12

140 11 4
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy reading Chasing Love -Elay Biares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Manliligaw

Laking pasalamat ko na sabado ngayon dahil kung hindi. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Kaycee dahil sa ginawa niya sa akin. Pero mas hindi ko alam kung paano ko haharapin si Kai dahil sa sinabi niya.

Gusto niya ako! Bakit feeling ko ang ganda ganda ko na? Isang Kai Villanueva ang nagkaka gusto sa akin! Kainggitan nyo ako. Joke. Bad yun. Dahil sa away namin ni Kaycee ay gusto ko na lang mag mukmok pero dahil din sa sinabi ni Kai ay parang gusto kong mawala sa saya. Kahapon pa yun pero naririnig ko pa rin ang boses niya habang sinasabi yung katagang, Gusto kita.

"Stephanie bumangon kana! Jusko kang bata ka. Tanghaling tapat pero tulog pa din!" sigaw ni lola na halos magpabalikwas sakin. Kinuha ko yung cellphone na bigay ni Kai at saka tinignan ang oras. 7 am? La! Asan ang tanghali dun!? "Hala bangon na! Aba'y madami nang nagawa ang manliligaw mo pero ikaw tulog pa din. Haynaku Kai hijo kung ako sayo ay titigil na ako sa panliligaw ngayon pa lang. Yang apo ko? Naku wala kang mapapala diyan. Tignan mo tanghali na pero tulog pa din." narinig kong sermon ni lola. Teka. Manliligaw? Kai? Si Kai manliligaw sakin!?

Dali dali akong bumangon at saka lumabas ng kwarto di alintana ang magulo kong buhok. For sure mukha na akong mangkukulam! Eto naman kasing si lola imbes na ipagmalaki ako ay sinisiraan pa! Paano na lang kung ma turn off si Kai sa akin? Edi maiiwan ako sa ere! Gusto ko pa naman siya.

"Lolo si lola kung ano anong pinag sasasabi!" sumigaw ako ng malakas para marinig ni lolo sa labas. Alam ko kasi kada sabado at linggo ay nagpapahinga sila. Matanda na sila kaya kailangan talaga nila ng pahinga.

"Werlita naman! Wag mo ngang siraan ang apo natin sa manliligaw niya." nasira ang mukha ni lola at ginawaran ako ng masamang tingin. Ang peace sign naman ako sakanya na mas ikinadilim ng ekspersyon niya. 

"Hoy Eduardo! Wag ka ding makialam! At ikaw naman babae. Haharap ka na nga lang sa manliligaw mo mukha ka pang ewan." tumayo si lola sa kinauupuan niya at saka lumabas ng bahay. Tiyak akong sesermonan niya si lolo dahil kinampihan na naman ako.

Binalingan ko ng tingin si Kai na para bang matatawa sa itsura ko. Halatang pinipigilan niya lang ito para hindi ako maoffend. I sighed. Mukha itong mawawalan ng hangin kakapigil sa sarili niya. Kaya naman nag walk out ako. Bumalik ako sa kwarto para magsuklay at mag ayos. Marunong kaya akong mahiya! Eh hindi naman talaga ako walang hiya.

Inayos ko muna ang sarili ko pero nagulat ako nang makita ko si Kai na nakatingin sa akin. Bakit ba nalimutan kong kurtina lang pala ang nagsisilbing pinto sa kwarto!?

"Bakit ka pa nag aayos?" kalmado niyang tanong. Aba'y di pa ba halata? Ayoko namang mag mukhang taong grasa sa harap niya. Ngumuso ako saka humarap sakanya.

"Eh kasi gusto ko." sagot ko sakanya na ikinatigil niya. May inaasahan ba siyang ibang sagot? Tsaka na yun, unang araw pa lang ng panliligaw niya eh. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Sino yung tinutukoy ni lola na manliligaw ko?" nasira ang kanyang mukha dahil sa mga tanong ko. Mas lalo akong napanguso dahil doon. Naninigurado lang naman ako eh. Baka kasi trip niya lang talaga dumalaw at hindi siya ang manliligaw sa akin.

"Diba sinabi ko naman sayo na gusto kita? Sino pa bang inaasahan mong pupunta ng maaga at magpaalam sa lolo at lola mo na ligawan ka dahil gusto kang maging kanya?" walang preno niyang sabi sakin. Kalmado ang kanyang mukha pero halata ang inis sa boses niya. Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko, halos gusto namang lumabas ng puso ko sa kung saan man siya naroroon.

"Ahh ikaw pala ang manliligaw ko." hangga't maaari ay pinilit kong maging kalmado sa harap niya na kahit ang totoo ay gusto ko ng magsisigaw. Wala eh. Gusto ko din naman siya.

"Oh? Bakit parang disappointed ka?" hindi pa din mawala ang inis sa tono ng pananalita niya. How can he do that? Yung kalmado pa din kahit naiinis na. Ako kaya? Mukha pa rin ba akong kalmado kahit kinikilig na?

"Ha? Hindi ah!" tanggi ko sakanya. Bakit naman ako madidisappoint? Eh gusto ko naman siya tapos liligawan niya pa ako. Stephanie Ellaine! Stop being blunt with your emotion! Wag kang mariring marupok. "Sige na lumabas kana ng kwarto. Alam kong may pinapagawa sayo sina lolo at lola. Maliligo lang ako." itinuro ko ang daan palabas ng kwarto ko. Tinignan niya iyon at saka muling ibinalik ang tingin sa akin.

"If that's what you want, my lady." yumukod ito ng kaunti kaya naman hinampas ko siya. My lady my lady pang nalalaman. Ano ako prinsesa? Natatawa lang niyang nilisan ang kwarto ko.

Dali dali akong kumuha ng damit at saka pumunta sa cr para maligo. Habang naliligo ay pinapasok ko sa isipan ko na nanliligaw na nga sa akin si Kai. Isang bwan. Pagkatapos ng isang bwan ay sasagutin ko na siya. Hindi ko na gaanong patatagalin pa.

Lumabas na ako ng cr at inilagay ang damit sa labahan. Nakakapagtaka at masyadong tahimik ngayon. Dapat ay binubungangaan ako ni lola. Siguro papaalisin niya muna si Kai bago ako bungangaan.

Nang matapos akong mag ayos at nagtungo ako sa may pinto ng likod ng bahay. Sisilip lang naman ako kung anong pinapagaya ni lolo kay Kai. Curious lang ako.

Pagbukas ko palang pintuan ay halos gusto ko na ulit itong isara pero hindi ko magawa. Ang ganda ng view! Topless si Kai habang nagsisibak ng kahoy. Natulo din ang pawis niya dahil siguro sa pagod at init ng araw. Ang aga aga pero ang init agad. Pansin ko din ay wala si lolo para i guide siya. Wala din si lola.

Iginala ko ang aking paningin at hinanap sina lolo at lola. Natigil lang ako sa paghahanap sakanila ng biglang nagsalita si Kai na ikinabalik din ng tingin ko sakanya.

"Mamamalengke lang daw sila saglit at babalik din sila agad." tinanguan ko siya. Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti at kumindat sa akin. Itong puso ko ay hindi na naman mapakalma! Ganito kalakas ang epekto niya sa akin!

Umiwas ako ng tingin na ikinahalakhak niya at saka bumalik sa pagsisibak ng kahoy. Sina lolo at lola mamamalengke? At saglit lang daw? Sa pagkaka alam ko ay gusto ni lolang mamalengke sa may placer kahit may palengke naman dito sa isla. Paano matatawag yun na saglit eh dadayo pa sila sa kabilang isla? 

Ano na naman kaya ang mangyayari bukas pagka gising ko? Noon una ay nakilala ko si Kai. Sumunod kong gising ay nakilala ko si Yeonjun hanggang sa nakilala ko silang lima. Nagising na lang din ako na nakipagbati sa akin si Kaycee, pero nagising din ako na hindi naman pala talaga siya nagsisisi. Bukas kaya? Ano kayang mangyayari bukas? Magpapatuloy kaya si Kai sa panliligaw sa akin? Eh pano na lang kung ayaw sa akin ng mga magulang niya? Hindi naman porket tanggap ako ni lola Feli ay ganun din ang mangyayari sa buong angkan nila. Mayaman pa din sila at mahirap lang kami nila lola. 

Muli kong ibinalik ang tingin kay Kai na seryosong nagsisibak ng kahoy. Manliligaw ko na ba talaga siya? Hindi ba't masyado namang mabilis? Sabagay nagustuhan ko nga siya ng unang kita ko sakanya. Pero lakign syudad siya. Ang kwento ng iba hindi uso ang panliligaw siya syudad. Dinadaan lang nila sa mga text lahat! Asan ang pagmamahal doon? Nasa screen at sim card?

Buti na lang at nanliligaw sa akin si Kai kahit na halatang hindi siya sanay. Ako din ata hindi ako masasanay. Hindi ako masasanay sa katotohanang manliligaw ko na nga talaga si Kai.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now