3

265 20 12
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

 And enjoy reading Chasing Love -Elay Biares

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Blind

Hindi ko kinaya ang mga nakita ko kaya dali dali akong naglakad makalayo lang doon. Hindi ko maintindihan. Bakit ko siya nagustuhan? Eh hindi ko nga siya lubos na kilala. Hindi rin naman ito pwede. Gaya ng sabi ni Kaycee, langit siya at lupa lang ako. Hindi kami bagay para sa isa't isa.

Tulala akong nakarating sa bahay. Wala akong ganang kumain pero mag aalala sila lolo at lola kaya naman ay kumain ako kahit unti lang. Pagkatapos mag linis ay pumanhik na ako sa kwarto. Laman ng isip ko si Kai. Kung sino yung kasama niyang babae. Habang iniisip ko iyon ay kumirot na naman ang puso ko. Affirmative. Gusto ko nga siya.

Sinikap kong matulog kahit hindi pa talaga ako inaantok. Ang daming sernaryo sa isip ko kung anong pwedeng mangyari bukas. Kung iiwasan ko ba siya. O hahayaan na lang na lumalim itong nararamdaman ko. Pero kapag hinayaan ko naman itong lumalim, ako din ang masasaktan. Ako ang talunan.

Umagang umaga hindi ko alam ang salitang ngiti. Bakit hanggang ngayon masakit pa din? Matapos mag almusal ay pumasok na si lola at nangisda naman si lolo. Kaya heto ako naglalakad papunta sa dalampasigan. Kesa naman wala akong magawa sa bahay. Dala ko ang paborito kong libro, ang sabi kasi ni lolo ay itong libro na ito ang paborito ni mama. Namana ko daw kay mama ang hilig sa pagbabasa kaya binigay nila sakin ang mga libro nito.

Tahimik akong nagbabasa habang pinapakinggan ang alon sa dagat. Sa di kalayuan ay nakita ko na naman ang lalaking nagpaparamdam sa akin ng pisteng ito. Yung lalaking dapat nang layuan ko.  Nakapamulsa itong naglakad papunta sa akin. Ang gwapo niya. Napaka delikado netong lalaking ito sa sistema ko.

"Stephanie." ang lamisg ng boses niya. Ang sarap sa tenga nong binanggit niya ang pangalan ko. Hays. Tiningala ko siya at sinalubong ko ang tingin niya sa akin.

"Kai." pilit ang ngiti ko sakanya. May nakita akong kung anong emosyon sa mata niya pero agad din namang nawala. Anong ibig sabihin nun?

"Galing ako sa Placer kanina at ikaw ang naisip ko kaya binili ko ito." inabot niya sa akin ang isang box ng cellphone. Gulat ang mukha ko na tinignan siya. "May sim card na din yan ay naka save na ang number ko." napakamot siya sa kanyang batok at napatingin sa akin na para bang kinukumbinsi niya akong kunin ito.

"Kai hindi mo naman kailangang bigyan ako ng ganito. Tsaka may cellphone naman na ako ah. Magagamit ko pa naman ito." pinakita ko sakanya yung cellphone kong de keypad. Ano kayang pumasok sa kokote neto at binilhan ako ng phone? Tsaka ang alam ko mahal ang cellphone na touchscreen ah.

Nag angat ako ulit ng tingin sakanya at nakita ko ang malungkot niyang mukha. Ang daya naman! Hindi ko matiis. Napabuga ako ng hangin saka tinanggap ang phone na inaalok niya. Ang malungkot niyang mukha ay napalitan agad sa isang iglap.

"Picture tayo Stephanie." para bata niyang sabi sakin na tinawanan ko na lang. Ang cute niya. Phone niya ang una naming ginamit. Inilapit niya ang mukha niya sakin kaya napatingin ako sakanya. Masyadong maamo ang mukha niya na nakakakuha talaga ng atensyon. Bumalik ang tingin ko sa camera at saka ngumiti at nag pose. Pagkatapos ng sa phone nya ay doon naman sa phone na binili niya para sa akin. Madaming shot ang ginawa niya. Ang dami din naming pose na ginawa.

"Heto Steph. I wallpaper mo ah." naging busy siya sa phone saglit saka pinakita sa akin. Naka lockscreen na yung picture namin na nakatingin ako sakanya. Kinuhaan na niya pala iyon. Home screen niya naman ang picture namin na nakatingin kami sa isa't isa. Ganun din ang ginawa kong wallpaper at lockscreen sa akin. 

"Kai. Alis muna ako. Mag eenroll muna ako sa bayan." tumayo na ako at saka bumalik ng bahay para mag ayos.

Simpleng short at white tshirt na naka tack in lang ang suot ko. Pinares ko ito sa luma ko nang puting sapatos. Nagpulbo lang ako dahil natural na sakin ang pagkakaroon ng pulang labi at pisngi. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko, na bumagay naman sa akin. Lumabas ako ng bahay at saka nagsimulang maglakad papunta sa bayan. Hindi naman iyon gaanong malayo kaya pwedeng lakarin.

Nang malapit na ako sa lupain ng mga Villanueva ay lumabas ang pamilyar na imahe ni Kai at Yeonjun kasama ng iba pa nilang pinsan. Kung titignan silang maigi ay malalaglag talaga ang panga mo sa sobrang gwapo nila. Dagdag mo pa ang height nilang hindi mo maabot. Para silang kamag-anak ni Adonis.

Napalingon si Yeonjun sa gawi ko. Ngumiti siya ng malapad at saka kumaway sakin sanhi na mapatingin silang lahat sakin. Hinagod ako ng tingin ni Kai mula ulo hanggang paa at balik sa ulo ko. Naramdaman kong nag iinit ang pisngi ko sa ginawa niya. Masyado akong simple hindi kagaya sa kanila na kahit nakapantalon at tshirt lang ay akala mo mga model na, pano pa kaya kapag magaganda na ang suot nila?

"Steph sasabay kami sayong magpa enroll." hindi ako makapaniwala sa narinig ko at napatango na lang ako sakanila. Bakit sila dito mag eenroll? Mukhang maganda naman ang buhay nila sa Maynila. Nagsimula na kaming maglakad. Silang lima ay may kanya kanyang payong. Ako lang ata ang wala. Kaya tumabi sa akin si Kai para mapayungan ako. 

Nakarating kami sa bayan at nagsimula na din ang bulungan.

"So totoo nga ang nakita sa Placer."

"Pero akala ko ba si Yeonjun yung kasama niya doon?"

"Malandi yan. Wag kanang magtaka."

Napayuko ako sa mga narinig ko dito sa school ground. Humiwalay sakin saglit yung lima dahil may gusto daw silang tanawin mula dito. Yung dagat siguro, kitang kita iyon dito eh. Babalik din naman daw sila agad. Humakbang ako paabante sa pila nang biglang may tumulak sakin sanhi para mapauop ako sa sahig.

"Anong sabi ko sayo Stephanie? Diba sabi ko sayo layuan mo si Kai? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kayo bagay?" galit na ani ni Kaycee sa akin. Ano bang problema neto? Sasambunutan niya sana ako pero may pumigil sa kamay niya. Doon ko nakita silang lima. Blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Walang kasalanan si Stephanie dito. I was Blinded by love."

Chasing Love (Villanueva Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz