Day 4: Results

81 6 0
                                    


Lumipas ang ilang oras, patuloy pa rin ang discussion ni Mang Lupe tungkol sa pagsusulat. Hindi gaya nung nakaraang araw na nag scan siya sa mga basic. Ngayon naman mas binibigyan niya nang atensyon pagdating sa character.

Lahat sila nakatingin at nakikinig ng mabuti kay Mang Lupe.

"Hindi pwede yung gagawin niya yun para lang mangyari ang isang bagay. Hindi rin pwede na mangyari yun kasi trip mo lang. Lahat ng nangyayari may sanhi. May dahilan ang lahat." Sabi ni Mang Lupe.

"Either sa pag-develop ng story or character." Dagdag niya.

Tumango ang iba at may nagsusulat ng mga sinasabi niya.

"Try niyo ilagay yung sarili niyo sa isang character. Isipin na gaya niyo- tao rin sila. They act, think and feel. Hindi naman siguro magugustuhan kung may gagawin siya na labag sa loob niya. Sample: isang babae na pinakilala as tahimik, well reserved ay bigla na lang kakanta at sasayaw sa harap ng maraming tao sa next chapter. Nakakagulat? Oo. Nakakatuwa? Hindi. Nakakatawa siya kasi masyadong pilit at halata na parang hindi siya. Maiintindihan pa sana kung in-explain kung bakit nag kaganon, pero ang masama hindi."

"Para bang mapapatanong ka na lang na joke ba 'to."

"What I'm trying to say is.. make an image para malaman na ganito pala yung pagkaka-describe or pagkaka-visualize sa isang character. Para yung mga gagawin at sasabihin niya tugma. Sabi ko nga kanina para silang tao. Sila ang nabubuhay kaya they play a very important role.

Maganda rin na habang tumatagal mas lumalalim ang pagkakakilala sa isang character. Just like a friend na mas dumadami ang nalalaman niyo sa isa't isa kapag matagal na kayong nagkakausap at nagkakasama. Kung saan magbibigay ka ng hints tungkol sa nakaraan, secrets, goals, fears at iba pa."

"Character development. Diyan natin mas makikilala ang character. May mga pagbabago na mangyayari at magpapaintindi sa isang character. Yung story niya na hindi pa pinapakita, mari-reveal..."

"...Hindi lang plot ang nag go-grow sa isang story."

Nagpatuloy si Mang Lupe sa pagbibigay ng suggestions. Naka apat na writing exercise sila ngayon at konting sharing, dahil dun mas nakilala nila ang isa't isa.

Sumusunod naman sila agad. Maliban kay Marlowe na nakatingin sa papel na nasa lamesa niya. Malalim ang iniisip at walang ka emo-emosyon sa mukha.

Kanina pa siya tinitignan ni Hettie at ni Zoe na nakaupo sa dulo. Laging magisa si Zoe at iilan lang ang kinakausap niya. Madalas niyang kasama si Marlowe at may mga oras na magisa siya kasi may ibang kausap si Marlowe.

Iniisip ni Hettie na kahit hindi naman makikinig si Marlowe ay okay lang kasi magaling siya.

"Okay ka lang Mar?" Tanong ni Hettie.

Napatingin si Marlowe kay Hettie. "Oo naman." Sabi niya saka tumawa. Alam niya na mahahalata ni Hettie na hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Una si Zoe tapos ngayon ikaw. Bakit ang tatahimik niyong magkakaibigan?" Tanong ni Hettie. Nagulat si Marlowe sa seryosong tanong ni Hettie. May pagka maingay at maarte kasi si Hettie.

O baka naman yun lang yung pinapakita niya?

Tumawa na lang si Marlowe at nag isip ng idadahilan kay Hettie. Hindi naman niya pwedeng sabihin na may hindi magandang nararamdaman si Zoe sa bahay at sa mga tao na nandito. Pakiramdam niya laging may mali, mula sa invitation, van, kay Aling Leonora, sa buong set up, lalo na kay Mang Lupe.

Maraming nalaman si Marlowe habang naguusap sila ni Zoe nung nakaraan. Pinili niya maging tahimik para makaiwas na rin sa gulo. Pakiramdam niya tama si Zoe na may kakaiba.

20 DaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora