4

242 15 4
                                    

Vote. Comment and enjoy Reading
Chaaing Love
-Elay Biares

 Comment and enjoy Reading Chaaing Love -Elay Biares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Walang magagawa

Natapos na akong mag paenroll yung magpipinsan na lang ang hinhintay ko. Binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kai kay Kaycee. Blinded by Love? Saang parte ng Maynila niya napulot iyon? Pero ang galing ah. Napatahimik bigla si Kaycee, yun nga lang ang sama ng tingin nila sa akin.

Ganyan naman talaga sila eh. Kapag nasa baba ka, mananatili ka lang sa baba. Wala ka nang karapatang umakyat. Hays, mga tao nga naman ngayon.

"Stephanie ayos ka lang? May sakit ka ba?" napakurap ako at napatingin sa kanilang lima. Halata sa pagmumukha ni Kai at Yeonjun ang pag alala samantalang blangko lang ang wkspresyon ng mukha nung tatlo. Kanina lang din ay nakilala ko silang lima. Si Kai, Yeonjun, Soobin, Teahyun, Beomgyu. Magkapatid si Yeonjun at Taehyun. Tapos magpipinsan na sila.

"Oo. Ayos lang ako. Wala akong sakit." ngumiti ako sakanila at napansin kong napatigil si Kai at napatitig siya sa mga labi kong kumurba.

"Ibig sabihin totoo ang mga balita?"

"Diba siya yung dating kaibigan ni Kaycee?"

"Malandi daw yan sabi ni Kaycee."

"Totoo naman ang sinabi ni Kaycee. Tignan mo, kapit sa mag pipinsang Villanueva palibhasa mahirap."

Yumuko ako dahil sa kahihiyan. Napapahiya ko lang ang magpipinsan kapag kasama nila ako. Pero hindi naman ako malandi ah. Hindi ko nga alam kung paano lumandi.

Nagsimula na kaming maglakad pauwi. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit niya iyon nasabi. Hindi ko din lubos maisip kung bakit siya napapatingin sa labi kong kumukurba kapag kausap ko silang magpipinsan.

"Stephanie, asan mga magulang mo?" puno ng kuryusidad na tanong ni Soobin. Naikuwento ko kasi sakanila na lumaki akong kasama ko sina lolo at lola. Napatigil ako sandali na ikinatigil din nila. Napaisip ako kung asan nga ba talaga sila. Bakit hindi nila ako madalaw man lang minsan?

"Sabi ni lola, nangibang bansa daw si nanay para may ipadalang pera. Pero wala silang alam tungkol sa tatay ko." puno ng awa ang kanilang mga mata. Eto ang ayaw ko sa lahat. Ang kinakaawaan ako. "Hindi nyo naman ako dapat kaawaan. Lumaki man akong wala sila sa tabi ko andyan naman sina lolo at lola. Kaya hindi pa din ako nakakaawa." I smiled sweetly at them. Ang awa sa kanilang mata ay napalitan ng paghanga.

"Kung siguro yung iba ang nasa kalagayan mo ay magrerebelde sila." sabi ni Yeonjun. Totoo. Yung iba kapag hindi lumaki kasama ang magulang nila ay nagtatanim ng sama ng loob kaya sila nagrerebelde.

"Hindi nila iniisip ang mga taong nag aalala sakanila. Ang mga taong nagrerebelde sila yung mahina, kasi hinahayaan nilang kainin sila ng emosyon na hindi naman dapat." nagkibit balikat ako sakanila. Nagpatuloy kami sa paglalakad pauwi. Nag iba din ang topic nila.

Nagpatuloy lang sila sa mag uusap pero tahimik lang ako sa isang tabi. Iniisip ko tungkol kina nanay at tatay. Kung naiisip pa ba nila ako? Kung alam ba ni tatay na may anak siya? May pamilya na ba sila? Hindi naman ako magagalit kung may pamilya na silang bago. Ang akin lang sana hindi nila malimutang may anak pa silang kagaya ko.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila. Ang buong akala ko ay ako na lang mag isa ang uuwi pero nagpatuloy pa din si Kai sa paglalakad kasama ko. Hindi ko alam kung bakit pero yung puso ko parang lalabas sa pinaglalagyan niya.

Andito na kami sa tapat ng bahay. Kaya naman sinalubong ko ang tingin niya. Nakatitig lang ito sakin. Kaya naman ganun din ang ginawa ko sakanya. Tinignan ko ang maamo nitong mukha.

"Kai. Pasok na ako." napakurap siya at saka wala sa sariling tumango. Tumalikod na siya at saka humakbang pauwi sakanila. Hinatid ko na lang siya ng tingin. Nang hindi ko na siya maaninag ay saka lang ako pumasok.

Lutang ang isip ko. Pumasok sa isip ko lahat ng what if's. What if bumalik si mama? What if may iba na siyang pamilya? Pero ayos lang naman sakin kung may bago na siyang pamilya. Ano nga bang magagawa ko? Wala naman na eh.

Nagbihis ako at saka nagtungo sa dalampasigan. Pinapakinggan ko ang alon habang nagbabasa. Ito ang pinaka magandang ginagawa ko sa tanang buhay ko. Ang magbasa. Sa di kalayuan ay nakita ko ang magpipinsan. Nagtatawanan sila gaya ng lagi nilang ginagawa. Lumingon sa gawi ko si Kai kaya naman mas lumapad ang ngiti niya. Nag half jog siya papunta sa akin at saka umupo sa tabi ko.

"I knew it! Pupunta ka dito." ngumiti siya ng malaki na ikinawala ng mata niya. How cute.  "Okay ka lang ba talaga Stephanie?" tanong nito sa akin. Tumango ako na medyo nagpakalma sakanya. Bakit siya masyadong nag aalala? Ayos lang naman ako ah.

"Wag ka nang mag alala. Okay naman ako eh!" tumawa ako na ikinatigil niya. Pansin ko lang lagi siyang ganito. Kada ngingiti ako o natawa bigla siyang natitigilan at napapatitig sa akin.

"Can't help it." tumigil ako sa pagtawa at saka tinignan siya na nagtataka. Bakit hindi niya mapigilang mag alala?

Isinara ko ang librong hawak ko at napa tingin sa dagat. He's driving me crazy! Bakit ba ganito siya? Bakit ang bilis kong maapektuhan sa presensya niya. Paano ba ito mawawala? Pero alam ko kahit anong gawin ko. Gaya ng pagtanggap ko kung may ibang pamilya na ang mga magulang ko. Wala na din akong magagawa. At alam ko, mas lalalim pa ito.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now