29

141 6 0
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

Happy new year everyone. More blessings to come and I love y'all.

For good

Umalis ako sa garden at saka bumalik sa bahay na parang walang nangyari. Na parang hindi kami nag usap ni Kai.

Di rin naman nag tagal ay pumasok din si Kai at saka nakihalubilo sa ibang tao.

He looks fine for me. Wala ngang bahid ng sakit ang mukha kahit ang mata niya. So ano yung kanina? Pagpapanggap lang para kaawaan ko? Tsk. Im not stupid.

"Gurang kana bunso. Ano nang plano mo? We'll do anything for good." maka gurang naman to si kuya Manuel parang siya bata pa.

"I want to back to the Philippines." kailangan kong bumalik. Kailangan kong lumayo. Kung may Chloe naman na pala siya bago ako, ako na lang ang mag aadjust. Ako na lang ang lalayo, kahit masakit, kakayanin.

"How about your modelling career here in Canada?" takang tanong ni Daddy.

"It's just a waste of time, Dad. Hindi naman ganon ka importante ang modelling and besides kapag andun na ako sa Pilipinas ako na ang maghahandle ng kumpanya natin doon." sige Steph. Lokohin mo sila. Lokohin mo na din pati ang sarili mo para naman hindi mo maisip ang sakit na dulot ng isang tao.

"Are you okay?" tinapik pa ni Kuya Manuel ang balikat ko para makuha ang aking atensyon.

"Of course I am. I just want what's best for my future." i shrugged my shoulders with my answer. Best for my future? Really Stephanie?

"My baby is already grown up now." madramang sabi ni Daddy. I used to be his baby tas aalis na naman ako. I swear dad, gusto ko lang naman maging maayos.

Babalik ako sa Pilipinas para atusin ang sarili ko. Para buuhin ulit ang kung anong sinira niya.

The party ended. Nakatulog ang halos lahat. Yung ibang lasing nasa sala na nakatulog. Pero ako, heto, buhay na buhay pa din ang diwa at hindi makatulog.

Bukas ng umaga ang alis ko pabalik sa Pilipinas kaya nag empake na ako. Kahit naman hindi ako mag empake ay pwede. May mga damit naman ako doon sa bahay nila Daddy sa Pilipinas dahil tumira ako don bago kami pumunta dito sa Canada.

Life is really playful. Papasiyahin ka niya tas sasaktan. Then kapag naayos mo na ulit ang sarili mo at kuntento kana ay muli ka na naman niyang sasaktan.

Bandang alas dos na ng madaling araw nang makatulog ako. At ala sais naman ako ginising ni kuya.

I need to get up early dahil alas otso ang flight ko.

I took a quick shower at hindi na ako gaanong nag effort sa pag lalagay nv kalorete sa aking mukha. I wore a  black Klara dress at pinaresan ko ito ng black platform na heels.

Tinignan ko ang aking sarili sa repleksyon ng salamin sa aking harap. I smirk at myself. Perfect to kill that runway.

Nag text na lang ako kay Chloe na hindi nako mag cocontinue sa modelling. I need to free myself before coming back again.

"Bye dad. Bye tita, Bye kuya." a bid my goodbye at them.

I was smiling from ear to ear but they cant look at my eyes. Parang alam na nila ang rason kung bakit ako aalis. Pero hinayaan nila ako, siguro kasi naisip din nilang para sa akin din naman ang desisyon ko.

Umalis ako ng di man lang nagpapaalam sa dalawa. Bahala na siya uuwi din naman sila ng Pilipinas. Ako na lang ang susundo.

Tulog ako buong byahe. Wala din naman kasi akong gana so anong gagawin ko? Kakain? Eh wala naman akong gana.

I just woke up when I felt someones tapping me on my shoulders. Yung attendant lang pala. Sinabi na nag arrive na at nakalanding na ang plane. I grab my Channel purse at saka bumaba.

Welcome back Stephanie.

Ang tagal na nung naka uwi ako dito. Parang dati lang gusto kong tumakas sa sakit kaya ako pumunta sa Canada. Ngayon dito ako pumunta para matakasan ang sakit na dulot ng isang tao na nasa Canada.

"Stephanie anak!" I saw mama running towards me ready to hug me tight. At di naman ako nagkamali. Nang makarating siya sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit.

Yes. She missed me this much.

Kinuha nung asawa ni mama ang aking bagahe. Hindi maman ganon kayaman sila mama compare kanila Daddy. Kaya nga kinuha ako ni Daddy para daw sa maayos na future.

Daddy trained me to be strong but here I am running away just because Im hurt.

Idinaan ako saglit ni mama sakanila para makita ang iba kong kapatid at para na din kumain kasabay nila.

"May gagawin ka ba bukas anak?"

"Wala naman po ma." tinapik ni mama ang asawa nya na napatingin sa akin. So anong meron?

"May party kasi kaming pupuntahan bukas gusto ka lang namin isama." I was touched sa sinabi ng asawa ni mama. They want me to come with them? Why not?

"Sure po."

Nagtuloy ang pagkain namin ng tahimik. Ang cute ng pamilya nila. Laging kumpleto kumain. Si daddy at tita kasi halos laging nasa ibang bansa dahil sa business. Eh sila mama. Mayroon naman silang maliit na botique na paunti unting lumalago.

Pagkatapos naming kumain ay narito kami sa sala. Nanonood si mama at tito samantalang nilalaro ko ang nakababata kong kapatid na si Fiona. She's a nice girl indeed.

"Bakit ka nga ba umalis sa Canada?" nag angat ako ng tingin kay tito na nag tanong na lang bigla sa akin.

"For good po." I smile fakely at saka ibinalik ang atensyon sa kapatid.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now