35

153 8 9
                                    

Vote. Comment. And Enjoy Reading
Chasing Love
-Elay Biares

Last chapter na huhu.

Comeback

Madami dami pa kaming napag usapan ni Cj at nalaman ko din na Ezekiel ang pangalan ng anak nila ni Yeonjun.

Anong kaharutan kaya ang nangyari kay Yeonjun at nakabuntis nang hindi alam ng mga pinsan niya.

Nagpaalam din naman ako agad kay Cj dahil baka maging dragon na si Kai doon sa opisina dahil hindi niya alam kung saan ako nagpupupunta.

"Bye Cj! Bye Ezekiel! Nice meeting you two."

Tinignan ako ni Ezekiel at saka ito tumawa. Mga sis kuhang kuha niya ang ngiti ng tatay niya. Tumayo din naman si Cj at hinatid ako hanggang sa pinto nila.

Hinawakan ni Cj ang maliit na kamay ni Ezekiel at ni guide ito sa pag wave sa akin na ikinangiti ko. Cj is a good mom.

"Mukhang mayaman tapos isang pokpok ang kaibigan."

"Baka pineperahan lang yan ni Jade."

"Maganda nga sana pero pokpok naman."

Cj is not pokpok. Kung tutuusin ay napaka bait nito para papasukin ako sa bahay niya kahit hindi niya naman ako kilala.

Bumalik ako sa opisina at gaya ng inaasahan andun na si Kai naghihintay sa akin.

"San ka galing?" tanong nito agad sa akin. Sabi ko na andito na ito eh.

"Sa tabi-tabi lang." kibit ko sakanya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sakanya kaya naman kunware ay galit siya.

"Nakipag date?" kunwaring tampo nito sakin. Halata din naman kasing pinipilit nya lang  maging malamig ang pakikitungo sa akin. Marupok naman.

Nagpatuloy ang pagsusungit niya hanggang sa nakarating kami sa sasakyan. Sus, sungit sungit pag ito hinalikan ko tiklop din naman agad.

Hinarangan ko siya at saka tumingkayad para maging kapantay niya. Mapatigil siya sa paglalakad at tinignan ako.

I smiled and gave him a smack kiss on the lips. Tignan natin kung galit pa to. At dahil nakita ko na si Cj, gaya ng sabi ko. Im willing to welcome him on my life again.

Pumasok ako sa kotse habang naiwan siyang nakatulala sa labas. Nagmumukha siyang baliw sa pinag gagagawa niya don. Bigla na lang kasing ngingiti tas tutulala then ngingiti ulit.

Nang marealize niyang nasa loob na ako ng kotse ay pumasok na din siya at saka ako tinignan nang may ngiti sa labi.

"Anong ibig sabihin non?" tanong niya pero hindi ko pinansin. Bahala siya dyan sa buhay niya mag isip ng kung ano ano.

"Kai. Pano kung nakabuntis si Yeonjun?" I asked him out of nowhere. Tutal alam ko naman ang totoo dapat alamin ko din ang iniisip nung iba.

"Si Yeonjun makakabuntis? Imposible." umiiling iling pa ito at tila di makapaniwala sa iniisip niya. "Walang ibang nilapitang babae yon bukod sayo. Kaya nga pinagseselosan ko yon." bukod sa akin? O baka yan lang ang alam nilang mag pipinsan kaya di rin nila alam na nakabuntis ito at isang taon na mahigit ang bata.

Ngumiti na lang ako sakanya na ikinangiwi niya. Sa byahe namin pauwi ay tinext ko na ang mga kasambahay kung nakaready na ba sila.

Enough on Kai's effort. Nakita ko naman na nagsusumikap talaga siyang makuha akong muli. Kaya deserve niya makuha ang gusto niya. At yun ang mapasakanya ako ulit.

Nakarating kami sa bahay at nagtaka siya kung bakit patay ang ilaw. Tumingin siya sa akin na kinindatan ko lang.

"Anong meron?" tanong niya na ikinatawa ko. Gusto kong mamutla to. Tas hihimatayin siya kapag nalaman na may anak na kami. Kaso walang nabuo nung nasa Paris eh.

"Kung anong magaganap." tumigil kami sa tapat ng main door at hinawakan ko ang kamay niya. This is it pancit. Kinakabahan ako na ewan. Parang naccr na ata ako.

"Kai. You've done too much to prove na mahal mo ako. Umpisa pa lang alam kong gusto na kita. Pumunta akong Canada pero hinabol mo ako. You chase me. You chased love. And I want you to stop chasing." hindi niya siguro gets yung huli kong sinabi dahil gulat ang mukha nito. "I want you to stop chasing 'cause you already chased me. Kai, let's give 'us' a chance."

Pagkasabi ko non ay binuksan ko ang pinto na nagluwa sa iniready ko kagabi.

Meron mga petals na naka kalat sa sahig at mga battery candles na naka form into I LOVE YOU KAI. Yes po, opo. Ako ang nag ready. Pero sa pagkain ay sila manang.

"Shit Stephanie ako dapat ang gagawa nito hindi ikaw." hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge at saka idinikit ang aking noo sakanya.

"I love you Kai." I wisphered to him. Sana wala nang kontrabidang sisingit pa sa buhay namin. 

Madaming kaming napag usapan habang nakain ng dinner. Patawa tawa pa siya diyan di niya alam siya ang gustonkong kainin ngayon. Joke lang mamaya na lang siya.

"Gusto ko panganay ang magiging anak natin Stephanie. Kasi laging inaalipin ang bunso." hala pano yan Kai naunahan kana ni Yeonjun.

"Kai may anak na si Yeonjun." gulat siyang napatingin sa akin at tila di makapniwala kung bakit alam ko iyon. "Naunahan kana sa panganay thingy." tumawa ako dahil gulat na gulat pa din ito sa mga nalaman niya.

"Nabuntis ni Yeonjun yung Christine?" tumango ako sakanya at nag explain. Na gets din naman niya. Sinabi ko din na alam ko na kung nasaan si Cj pero hindi ko sinabi ang exact address. I respect someone's secret.

Our conversation last until 10 pm. Syempre di yon pwede magtapos sa ganon lang. We made love after our dinner.

Nakatulog naman agad si Kai habang heto ako nakatitig lang sakanya. Bakit ba sobrang swerte at nabaliw sa akin ng husto ang isang Kai Villanueva?

Ngayong nasa akin na ulit siya ay hindi ko na ito hahayaang makawala pa.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now