Day 1: Invitation

128 5 0
                                    

"Anak may sulat para sayo." Sabi ni Marilou. Nagalakad siya papunta sa kwarto ni Marlowe- ang pinaka paborito niyang anak.

"Pakilagay na lang po diyan." Sabi ni Marlowe habang nag ta-type sa laptop niya. Tumango si Marilou pero bago niya ilagay ay binuksan niya muna.

"Ma." Sabi ni Marlowe

Hindi siya pinansin ni Marilou kaya hinayaan na lang ni Marlowe na basahin ng mama niya ang sulat na para sa kanya.

"Bakit pakiramdam ko pinapaalis mo na ako sa bahay?" Pabirong tanong ni Marlowe sa mama niya. Kanina pa siya na kukulitan sa mama niya dahil pagpilit nito na sumama siya sa isang writing workshop.

"Ano ka ba? Ilang araw lang yun Marlowe. Saka para narin yung bakasyon. Masyado ka pang bata anak wag puro trabaho ang nasa isip mo. Matuto ka namang mag gala." Sabi ni Marilou.

Natatawa si Marlowe sa mama niya. Dahil mas mukha pa itong problemado sa kanya. Alam niyang gusto lang naman ng mama niya ang makakabuti para sa kanya. Wala naman kasi siyang ibang ginawa kundi magsulat sa loob ng kwarto niya.

"Ayaw! Tara na ngayon, ma. Alis tayo." Sabi ni Marlowe. Para asarin ang mama niya.

"Bahala ka! Kailangan mo yun para makakuha ng ideas diyan sa kwento mo. Nakakasawa pag paulit ulit na lang yung concept mo. Sige... baka isuka ka ng mga readers mo." Sabi ni Marilou.

Napaisip si Marlowe. May point naman ang mama niya.

Ngumiti siya saka tumango.

"Papayag ka na?" Tanong ni Marilou.

"Hindi." Proud na sabi ni Marlowe para mas lalong inisin ang mama niya. Nang makita niya ang paglukot ng kilay ng mama niya saka siya nagsalita.

"Hindi... ko pa alam."

4 HOURS AFTER

"Marlowe?" Tanong ng isang babae pagkapasok niya sa van. Hinanap niya ang nagsalita at nagulat siya ng makita niya si Isla at sa tabi naman niya si Zoe

Magkaklase silang tatlo noon. Lagi silang magkasama at sabay kumain tuwing breaktime. Tinawag pa nga silang: Power Trio.

Ngumiti siya saka kumaway. Pumunta siya sa pwesto nila at saktong may isa pang upuan sa tabi ni Isla. "Dito ka." Sabi ni Isla, tinuro ang upuan.

Gulat sila Marlowe na makita silang dalawa. Matagal na kasi noong huli silang nagkikita at kahit ang pag chat nila sa gc ay hindi na gaya ng dati. Nag hiwa-hiwalay kasi sila pagkatapos ng grade ten.

"Hindi ako makapaniwala na kasama tayong tatlo sa workshop na 'to." Sabi ni Isla.

"Oo. Parang dati lang." Sabi ni Zoe habang nakatingin sa bintana.

Natahimik silang tatlo.

"Ang laki ng van. Ilan kaya tayo?" Tanong ni Marlowe para hindi maging awkward.

Sabay na nagsalita ang dalawa pero magkaiba ng sagot.

"Thirt-" Sabi ni Zoe.

"Twel-" Sabi ni Isla.

Nagkatinginan silang dalawa at naguguluhan naman si Marlowe.

"Oh. Tama ka, Is. Twelve nga." Bawi ni Zoe.

Tumawa na lang si Marlowe. Inisip niya na baka sinama ni Zoe ang driver kaya naging thirteen. Noon talaga laging sobra ang bilang niya sa mga tao.

Hindi talaga siya nagbago.

Inayos ni Zoe ang upo at binaba niya ang hoodie ng jacket niya sa mata niya.

Buong byahe nag kwentuhan lang sila ni Isla. Sinabi ni Marlowe na kinulit siya ng mama niya at siya ang naghanda ng lahat ng kailangan niya.

20 DaysWhere stories live. Discover now