7

173 14 3
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy reading Chasing Love -Elay Biares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Weird

Time pass by. Mas naging close kami agad ni lola Feli dahil sa parang teenager nitong kilos. Bandang alas tres naman ay inaya na akong umalis ni Kai para ihatid pauwi. Nag aya din kasi ang magpipinsan na maligo sa dagat. Kaya heto ako sa bahay nag lilinis muna para payagan akong sumama sakanila. Rest day pala niya ngayon at kanina ko lang din naalala nang makarating dito sa bahay.

"Sigurado ka ba diyan sa pinagsasasabi mo ha Stephanie? Naku! Mayamang pamilya yang kinakasama mo ngayon! Ano na lang sasabihin ng mga tao? Kahit hindi na ng mga tao! Yung pamilya na lang nila!" frustrated na ani sakin ni lola. Hindi na lang ako umimik dahil gaya ko matigas din ang ulo niya. Kahit anong paliwanag mo, hinding hindi ka niya papakinggan.

"La, hindi naman po ganon si Lola Feli." saglit lang kami nagkakilala ni lola Feli pero wala naman sa inasta niya ang pagiging matapobre. Masyado itong mabait.

"May pabigay bigay pa nang cellphone na iyan! Paano na lang kung maningil? Anong ipapambayad mo diyan? Aba'y wala tayong pera Stephanie Ellaine!" singhal niya ulit sa akin. Nakita niya kasi akong tinitignan ang kahon ng cellphone na bigay sakin ni Kai. Napa buntong hininga na lang ako dahil sa tigas ng ulo ni lola. Sakanya siguro ako nagmana.

"La naman! Kanina pa natin pinag uysapan ito!" nilagay ko ang walis tambo sa dapat nitong paglagyan. Nagmartsa ako patungo sa aking kwarto sa nagpalit ng damit. Nang makapag palit ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Halata ang pagod sa mukha ko. Nagpulbo lang ako saka lumabas. "La alis na ako ah!" paalam ko kay lola saka ko dinampot ang librong hindi ko pa tapos basahin hanggang ngayon. 

Naglakad ako patungo sa dalampasigan. Pagkadating ko doon ay nakita ko na ang lima. Topless. Naliligo na sila sa dagat habang naglalaro. Ang saya nila pagmasdan kaya imbes na ipaalam na andito na ako ay tahimik akong umupo sa ilalim ng isang puno, para masilungan. Binuklat ko ang librong hawak ko. Hinahanap ko pa lang ang pahina na huli kong binasa nang biglang may humawak ng magkabila nitong gilid at sinara ito. Inis kong binalingan ang gumawa non pero nakangisi lang siya.

"You're such a nerd. You need to have fun too." ginawaran ako ng isang ngisi ni Kai. Umupo siya sa tabi ko at itinapon ang tingin sa dagat. Napatingin din ako doon. Andun pa din ang mga pinsan niya na nagsasayang maligo sa dagat. 

"Ito lang naman ang paraan para makatakas sa reyalidad. Dahil kapag wala ang mga libro pakiramdam ko nakakulong lang ako." kahit hindi ako lumingon sakanya ay ramdam kong tinignan niya ako. Nang masyado siyang natagalan sa pagtingin sa akin ay nilingon ko na din siya. May paghanga ang kislap ng kanyang mga mata. Para bang ako ang pinaka kakaibang kayamanan na nakita niya.

"Para kang si mommy. She loves books too. Para sakanya buhay na niya ang libro. Im sure magkakasundo kayo." ngumiti siya pero hindi mawala ang paghanga sa kanyang mga mata. Napatitig ako sa mga mata niya. Nahihipnotismo ako. Na kahit hindi ako naligo sa dagat ay unti unti akong nalulunod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya.

Sabay kaming napaiwas ng tingin nang may biglang tumikhim sa harap namin. Andun si Soobin. Tinapunan niya kami ng isang makahulungang tingin ni Kai. Kakaiba ito na parang may ipinupunto. Umiling lang si Kai na kininahalakhak nito.

"Stephanie!" napalingon ako sa dako na pinanggalingan ng boses. And there I saw Kaycee. Natigil sa paglalaro yung apat samantalang nabaling din ni Kai ang atensyon siya sa babaeng dumating. Naka crop top lang ito at short na pinaresan ng flip flops.

"Hi Kaycee." tinignan niya ako at saka naman ibinaling kay Kai ang tingin na nasa tabi ko lang at saka ulit binalik ang tingin sa akin. May bahid ito ng sakit pero mas nangingibabaw ang galit.

"I brought you new books." inangat niya ang dalawang makapal na libro na may plastic pa. Nagtatanong akong tumingin sakanya. She hates books. Hindi niya nakakayanan ang humawak ng libro. "Alam ko kasing mahilig kang magbasa ng books." matamis ang ngiti niya na nakatingin sa akin. Lumapit siya at tumabi sakin bago iabot ang libro.

"Kaycee hindi mo naman ako kailangan bilhan. Madami pang libro si nanay sa bahay na hindi ko pa nababasa." nagtaas ang kanyang kilay pero nawala din naman agad nang mapagtantong nakatingin sakanya ang katabi ko.

"No I insist to buy you one. Kesa magtyaga ka sa old books ng nanay mo." tumango na lang ako sakanya. Maya maya pa ay tumayo siya at saka ako tinignan. "Tara ligo tayo." hinubad niya ang pang ibabaw niyang suot at short. Di alintana sakanya na may lalaki kaming kasama. She's wearing two piece.

"Di na. Ikaw na lang, dito lang ako." tanggi ko sakanya. Mas gusto kong magbasa sa oras na ito.

"Sige. Sabi mo eh. Kai let's swim." malambing ang tono ng kanyang pagsasalita. Sa isang iglap at hindi malamang rason ay nairita ako bigla. Bakit ako nakaramdam ng ganun?

"I'll stay here." gumihit sa mukha ni Kaycee ang pagkainis nang bumaling siya sa akin. Naglakad ito patungo sa dagat saka lumangoy. Ipinagpatuloy ko naman ang pagbabasa. 

"Can you feel it?" tanong ni Soobin na kadarating lang. Tumango si Kai na mas ipinagtaka ko. Anong nararamdaman nila? Bakit iba pumasok sa isip ko? Kailangan ko na atang maglinis ng utak. Padumi na ng padumi.

"Uwi na tayo. Wala na ako sa mood." bagot na sabi ni Taehyun. Sunod na binalingan namin ng tingin si Beomgyu kasama si Yeonjun na kadarating lang sa pwesto namin.

Nagsitayuan na kami. Lumapit naman samin si Kaycee na nagtataka. Sinabi na lang namin na magsisi uwi na kami dapat dapit hapon na. Hindi din naman siya nagpumilit pa, dumating din naman ang sundo niya kaya wala na siyang nagawa. Dumiretso naman kami sa bahay ng mga Villanueva.

Nagtipon silang lima sa isang kwarto. Samantalang kasama ko ulit si lola Feli.  Tinuturuan niya akong mag bake ng brownies.

"Ang weird ng mga apo kanina nung dumating kayo. May nangyari ba kanina na hindi ko alam?" pinaghalo halo na niya ang mga sangkap. Nakaharap lang ako sakanya at pinapanood siyang gumawa.

"Hindi ko nga rin po sila maintindihan La." napanguso ako dahil sa aking sinabi. Ano ba kasi yung 'can you feel it' na sinabi ni Soobin?

"Mga weirdo talaga sila." umiling iling ito na ikinatawa ko. Hindi naman talaga sila weirdo. Baka may napansin lang na kakaiba. 

Tapos na naming ibake yung brownies. Sobrang dami non. Kaya naman kumakain kami habang hinihintay yung lima. Pinagbalot din ako ni lola Feli para daw may maiuwi ako para kay lolo at lola. 

"Stephanie! Gabi na iuuwi na kita." halos mapatalon kami sa gulat nang biglang nagsalita si Kai sa likod namin. Alam kong si Kai iyon dahil sa pabango.

Tumayo ako at nagpaalam kay Lola Feli. Nang makalabas kami ng bahay nila ay madilim na. Hinapit ni Kai ang baywang ko para mas mapalapit sakanya. Sobrang tahimik. Sa sobrang tahimik tanging tibok lang ng aking puso ang naririnig ko. Ang lakas non. Sa sobrang lakas ay parang nabibingi ako. Weird. Ngayon ko lang nadanas yong ganito.

Nakadating kami sa tapat ng bahay pero hindi pa rin siya nagsasalita. Seryoso ang kanyang mukha at malalim ang iniisip. Ang wierd nya rin ngayon.  Nakakadala ang mga tingin niya. Para akong nilulunod.

"Please be careful." pagka tapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan na siyang umalis. Pinanood ko ang likod niya hanggang sa hindi na siya matanaw ng aking mga mata.

Hanggang sa aking paghiga ay hindi maialis sa aking isip ang sinabi ni Kai. Saan ako mag iingat? Ano ang dapat kong gawin? Bakit ganon ang ikinilos nilang magpipinsan? Ang weird.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now