Prologue

1.1K 37 18
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

This part is dedicated to AiSaranghae. hi beeeee I love you. Thank you na rin. Mwaps💜

Add nyoko sa fb!! Elay Biares. HAHHAHAHAHHAHA

They are the main characters guys. Binago ko na kasi pabago bago talaga isip ko. Mwaps

 Mwaps

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dream

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dream

Habang nakatingin ako sa karagatan ay iniisip ko ang aking kinabukasan. Malapit na akong mag Grade 10 at hindi ko pa din alam ang kursong kukunin ko. Hindi rin sigurado kung makakapagpatuloy ba ako sa Kolehiyo. Gusto kong mag doktor pero alam kong hindi namin kaya ang gastos. Kaya siguro edukasyon na lang ang kukunin ko. Tapos ay mag aaply ako para sa scholarship.

Pagpasok ko sa bahay ay muli na naman akong kinain ng lungkot. The life I have is very different from the life I dream. Pangarap ko na mayroon akong masayang pamilya. Yung kumpleto at kuntento na sa kung anong meron. Pero mukhang imposibleng matupad iyon.

Lumaki akong lolo at lola ko lang ang nasa tabi ko. Ang sabi lang sa akin ni lola ay nangibang bansa ang aking nanay upang may kitain at hindi na nila alam kung nasan ang aking tatay.

"Oh apo, halika na. Kakain na tayo," hindi pa naman ganon katanda si lola kaya ay nagtatrabaho pa din ito bilang kasambahay. Si lolo naman ay mangingisda.

"Opo, la," pumanhik na ako papasok ng bahay at saka umupo sa hapag. Gaya ng nakasanayan ay tuyo ang aming ulam. Ang sabi sakin ni lolo ay kailangan naming magtipid dahil mahal na ang gastusin ngayon. At para na rin daw makapag ipon para sa kinabukasan ko.

"Kamusta naman ang kita mo Fernando?" tanong ni lola kay lolo. Bagsak ang balikat ni lolo at matamlay na tumingin sa amin.

"Pahina ng pahina ang benta sa bagsakan," kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ayokong nalulungkot sila dahil sila na ang nagsilbing pamilya ko. Sila na ang tumayong mga magulang ko.

"Hayaan na at babawi na lang ako sa pagtratrabaho," ani ito ni lola. Turo nila sakin, kahit ano mang problema ay hindi dapat inuurungan. Dahil lahat ng problema ay may kasagutan.

Wala nang umimik sa amin hanggang sa matapos kaming kumain. Ako ang naghugas ng mga plato habang nasa sala naman sila lolo at lola, nag uusap.

"Bumalik na daw dito sa isla ang mga Villanueva. Marahil ay binibisita nila ang kanilang lupain at muling babalik sa maynila,"

"Aba'y mukhang hindi rin sila magtatagal dito dahil mas sanay na iyong mga iyon sa buhay sa Maynila,"

Sa pagkakaalam ko ang mga Villanueva ang pinaka mayamng angkan dito sa isla. Malaki ang taniman ng palay na meron sila dito at nabalitaan kong may malaki silang negosyo sa Maynila. Sila ang pinaka makapangyarihan sa islang ito. At lahat ay takot sakanila.

Maaga akong nagising kinaumagahan. Papanhik ako sa bayan upang mamalengke dahil paubos na ang bigas namin. Balak ko ring bumili ng karne ng baboy dahil may malaki akong ipon.

Simpleng bestida lang ang suot ko na kulay pula na mas ikinatingkad ng aking kaputian. Nagpulbo ako at saka lumabas ng bahay. Hindi ko naman kailangang mag ayos dahil mamamalengke lang naman ako.

Habang naglalakad ay nakarinig ako ng tawanan sa di kalayuan. Nang makarating ako kung saan nanggagaling ang ingay ay para akong pinako sa aking kinatatayuan. Limang naggugwapuhang lalaki ang masayang nag kukwentuhan sa lupain ng mga Villanueva. Mukha silang mga taga Maynila. Napadako ang tingin ng isa sakanila dito sa kinatatayuan ko. Tumigil ang paligid at siya lang ang nakikita ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Dali dali akong nag iwas ng tingin at saka pumanhik na sa palengke.

"Ate isang kilo nga po neto," hindi pa rin mawala sa isip ko nung maamong mukha nung lalaki. Madami naman akong nakasalamuhang lalaki pero iba ang sakanya. Parang biglang nawala lahat ng nasa paligid at siya lang ang nakita ko.

Aish! Mukhang hindi maganda ang idudulot sa akin nung lalaki na iyon. Pero hindi naman kami magkakilala, edi malabong mapalapit kami sa isa't isa. Eh bakit ko ba iniisip yung lalaki na iyon? Ang dami daming problema tapos sumingit pa siya.

Wala sa sarili akong naglakad pabalik sa bahay. Nakasabit sa balikat ko yung bag na pinaglalagyan ng bigas at karne na binili ko sa palengke. Kaya nabunggo ako at napaupo.

"Im sorry, miss. Okay ka lang ba? May masakit ba?" tanong nung nakabangga sa akin. Nag angat ako ng tingin at nakita na naman ang maamong mukha niya. Yung mapupungay niyang mata. Matangos na ilong at mapupulang labi. Teka kailan ba ako puri ng lalaki? Ngayon lang ata.

"Oo. A-ayos lang ako," hala bakit ako nauutal? Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa nang may paghanga. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako nung ginawa nya iyon.

"Hatid na kita," alok niya at ikinatango ko. Tumayo na ako at saka pinulot ang bag at isasabit na sana kaso ay kinuha nya. Ngumiti siya ng matamis sa akin at isang pilit na ngiti ang naisukli ko sakanya.

Halos hindi mapakali ang puso ko. Para itong nakikipag karera sa mga kabayo. This feeling is too foreign for me. Ngayon ko lang ito naranasan at hindi maganda ang kutob ko sa nararamdaman kong ito.

"Salamat sa paghatid," kinuha ko ang bag sakanya at nginitian sya. Nakatingin lang siya sa aming barong barong na parang may pagka mangha sa kanyang mukha. Tignan nya ako at saka ngumiti at nagpaalam.

Naghanda ako ng pananghalian at saka hinintay sina lolo at lola. Pumasok sa isip ko ang aking mga pangarap. Ang makapagtapos sa pag aaral at maiahon sa hirap sina lolo at lola. Lalo na yung magkaroon ng masayang pamilya. Pero ang walang mukha na asawa ko sa aking pangarap ay unti unting nagbago at napalitan ng lalaking nakabunggo ko kanina. What the heck? Ano bang nangyayari?

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now