Day 11: Flashback

48 4 0
                                    


Naglakad si Gio ng dahan dahan sa gitna ng garden. Napatingin sa kanya lahat ng kasama niya may natatawa at naninibago.

"Gio na naging zombie or zombie na naging Gio?" Tanong ni Casper kay Gio.

"Kulang lang sa tulog." Sabi ni Gio. Na halata sa itsura niya. Namumula ang mata niya na may malaking bag sa baba. Nangingitim yun lalo na, nakatingin siya pababa sa bulaklak.

Humiga siya sa grass saka pumikit.

"Pre don ka sa kama mo matulog baka langgamin ka diyan." Sabi ni Calvin.

Di bale ng langgamin wag lang maiwang mag isa. Sabi ni Gio sa sarili.

"Mama wag mo akong iwan dito. Ayoko kila tita. Sama na lang ako sa inyo." Pagmamakaawa ni Gio. Lumuhod siya saka yinakap ang paa ng ina para pigilan siya sa paglalakad.

"Patawarin mo si mama, Gio. Ito lang ang alam kong tama." Sabi ng mama niya. Yinakap niya si Gio at pinunasan niya ang luha. Saka siya tumingin sa baba para itago ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan.

"Babalik ako. Babalik ako." Paulit ulit na sabi ng mama niya.

-

Pawis na pawis si Gio sa pagbubuhat ng sako.

"Isunod mo pa 'to, Gio." Utos ni Henry ang pinsan. Anak ng may ari ng bahay na tinutuluyan niya.

"Sige." Sagot niya.

Pagkapasok nila sa bahay agad na sinabi ni Henry na natapos niya na ang paglagay ng sako at iba pang trabaho na si Gio naman ang gumawa.

Lagi na lang ganon ang nangyayari.

Kinukuha ni Henry sa kanya lahat ng bagay nanagugustuhan niya. At wala naman siyang ginagawa kundi pagbigyan ang pinsan.

"Tita kailangan lang po sana ng pera para sa field trip at retreat po namin." Sabi ni Gio.

"Sige na ma. Pagbigyan mo na si Gio para naman mawala na siya sa bahay." Sabi ni Henry sa nanay niya.

-

"

Aling Leonora?" Tawag ni Gio sa babaeng malayo sa kanya.

Lumingon ang babae saka humarap sa kanya. Nakapula na naman siya at suot niya ang ngiti na pinapakita niya sa lahat. "Gio, anak." Sabi niya.

Lumapit siya kay Gio saka tinaas ang kamay niya para hawakan ang pulang buhok ni Gio.

"Sabi ko na nga ba." Sabi ni Gio.

Tumawa lang si Aling Leonora.

"Hindi naman kita iiwan, nak." Sabi niya.

Nilagay niya ang isang mansanas sa kamay ni Gio.

"Maraming salamat sa pagtulong mo sakin." Sabi ni Aling Leonora bago siya unti unting naglaho.

Naiwan lang magisa si Gio. Nakatayo at tulalang nakatingin sa mansanas na nasa kamay niya.

-

"Hindi ka naririnig niyan." Saway ni Calvin.

20 DaysWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu