33

137 8 8
                                    

Vote. Comment. And Enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

Hi sa little fam ko. Sana dumami tayo at mag ingay naman sana kayo hindi yung puro ako lang.

This chapter is dedicated to Christine Jade Capurihan. Bebs ko kung di man mapasayo si Asul si Yeonjun na lang HAHHAHAHAH.

Determinado

Once Im done ay tumayo din ako at bumaba na para kumain ng almusal. Hindi kasi ako sanay na hindi kumakain ng almusal.

Kumakain ako ng paborito kong almusal nang may narinig akong nag gigitara sa labas. Eh hindi naman naggigitara yung driver. Hindi rin naman marunong sila manang.

"Maam may gwapo pong nakanta sa labas. Pinapatigil naman po namin dahil baka magalit ka. Pero determinado po talaga siya."

Hindi ko na pinakinggan at saka pumunta sa labas. And there I saw Kai, strumming in his guitar while singing 10,000 hours.

Gosh, his voice. Sa sobrang ganda ng boses niya ay imposible talagang hindi mo siya mapansin.

He sing with heart. Ramdam na ramdam mo talaga ang bawat lirikong binibitawan niya.

That feeling na ayaw ko na siyang bigyan ng chance pero andito pa din sa puso ko ang pangalan niya. And I know that no one can replace it.

He stopped singing pero ang mata ay nananatiling nakatingin sa akin. Nagsusumamo at andon pa din ang paninindigan. Tila isang sundalong handang ialay ang kanyang buhay.

"Stephanie." huminga muna siya ng malalim bago itinuloy ang kanyang sasabihin. "I know that you're mad at me. Deserve ko yon, oo. If you wanna slap me, then, slap me hard. Punch me, kick me. Kung yun ang paraan para maalis ang sakit na nararamdaman mo." pumiyok ang boses niya kaya tinignan ko siyang maiigi sa mata. Pulang pula iyon at gusto ng tumulo ang kanyang mga luha.

"Stephanie, believe me. Hindi ko ginustong may nangyari sa amin ni Chloe. Im too drunk that time at nagising na lang ako na nasa tabi ko na siya."

I smirk in disbelief. Nagising na nasa tabi na? Really? Ano yon, suprise Kai may nangyari sa atin? Gusto kong magsalita pero mas ginusto kong manahimik at pakinggan na lang siya.

"Mula nung una nating pagkikita. Stephanie, dun pa lang. Dun pa lang alam ko nang mababaliw ako kapag nawala ka. Oo kaunting oras lang ang pagsasama natin noon. Pero shit Stephanie! Nung araw na umalis ka ay ang araw na pagkamatay ko. I lost myself when I lost you." tumulo ang luha niya na ikinasip ng dibdib ko. "Pinahanap kita at nalaman kong nasa Canada ka. Kaya ako pumunta doon. Yung nalasing ako, nung gabing yon dinamayan lang namin si Yeonjun dahil iniwan din siya ni Christine. Stephanie, I told you that I want you back and I wont stop until youre mine again. Maybe I dont deserve you because of the pain that I gave to you. Pero gusto ko lang patunayan ang sarili ko na ikaw lang ang minahal ko Stephanie. Mula noon hanggang ngayon."

Walang tigil ang pag agos ng luha ko. I dont know what to say anymore.

Andami kogn gustong sabihin pero bigla na lang nawala lahat. I can feel his pain. Base sa mga paliwanag niya. Masasabi ko talagang deserve niya ang second chance. Pero hindi pa sa ngayon.

Nagulat ako nang biglang lumuhod si Kai sa harap ko. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata. Eto ang pinaka ayaw ko kasi napaka bilis ko talagang maawa.

"Im willing to risk my life for you, Stephanie."

Hindi na talaga kinayanan kaya lumapit na ako sakanya at saka siya pinatayo. Hindi ko talaga kayang nakikita siyang nasasaktan.

"Napatawad na kita pero Kai hindi pa ako handang mahalin ka kagaya nang umpisa." hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at saka itinuyo ang mga luhang kanina pa tumutulo mula doon.

"Im willing to wait."

"I know. So may kinababaliwan na palang babae si Yeonjun?"

Nag change ako ng topic para naman gumaan kahit papaano ang atmosphere na namamagitan sa aming dalawa ngayon.

May babae na pala si Yeonjun. That explains kung bakit napakalaki ng pinagbago niya nang magkita kaming muli sa Canada.

"Ahh oo. Si Christine Jade. Hindi ko alam kung pano sila nagkakilala pero alam ko baliw na baliw sakanya si Yeonjun." aba hanep tsismoso pala itong si Kai minsan pagdatong sa love life ng pinsan niya.

Kinuwento nya din sa akin kung anong nangyari kay Yeonjun nung time na nawala bigla si Cj. Oo Cj na lang kasi masyadong mahaba ang Christine o Jade. Nakakatamad.

Marami pa kaming napag kuwentuhan. Gabi na nung umuwi si Kai kaya naman hindi ako nakapasok sa opisina.

Ipinasa niya daw kay Soobin lahat. Kawawang Soobin . Wala na ngang love life ayon kay Kai. Tinatambakan pa ng trabaho.

Sa buong araw na iyon ay kung ano ano lang ang ginawa namin. Nag bake kami ng cake, cookies basta iba't ibang klase ng sweets. Nanonood kami ng movies, mga naka limang movie din kami.

Sa isang buong araw na iyon masasabi kong determindo talaga si Kai na bumalik ako sakanya. Pero syempre di naman ako papayag na isang araw maayos kami ni Kai samantalang si Yeonjun ay hinahanap pa din yung Cj.

"I want you to find someone." utos ko doon sa anak ng kaibigan ni Daddy. Si Loki Andrada. Sakanya ko ipapahanap si Cj.

Hahayaan kong bumalik ng buo si Kai sa buhay ko akpag nakita ko na si Cj. Curious din naman kasi ako sa personality niya if deserve niya ba talaga si Yeonjun.

Naging crush ko pa naman yon.

And Imake sure nya lang na valid ang reason niya kung bakit niya iniwan si Yeonjun. Just like Kai's reason. Yung kaintindi intindi.

I felt my phone vibrate kaya natigil ako sa pag iisip ng kung ano ano.

Kai:

Goodnight. I love you.

Hindi pa naman ako antok pero nang mabasa ko ang text niya ay unti unti akong dinalaw ng antok na kanina ko pa talaga hinihintay.

Aminin ko man o hindi ay talagang nag enjoy ako sa araw na ito. Ganun talaga ang saya na naipapadama sa akin ni Kai.

And with that. I sleep with a smile that curved in my lips.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now