31

138 8 1
                                    

Vote. Comment. And Enjoy Reading
Chasing Love
-Elay Biares

Hi here's a pambawi sa short update hehe. And since tomorrow is my born day kaya mag uud ako.

Happy birthday ate Julie Mae Dura❣️

Hooked

Its been a month simula nung bumalik ako dito sa Pilipinas para takasan ang nangyari doon sa Canada.

Thank God na walang Kai Villanueva akong nakikita. Wala talaga kahit isa. Hindi naman sa nadidisappoint ako. Masaya lang ako kasi walang nanggugulo sa akin.

Sa isang bwan na nandidito ako ay nagawa pa ding mang gulo nila Marj at Aiza. Umuuwi din sila dito hindi para sa iba nilang kamag anak. Kundi para lang guluhin ako.

Napaka saya diba?

Wala ngang Kai Villanueva na nanggugulo pero may Aiza Danielle Cariso at Alexia Marjorie Valdez na natitira.

"Hoy Stephanie! Puro na lang trabaho. C'mon! Lets have some fun!" Ayan na nga! Here comes Marjorie and Aiza.

Pumupunta talaga sila dito sa Pilipinas para lang guluhin ako. Kulit ng ganyang kaibigan no? Pero wag nyong pangaraping magkaroon ng ganyang kaibigan kasi nakakairita minsan.

"Fun na naman? Eh halos gumapang na nga lang ako pauwi kagabi dahil sa fun na yan tapos fun na naman ngayon?"

Nakita ko na naman ang eksena sa bar kagabi. I was so drunk that time kaya grabe ang hataw ko sa dance floor. Ni hindi man lang ako makitaan ng hiya.

"Of course! Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay so we need to have fun!" What a advice Aiza. Sarap mong ihampas sa mesa.

Wala namang sense kapag nakipag talo pa ako sakanila. Kaya naman tumayo ako at inayos ang aking sarili bago lumabas sa aking office.

Buti hindi ko na kailangang umuwi para lang magbihis. Im wearing a silk spaghetti top na color ash gray and Pencil skirt na ash gray din. Suot ko din ang paborito kong stiletto na ash gray din.

Hindi ko naman hilig ang ash gray diba?

Naka labas na kami ng building at dapat pasakay na sa kotse ng may humawak sa aking braso.

His fucking scent is fucking familiar.

Hindi pwede. Nakakalimutan ko na siya tapos mang gugulo na naman? Babalik siya para ano? Para saktan ako?

"Stephanie mag usap tayo please." mariin akong napapikit. God!i missed his voice so much. Ganto ko siya kamahal at hindi sapat ang isang bwan para kalimutan siya.

"Ano pa bang pag uusapan natin Kai? Napag usapan na natin ang dapat pag usapan." malamig kong tugon sakanya. Tinignan ko siya sa mata at nakita ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Bakit Kai? Bakit ka nasasakatan? Anong karapatan mong masaktan?

Pasimple ko siyang tinignang maiigi. Lubog ang mata niya at masasabing kong pumayat talaga siya.

Hindi hiyang sa alagang Chloe? 

Aww poor Kai. Balik ka kaya sa akin at huwag mo akong lokohin? Baka sakaling bumalik din ang dati mong pangangatawan.

"Tayo. Pag usapan natin ang tungkol sa atin." I smirked at his words. Talaga lang Kai? Lakas naman

"Tayo? Meron bang tayo? Sa pagkakaalam ko wala nang tayo Kai." I smirked nang makita kong napaawang ang kanyang mga labi at tila hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"I didn't broke up with you! Kaya meron pang tayo." tumawa ako ng napaka pait na nagpatigil sakanya.

"You didn't broke up with me but I did. Kai wag mong gawing tanga ang sarili mo. At mas lalong huwag mong pagpipilitan ang sarili mo sa taong hindi kana gusto." and with that tumalikod ako sakanya at hindi na pinansin pa ang kanyang mga pagtawag sa akin.

Sapat na ang sakit na pinadama mo sa akin Kai. I dont want to be in pain again. Or sabihin na natin na, ayaw ko ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

Pumasok ako sa kotse at napansin ang tingin nila Aiza at Marj. Did they hear everything? Nakinig kaya sila sa amin ni Kai? Mga tsismosa talaga.

"Hindi sa nangingialam kami Stephanie. But maybe, Kai deserve another chance." pag uumpisa ni Marj. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Aiza na tumango at tila sumasang ayon sa sinabi ni Marj.

Mapakla ko silang tinawanan. Deserve another chance to what? A chance to hurt me again?

"Cheaters doesnt deserve another chance. Aabuso sila at mas sasaktan ka lang." madiin kong sabi sakanila. Namungay ang mata nilang dalawa at saka tumingin sa bintana na katabi nila.

Maybe because I've been hurt too much. Pinagkatiwalaan ko siya. Minahal ko siya pero mayroon na pala siyang iba.

Ako ang kasama niya pero may naghihintay din pala sakanya.

Pumunta kami sa 3D bar kung saan kami nalalagi paminsan minsan. Stress reliever na namin kumbaga. Stress reliever namin ang umuwing gumagapang dahil sa kalasingan.

"We're here to enjoy Stephanie. Kaya iwan mo muna ang sama ng loob mo dito sa labas." I nod as a response. Hindi ako makakapag enjoy kapag nagakataon.

Sumalubong sa amin ang pinaghalong amoy ng alak at ingay ng paligid. I didn't miss this place. Halos araw araw na kami dito eh.

Dumiretso sila sa dance floor habang ako heto naka upo lang sa upuan at tamang inom lang ng Whiskey.

Am I that bad for not giving him another chance?

Am I that bad for not listening on his explainations?

I just became a stone but still Im hooked with him. Im hooked with our memories and Im hooked in the fact that I cant forget my feelings for him.

A tear escaped in my eyes as I remember our memories together. Lalo na yung nasa Paris kami. Its the most memorable day of my life.

Medyo madilim ang kinaroroonan ko kaya naman ay wala gaanong nakakapansin sa akin dito na umiiyak na pala ako.

"Im sorry." halos malaglag ako sa aking kina uupuan ng makarinig ako ng boses. No, boses ni  Kai.

"Dont continue what you wanna say Kai. Tama na muna ang ngayon pwede?"

Tama na muna Kai dahil marupok ako pagdating sayo. Lalo ng ikaw pa din ang gusto ko mula noon hanggang ngayon.

It will always be you Kai.

Chasing Love (Villanueva Series #1)Where stories live. Discover now