1

533 23 14
                                    

Vote. Comment. And enjoy Reading
Chasing Love
-Elay Biares

Image

Natapos na ako sa pagluluto. Wala pa naman sila lolo at lola kaya gaya ng nakasanayan ko ay pumunta ako sa dalampasigan. Baka nangingisda pa din si lolo. Maaga pa naman eh. Si lola ay baka hindi pa tapos sa labahin niya o di kaya naman ay naglilinis siya.

Nakaupo ako sa ilalim ng puno habang nakatanaw sa dagat. Funny, pero simula pagkabata ko ay lagi kong tinatanong kung nasan ang dulo ng dagat. Kung gaano kalawak ang kalangitan. Pero wala akong mahanap na sagot.

Luminga linga ako sa paligid. And there I saw him, again. Napaka amo ng mukha niya. Kumbaga kapag nakita mo ito ay hindi kana magdadalawang isip na sumama dahil sa maamo niyang mukha. Pati siguro leyon ay mapapaamo niya. May kasama siyang apat na lalaki. Masaya sila nagkukwentuhan habang naglalakad. 

Bakit hindi ko maalis ang tingin ko sakanya? Gwapo ang mga kasama niya pero siya talaga itong nakakakuha ng atensyon ko. May kakaiba sakanya na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko maialis ang tingin ko sakanya, siguro naramdaman niya na may nakatingin sakanya kaya napalinga ito. Hanggang sa nagtama ang aming mga mata.

Heto na naman ang puso ko. Hindi ko na naman mapakalma. Ilang beses pa lang nagtagpo ang aming mga mata pero bakit parang sanay na ako at gusto ko lang itong tignan?

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. May sinabi siya sa mga kasama niya na ikinatango ng mga ito. Nagtawanan ang mga ito na ikinapula ng pisngi niya. Maya maya pa ay tumakbo na ito sa kinaroroonan ko. Parang nag slowmo ang paligid ko habang palapit siya. Gusto ding lumabas ng puso ko sa kung nasan siya nakalagay.

"Hi. Uhm, I forgot to ask you name yesterday. Im Kai. Kai Villanueva"  nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Villanueva siya? Bakit mga ba akong nagtakang Villanueva siya? Eh tindig pa lang niya ay isinisigaw na mayaman siya. Kumpirmado, delikado ang sitwasyon ko.

"Stephanie. Stephanie Taborada" tinanggap ko ang kamay niya. Steph, Villanueva yan. Masyado silang makapangyarihan. Dapat mo siyang layuan. "Ah sige una nako. Baka andun na yung hinihintay ko" paalam ko at saka tumayo.

Humakbang ako palayo sakanya pero bakit parang nalulungkot ako kasi di niya ako hinabol? At bakit naman niya ako hahabulin? Sino ba ako?

Pagkadating ko sa bahay ay saktong kadaratin lamg din ni lolo. Natuwa pa ito dahil karne ang ulam at hindi tuyo. Nagtaka din siya kung saan ko nakuha ang pambili ng ulam, sinabi ko naman sakanya na galing sa ipon ko. Hindi pa kami kumain ni lolo dahil hinihintay namin si lola na hindi pa tapos sa labahin niya.

"Oh aba bakit hindi pa kayo kumakain?" salubong samin ni lola kaya naghagikhikan naman kami ni lolo. Ayaw kasi naming kumain kapag kulang kami ng isa.

Masaya kaming kumain. Minsan lang na karne ang aming ulam kaya naman ay masigla kaming kumain. Malaki din ang kinita ni lolo ngayon. Ganun din si lola. Mula sa kinita nila ay napunta ang usapan sa nalalapit na pasukan. Mamamalengke ako bukas ng magagamit. 

Nagligpit ako ng pinagkainan namin at saka naghugas. Umalis na si lolo para bumalik sa pangingisda. Maglalabada naman das si lola. Balang araw maiaahon ko din sila sa hirap. Kaya nga sinisikap kong mag aral ng maigi para sa magandang kinabukasan. Bibigyan ko ng magandang buhay sina lolo at lola. Yun ang pinaka pangarap ko.

Nang matapos akong malinis ng bahay ay bumalik ako sa dalampasigan dala ng paborito kong libro. Patapos na ako sa binabasa ko kaya isinara ko ang libro at saka pinagmasdan ang alon sa dagat.  Napaka kalma nitong tignan, ang sarap pagmasdan.

"Stephanie" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses na nanggaling sa likod ko. Nilingon ko ito at nagtama na naman ang aming mga mata. Ngumiti siya kaya dun napako ang tingin ko. Sa labi niyang kumurba. Ang pula pa nito. Mukhang malambot. "Hey. Earth to Stephanie" natauhan ako sa boses niyang nang aasar. Namumula ang pisngi kong umiwas dahil hindi ko naman namalayan na napatagal ang titig ko salabi niya.

"H-hi" hala nauutal na naman ako. Lagi na lang ako nauutal kapag nasa paligid siya.

"I didn't know na may maganda pala dito sa probinsya edi sana matagal na akong umuwi" pagkatapos niya sabihin ito ay sinundan niya ito ng mahinang tawa. Napatingin ako sakanya dahil sa pagtawa niya. Ang sarap sa pandinig. Parang musika sa aking pandinig.

"S-sinong maganda?" nahihiya kong tanong. Dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako maganda. Simple lang naman ako. Hindi naman ako kagaya ng iba. Hindi ako maganda.

"Hindi mo kilala ang sarili mo? Wala ba kayong salamin sa bahay niyo at hindi mo alam na maganda ka?" namamangha niyang tanong sa akin. T-teka sinasabi niya bang m-maganda ako? S-sabi nila hindi daw ako maganda.

"May salamin kami sa bahay" yun na lang ang tangi kong nasagot sakanya. Ang daming nagsabi sakin na hindi daw ako maganda. Wag daw akong mag assume masyado.

"Eh bakit hindi mo alam na maganda ka? Alam mo ba nung unang kita ko sayo akala ko anghel ka na binaba ng langit para sunduin ako" natatawa niyang sabi sakin. Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. Maganda ba talaga ako? Mukha ba akong anghel? Napayuko ako dahil sa nag iinit kong pisngi. "Oh bakit ka nayuko? Ipinagkakait mo bang makita ko yung ganda mo?"  hinawakan niya ang baba ko para iangat ito. Mas lalong nag init ang aking mga pisngi dahil sa ginawa niya.

"Nahihiya kasi ako" sambit ko na ikinatawa niya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Bakit ba masyado siyang masiyahin na para bang wala siyang problema. Ano bang magiging problema niya? Mayaman naman sila. Pero ang sarap niyang pagmasdan habang natawa.

"Hindi mo naman kailangang mahiya sakin eh" sabi niya na ikinangiti ko na rin.

Masyado na malayo ang narating ng paguusap namin. Hindi ko nga namalayan na papalubog na ang araw. Kaya naman ay nagpaalam na ako sakanya upang umuwi. Magsasaing pa ako, madami pa naman ang ulam namin na natira kaninang tanghali.

Nakahiga na ako at pinikot ang aking mata. Nakakita ako ng mga batang nagtatakbuhan. Tumigil ang batang babae at saka lumingon sa akin.

"Hi mommy" masigla nitong bati sa akin. Tumingin naman sa ang batang lalaki at saka napangiti. Hinila nila akong dalawa at saka ko sila hinabol. Nang mahuli ko sila ay napaupo kami sa dalampasigan habang nagtatawanan.

"Daddy!" sigaw nung batang babae. Napalingon ako sa tinawag niyang daddy. Nakita ko ang isang napaka pamilyar na imahe. Si Kai. Lumapit siya sa akin habang nakangiti. At heto ako, hindi mapakali sa kinakaupuan ko. Imahe niya ang nakakapag paramdam sa akin ng ganito.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now