagilan ni Calvin.

20 DaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora