2

353 23 23
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading.
Chasing Love
-Elay Biares

Wake up

I wake up with that dream. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya ko dahil sa panaginip na iyon. Dahil nga ba masaya ang pamilya na yon o dahil andun si Kai? Bakit ko ba laging iniisip yung lalaki na yon? Bakit ganito kalaki ang epekto niya sa akin? Ano ba itong nararamdaman ko?

Iniisip ko pa lang siya hindi na mapakali ang puso ko. Tapos kapag nasa tabi ko naman siya umaapaw yung sayang nararamdaman ko. Ano bang meron siya? Bakit ba ako nagkakaganito?

"Good morning Earth! Good morning, la! Good morning, lo!" masayang bati ko sakanila nang matagpuan ko sila sa hapag na nag uusap. Napatingin sila sakin at napangiti.

"Good morning, apo. Ang ganda ng gising mo ah." bati sakin ni lolo. Maganda din po kasi ang panaginip ko hihihi.

" Oh kumain kana apo. Mamaya ay bumili kana ng mga kailangan mo para sa nalalapit na pasukan. Ihahatid ka ng lolo mo sa Placer." tango ang tangi kong naisagot kay lola dahil kumakain na ako.

Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko. Masyado akong sabik sa araw na ito dahil parang may magandang mangyayari. Pagkatapos kumain ako ay nag ayos na para mamili ng gamit. Nag suot ako ng simpleng long sleeve na white tas may pagka light brown yung sleeves at pinaresan ko ito ng maong short pati white shoes. Nabili ko ang mga ito sa ukay ukay. Regalo ko sa sarili ko nung nag birthday ako.

Pinagsadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin saka nag pulbo at lumabas na ng maliit kong kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagsadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin saka nag pulbo at lumabas na ng maliit kong kwarto. Nakalugay lang ang buhok. Kaya hinahampas ito ng hangin noong nasa bangka kami. Ang sarap sanang kuhaan ng picture yung isla kapag malayo kaso keypad ang cellphone ko.

Wala akong kaibigan kaya ako lang mag isa ang mamimili ng gamit. Hindi naman sa ayaw ko ng kaibigan. Sila mismo ang may ayaw sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Wala na din naman akong magagawa eh. Kung ayaw nila sakin edi ayaw ko din sakanila. Ganun lang kadali yon.

Tapos ko nang mabili lahat ng kailangan ko. At dahil maaga pa naman tsaka may sobra pa akong pera ay balak kong kumain sa mga karinderya. Uuwian ko na din sina lolo at lola ng ulam.

"Andito na naman ang feeling maganda" napalingon ako sa nagsalita. Ahh si Kaycee Burgos. Sikat siya sa school namin. Halos lahat ng lalaki may gusto sakanya. Kaso pangit ang ugali niya, sakin. Lagi siyang galit kapag nasa paligid ako. Kaya para walang gulo ay naiwas ako.

"Balita ko kinakausap ka daw ni Kai? Kung ako sayo lalayuan ko siya. Stephanie. Langit siya at lupa ka lang. Kung may nababagay man sakanya ay ako yun, hindi ikaw." ipinagdiin niya yung dalawang huling salita sa akin. Oo alam ko namang langit si Kai at ako ang lupa. Ang layo ng agwat ng estado namin sa buhay. Mayaman siya at mahirap ako. Tanggap ko naman atsaka. Pero nagusap lang naman kami ni Kai. Wala namang meron samin. Bakit ba nila nilalagyan ng malisya lahat ng bagay?

"A-ano Kaycee. Nagka usap lang kami ni Kai." pahina ng pahina kong sabi. Im weak. Ang bilis kong panghinaan ng loob kahit masyadong mababaw ang dahilan. Hindi ako basta basta nalaban kasi takot ako.

"Knowing you? Malandi ka Stephanie. Alam kong lalandiin mo si Kai para lang umangat sa buhay." bulong niya sa akin at saka umalis. Nangingilid ang luha ko habang tinatanaw siya. Oo mahirap kami. Pero hindi ko ugaling gumamit ng tao para makuha lang ang kailangan ko. Hindi ako gagamit ng tao para lang umangat lang ang estado ko. Hindi ako ganong klase ng tao. Hindi ko kinaya ang sinabi nya kaya napaiyak na lang ako bigla. Buti na lang at wala gaanong tao dito. Malaya akong umiyak.

"Here miss. Take this" napatingin ako sa panyong nakalahad sa harap ko. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito kaya nag angat ako ng tingin sa kung sino ang may ari non. Hindi ko siya kilala pero nakita ko na siyang kasama ni Kai nung nakaraang araw.

"S-salamat" tinaggap ko ito at saka pinunas sa mata kong luhaan. Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin pa din sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya.

"Masyado kang maganda para umiyak miss" ngumiti ito kaya nawala ang kanyang mga mata. Ang cute niya. "By the way miss, Im Yeonjun Villanueva" pagpapakilala niya sa sarili niya. Ahh, Villanueva din. Magpinsan siguro sila.

"Stephanie" ngumiti siya ng nakakaloko. Yung ngiting makalaglag panga at nakakakuha ng atensyon. Hala ang gwapo niya. 

"Tama nga siya. Ang ganda mo nga" namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Siya? Sinong siya? Si Kai ba? Aish! Ang assumera ko naman. Imposibleng si Kai yun Stephanie Ellaine. Wag ka mag assume.

"Salamat" binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Nagtagal kami sa Placer dahil sa daldal niya. Ang gaan niya sa loob kasama. Kung ano ano ang kinukwento niya sakin. Yung buhay sa Maynila. At kung ano ano pa. Habulin pa daw sila ng mga babae. Aba'y malamang! Mga gwapo eh.

Pabalik na kami ni lolo sa isla. Sumabay sa amin si Yeonjun kasi daw ayaw niya pang mahiwalay sa akin. Napagkamalan nga kaming mag on kanina. Kasi ang kulit niya. Masyado siyang masiyahin at madaldal.  Kapag kasama mo siya mahahawa ka.

"Uwi na ako Staphanie ah? Kukumbinsihin ko si Mommy na dito na lang ako mag aral." nginitian niya ako ng matamis saka umalis. Ang kulit talaga. Sabi niya kasi dito na lang daw siya mag eenroll para daw may ibang experience.

Naglakad na ako pauwi sa bahay pero may nakita ako. Si Kai. May kasamang babae. Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Nasasaktan ba ako? Bakit naman ako nasasaktan? Gusto ko na ba siya? Pero hindi ko siya pwedeng gustuhin. Masasaktan lang ako. I need to wake up. Hindi maganda ang panaginip na ito para sa akin. Masasaktan lang ako. Ayokong masaktan.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon