10

154 11 5
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy reading Chasing Love -Elay Biares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

True color

Kinabukasan ay maaga akong nagising gaya ng nakasanayan. Maaga ding namalaot si lolo habang tulog pa si lola. Pagod siguro sa trabaho kaya tanghali na magising. Pero nasa kwarto pa lang ako para mag ayos ay may kumatok na sa bahay. Inayos ko na lang yung uniporme na suot ko at saka dali daling nagsapatos para pagbuksan ng pinto ang nakatok. 

"Sino po—" natigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang magpipinsan. Ang ganda talaga ng tindig nila. Para silang mga modelo. Mga gwapo pa. 

"Tara na?" I snap back in reality nang magsalita si Kai na nasa harap ko pala. Kinuha niya ang bag ko gaya ng nakasanayan kaya naman hinayaan ko na siya sa gusto niyang gawin.  

Isinara ko ang bahay ng maayos bago kami tuluyang umalis at pumunta sa eskwelahan. Walang Kaycee ang biglang sumulpot nung naglalakad na kami. Kaya naman itong mag pipinsan ay balik normal.

"Beomgyu hanggang ngayon ba iniisip mo pa din siya?" hindi ko ma gets ang pinag uusapan nila pero ang sabi sakin ni Kai ay babae ang topic nung mga pinsan niya. Babae ata ni Beomgyu.

"Yung Aiza ba iyon?" napahawak ba sa baba si Yeonjun at parang nag iisip ng maigi kung tama ba ang pangalan na binaggit niya. Pansin ko naman natigilan si Beomgyu dahil sa pangalang sinambit ni Yeonjun.

"That hot chick?" umakbay naman si Soobin kay Beomgyu at biglang napangiwi dahil siniko siya ni Beomgyu na hindi natuwa sa biro niya. "Dude, alam kong off limits na yon." nangiwing sambit ni Soobin at iniinda pa din ang sakit.

"Akala ko pa naman tumigil kana sa pagka play boy mo pero ganun pa din pala." naiiling na sabi ni Kai nang tinignan niya si Soobin. Nagpalipat lipat ang aking tingin sa kanilang lima. Okay! Lagi talaga akong out of place kapag babae ang usapan. At pansin ko lang si Soobin ang pinaka madaming alam sa babae.

Nagtawanan sila saka kami ulit nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating doon sa eswelahan ay napatingin ang mga estudyante sa amin. Masasanay din siguro akong pinagtitinginan dahil lagi kong kasama itong limang Villanueva. 

"Bakit hindi nila kasama si Kaycee ngayon? Akala ko ba ay kaibigan na niya ang mga Villanueva."

"Oo nga eh. Pero bali balita din na hindi niya daw matiisan pakisamahan ang isang malandi at mang aagaw."

"Kahit din naman siguro ako ang nasa kalagayan ni Kaycee, baka nakalbo ko na ang malandaing iyan."

Isa pa ito. Ang mga bubuyog na nagkalat sa paligid. Makakasanayan ko na rin iyan. Darating din ang araw na masasanay din ako sa mga masasakit na salita na binibitawan nila.

Naglakad kami oatungo sa classroom. Nasalubong ko ang mata ni Kaycee na nakatingin kay Kai. Kung hindi ako nagkakamali ay puno ito ng hinagpis at sakit. Bakit naman siya nasasaktan? Eh nag halikan nga sila kahapon. Diba good sign iyon? Lumipat ang kanyang tingin sa akin. Halos mapatalon ako sa takot at gulat nang mabilis mapalitan ang emosyon sa mata niya. Kung kanina ay makikita mo ang sakit. Ngayon nagsisiklab siya sa galit. Bakit? Ano bang nagawa ko sakanya? Wala naman akong ginawa na ikagagalit niya ah.

"Tignan mo nga naman. Ang lakas ng loob niyang salubingin ang tingin ni Kaycee."

"Eh hindi nga nakikitaan pagsisisi oh."

I frowned. Ano bang pinag uusapan nila? Hindi ko talaga sila naiintindihan. Bakit kung ano ano ang masasamang balita ang nakakalap nila. Hindi ba nila alam na masama ang maging tsismosa? Iyon ang sabi sakin ni lola. Ang mga tsismosa ay walang mararating sa buhay.

Nawala bigla ang mga bubuyog nung biglang dumating yung maghaharvest ng honey. Yung teacher I mean. Discussion ang nangyrai hanggang sa mag lunch na. Just like the usual. Pumunta kaming canteen pero iba ang awra na sumalubong sa amin. Galit ang mga mukha ng tao habang nakatingin sa akin. Para bang may ginawa ako na kinaiinisan nila. Pero ano nga ba iyon?

"Bakit ganyan sila makatingin sayo Stephanie?" napalingon ako kay Soobin na may pagtataka ang mukha. Nag kibit balikat lang ako saka umupo. Hindi na bago ito. Ganito din ang nangyari noon.

"Stephanie ano bang gusto mo? Kami na lang ang bibili dito kana lang." sumang ayon ako sa sinabi ni Yeonjun. Sinabi ko sa kanila kung ano ang gusto ko kaya naman ay umalis na sila. Naiwan akong mag isa dito sa mesa.

Habang naghihintay ako ay biglang may tumapon sa akin ng juice at humila ng buhok ko. Napa igik ako sa sakit na naramdaman ko. May dalawang humawak sa akin at pinaharap sa isang tao. Kay Kaycee.

"Malandi ka! Mang aagaw! Makati!" kada salitang binibitawan niya ay sinasampal niya ako. Nang hindi siya makuntento ay marahas niyang hinablot ang buhok ko at saka sinambunutan. Umiyak na lang ako dahil sa sakit. Ramdam na ramdam ko ang paghila niya sa buhok ko. Hindi ko naman maawat ang kamay niya dahil may humawak sakin mula sa likod.

"K-kaycee. T-ama na." pagmaakaawa ko sakanya dahil hindi ko na kaya sa sakit non. Hindi niya lang kasi ako sinasambunutan. Kinakalmot niya din ako at kung hindi pa siya kuntento at sinisipa niya ako. Nakaluhod ako ngayon at hindi na kaya pang tumayo.

"Hindi!! Hindi ako titigil. Dapat sayo kinakalbo!! Malandi kang impakta ka!!" buong lakas niya akong sinipa na tumama sa ang sikmura. Napa ubo ako ng dugo dahil sa lakas non, dagdag pa na naka heel siya.

"Kaycee tama na yan!!!" napatigil si Kaycee sa paghila sa buhok ko dahil sa galit na boses ni Kai. Tumigil nga siya pero mas dumiin ang pag kakahawak niya sa buhok na nagpaigik sa akin. Naramdaman kong may umalis ng kamay niya at saka ako hinila palayo sakanya. Paalis sa canteen.

Sabi nila lahat ng tao may kanya kanyang kulay. Minsan hindi natin ito nakikita dahil iba din naman ang kanilang pinapakita. Lalabas lang ang tunay nilang kulay kapag itinulak natin silang ilabas ito.

Pero ganito ba talaga ang nangyayari sa lahat? Na porket mabait ka ay inaapi kana. Na kapag pinanganak kang mahirap ay mamamatay kang mahirap. Hindi ba pwedeng kapag sobra na ang sakit na binibigay sa mabait ay mapapagod itong maging mabait at mapilitang lumaban? Hindi ba pwedeng kapag pinanganak kang mahirap ay gagawa ka ng paraan para umangat ang buhay mo?

Si Kaycee. Mabait naman siya noon sa akin pero bigla din nagbago nung nanligaw sakin si Paulo. Nag sorry siya. Pinatawad ko naman. Pero bakit niya nagawa sa akin ito? Iyon ba talaga ang totoong Kaycee? Wala na ba yung Kaycee na nakilala ko? Siguro nga. Siguro nga iyon ang totoong kulay ni Kaycee.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now